Chapter 8

386 17 2
                                    

Josh Pov

Ngayon ay huwebes isang araw na lang bago ang Anniversary na gaganapin sa school.




Sinimulan ko ang araw ko ng may mga ngiti sa mga labi. Alam kong ibubully na naman ako mamaya pero dapat nakong masanay kasi ganyan talaga ang buhay may pagka unfair. Nakadating nako sa school at sa di inaasahan merong kaguluhan sa gate...

At dahil naintriga ako, nakichismis din ako,hahaha.

"Para ba sa akin yang bulaklak Prince Ian??"

"Hindi sa akin yan!"

"Ang gwapo mo talaga Prince Ian! Akin kana lang!"

"Wag kayong mag away girls, hindi ito para sa inyo para ito sa kanya!"sabi ni Ian na nakaturo ang kamay sa dereksyon kung saan ako nakatayo.

Naestatwa naman ako dahil sa sinabi niya, nahihibang naba siya??

"Anong p-pinagsasabi m-mo dyan??

"Para sayo to Ian, tanggapin mo na, maskwerte ka nga ikaw yung bibigyan ko neto."


Namula naman ako dahil sa sinabi niya. Pero at the same time may katanungan sa aking isipan, bakit naman biglaan ata? Noong isang araw binully pa ko ng lalaking ito eh! Pinamukha niya pa nga sa akin ang bagay na yun. Bakit parang biglang nag iba ang ihip ng hangin?

Pero alam ko namang "People Can Change", right? Tsaka, di naman ako masamang tao para magtanim ng galit dahil lang sa bagay na maliliit katulad nun.

"Tara hatid kita sa kwarto mo!" Sabay lahad ng kamay niya sa akin.

"Feeling princesa lang?"

"Ginayuma niya ba si Ian ko?"

"Bakla lang yan, alam kong paglalaruan lang yan ni Ian"

Maraming nagulat, nagbubulungan dahil sa eksena na ginawa ng mokong nato.

Nakakapagtaka nga sabi niya nung isang araw ayaw niya daw sa katulad ko, dapat daw di ko na siya kilalanin, ang weird niya ah. Pero infairness mukhang nagpagwapo talaga siya para sa akin, ay wait gwapo na pala siya.

"Tara na?pabayaan mo na sila kung magbubulungan sila dyan."

So hindi naman ako nagpakipot noh, sabay kaming dalawa pumunta sa classroom at hawak hawak ko ang bulaklak na binigay niya.

Maraming nakatingin sa daan, pero sabi nga ni Ian pabayaan ko na lang daw...

Nakarating kaming dalawa sa classroom ng hindi pa nag iistart ang klase. Mabuti nga akala ko nga magsta start na eh.

Pagkaupo ko sa aking upuan tinabihan naman ako ng dalawang naintrigang bakla.

"O saan galing yan?at bakit kayo magkaholding hands ni Ian?"tanong ni Roderick.

"Uhmm, ah- eh w-wala nagkasabay l-ang kami! Yun! Nagkasabay lang kami!" Depensa ko naman.

"Uyyy!! Yieeeeee!! Ikaw ha, haba ng hair mo girl!" Sabi naman ni Ronie.

"At bakit naman??"

"Tignan mo si Ian nakangiti sayo oh!para ka ding kakainin ng buhay sa mga titig!"

At dahil naintriga ang lola niyo, lumingon naman ako at tama nga makangiti naman si Ian akala mo nanalo sa lotto.

Nga pala pwede silang mga majesty na mag istay sa classroom kahit kailan nila gustuhin. O diba grabe makapangyarihan nga sila.

Grabe naman makatitig tong si Ian akala mo pagkain akong lalapain niya eh.
Pero di ko naman ipagkakaila kinikilig ako na ewan.

Pumasok ang aming guro at nagstart na ang klase, at feeling ko may mga matang nakatingin sa akin, di na ko magtataka kung kaninong mga mata yun..

Walang masyadong klase ngayon dahil sa
paghahanda para sa gaganaping event bukas. Maaga kami pinauwi at pinagpahinga....


Sa buong araw ko ngayon kasama ko palagi si Ian. Kung saan kasi ako pumunta nakabuntot siya, di ko naman pwedeng ipagtabuyan eh crush ko naman yun. Oo na inaamin kona crush ko si mokong.. Wag kayo umangal ha denial lang ko noong una. Ganun talaga sa mga lovestory kailangan magpakipot muna sa umpisa.


At himala dahil hindi ako binully ngayon di katulad noong isang araw na parang buong paaralan pinagpipiyestahan ako. Mabuti na nga siguro kung ganito na lang araw-araw.

Yung walang mananakit sa akin, walang gagawa sa aking ng ikakahiya ko sa maraming tao.. sana nga ganito na lang palagi sana hindi na ulit ako masasaktan both physically at mentally. Hinatid ako ni Ian sa bahay namin. Napanganga nga ang loko. Ngayon lang ba yung nakakita ng malaking bahay?

Parang matatawa ako na ewan sa mukha niya epic lang!hahaha.

He bid his farewell with a kiss na ikinapula ko naman. Napakasweet niya talaga di maipagkakaila na lapitin siya sa babae at sa mga binabae..

Ngayon nakamukmok ako dito sa bahay. Katatapos lang namin ni Tito kumain. Alam kong pagod din siya sa work niya kaya natulog siya ng maaga. Nag hot bath muna ako para naman maging fresh ang aking katawan. Pagkatapos nag open ako ng fb ko at may isang notification...


Ian Buenaventura sent you a friend request.

Inadd niya pala ako. Iaaccept ko ba??

Eh?nahihiya ako pero sige na nga lang..ahhahaha

Inaacept ko siya at makalipas ang ilang segundo nag hi si mokong.

Nag hello naman ako.







"Kamusta ka?"

"Ok naman,ikaw ba?"

"Eto ok din, naghahanda lang para bukas."

"Ay oo nga pala, goodluck para bukas."

"Attend ka ha? May sasabihin sana ako sayo bukas, kung okay lang sayo?"

"Oo naman."

"Sige bukas ha, magkita nalang tayo sa likod ng school, pagkatapos kaming ipakilala."

"Okay po."

"O sige good night na, gabi na oh tulog kana. Sweetdreams."

"Sige, ikaw din Good night."






At hindi ko na hinintay ang reply niya, natulog ako ng may mga ngiti sa labi...















At dahil yun sa....































Kanya.....

















































Somebody Pov

Nakakatawa lang... akala niya talaga mahal siya ni Ian? Like duh! Di niya alam na pinagloloko lang siya.... sabagay masaya ito dahil umpisa pa lang ito ng mga plano ko.....

Humanda ka sa akin Josh Mondragon, gagawin kung miserable ang buhay mo..

Hahahahahahahhaahhaha...

The Revenge Of a Nerd (boyxboy) (Ongoing)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz