CHAPTER 28 [6 Months of my Life]

32K 237 23
                                    

Sunday

Pumunta si mama sa mall, kaya syempre kasama ako =D. Libot-libot kami, then nung napadpad kami sa appliance shop, may commercial dun sa tv, si Daniel, siya nga, siya ang model nung brand ng tv na yun. Siya na sikat :D

"Ang pogi talaga ni Daniel! Naku! Ang swerte siguro ng mga malalapit na tao sa kanya"-girl1

"Yea right. Kahit kaibiganin niya lang ako pwede na akong mamatay!"-girl2

 

-___- Ang swerte ko pala talaga kung ganun? Sa bagay, ikaw ba naman magkaroon ng kaibigan, ay este bestfriend na artista eh :D. Sobrang swerte ko nga sa kanya! :)

At oo nga pala, tsk tsk... Tanga lang ni Rica! Haay -__- Kung ako sa kanya sinagot ko na dati si Daniel, teka, nakwento ko na ba sayo yun Diary? Si Rica kasi ayaw kay Daniel TALAGA. -__- Ang bait-bait nga ng tao eh, naku naku! Natatandaan ko nanaman yung akala ko secret admirer ko :< Pero okay lang, dumating naman sa buhay ko si Jayson eh:""> MAKO.

Sa paglilibot sa mall, naalala ko na bibilhan ko pala si Daniel ng regalo, kaso tanga ko langs -__- Naiwanan ko yung ipon ko sa bahay T.T

 

"Ma, penge 1k"-ako

"Ano?! 1K aanhin mo yun? O.o"-mama

"May bibilhin ako, ibawas mo na lang sa allowance ko"-me

"Sus, sa project ba yan? Assignment? For what ba yan anak?"-mama

"Basta, please mom, 1k lang, ngayon na nga lang ako manghihingi ng pera eh"-me

"Oh sige... Eto oh, kunin mo yan, basta.."-mama

"Kita na lang tayo after 30 mins sa Tokyo tokyo, saglit lang ako ^_^"-me

 

Haay -__- Akala ko di ako makakakuha ng pera kay mudra...

After nun, diretso ako sa mga bilihan ng damit, syempre sa panglalaki. Ang alam ko lang kasi mahilig si Daniel sa black na damit, hmmm.... Varsity? Eh wag na yun, hmmm, Long sleeves? Pwede, pero ano kaya?

Biglang may nakita akong huge teddy bear na black na naka-display sa tindahan ng mga stuff toys (MALAMANG) O.o ANG CUTE NG BEAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAR!

Yun na lang kaya regalo ko sa kanya? Hahaha, agad agad akong pumasok sa shop, at yes! SAKTO yung pera ko! sale kasi yung bear na yun, 3500 siya dati, naging 1k na lang >:))

Swerte ko talaga :D hehehe...

Then nagkita na kami ni mama, at umuwi ng bahay. Yun lamang... Huuu >.< Inaantok na ako, bye na nga!.

Monday

Grabe, sa Friday pa yung FieldTrip, pero grabe, HOT ISSUE sa buong campus yun, eh pano ba naman, OVERNIGHT, uuwi na kami mga hapon na ng sabado. San ka pa? =D Ang mahal nga lang ng bayad, 5k T.T Letcheng eskwelahan ito... Pero sulit naman >:)) PALAWAN ba naman ang PEG eh, Cool right? =D

Nung Lunch, syempre, as usual dun ako sa likod ng school, tambay...

 

~Pinch

Buhay ng PangitWhere stories live. Discover now