Chapter 6

1.5K 43 2
                                    

Chapter 6

Betrayed

Ilang araw ko nang iniiwasan na makita ang EXO. Tuwing sinasabi ng secretary ko na may meeting ako sa kanila ay umiisip agad ako ng excuse para hindi sila makita.

Because I feel so guilty.

There’s no way na magalit ako sa kanila nang hindi nila alam ang dahilan.

Napayuko nalang ako sa table ko dito sa office ko.

Matapos ang nangyari noong nasa Enchanted Kingdom kami ay hindi ko matignan ng maayos si Chanyeol.

I feel so fluttered.

Parang nawala lahat ng inis at galit ko sa kanya at sa buong EXO. Lalo na nang malaman ko na kasama ang buong EXO sa pag-aayos ng birthday surprise na iyon, kahit na sobrang busy nila ay nagawa pa nilang ayusin iyon.

They do that because they feel that I don’t like them. Ayaw pala nila ng ganoong pakiramdam.

Pero paano ang bashers nila? How can they handle them?

Biglang may kumatok sa pintuan ng office ko. Napaayos ako ng upo at inintay kung sino ang papasok.

At nanlaki ang mata ko nang pumasok ang buong EXO. Napaayos ako ng upo at makailangang napalunok dahil sa kaba.

“You’re all here.” Awkward kong sabi at napangiwi nalang pagkatapos ay napayuko.

“Miss Karina..” tawag ng secretary ko.

Napaangat agad ako ng tingin at tumayo para batiin sila. Mukha siguro akong ewan ngayon.

Yumuko naman sila ng sabay sabay at binati din ako.

Tinignan ko sila isa-isa. Napapikit ako at bumuntong-hininga

“I’m sorry and Thank you. I’m sorry for making you think that I hate you. I’m very very sorry. And thank you for the surprise, it’s so much appreciated.” Sabi ko sa kanila at ngumiti ng tipid.

Nakita ko silang ngumiti sa akin hanggang sa naging tawa iyon. Maging ako ay napangiti na din.

Para kaming mga bata na nagkagalit tapos nagkabati na. Hay.

“Hello everybody!”

Napatingin kami sa dumating. Nakita ko si Plea na kasama si Kiara na tumakbo na papunta sa EXO.

Masayang lumapit sa akin si Plea. “Hindi mo na naman sa akin sinabi na nandito sila. Mabuti nalang at bumisita ako sa inyo at sinabi ni Kiara sa akin na pupunta siya dito kasi nandito yung EXO.” Bulong niya sa akin.

Tinignan ko lang siya. Here we go.

“Huwag ka nalang magulo. You know the rules here.” Sabi ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin.

“Annyeong! I’m Plea Astrid Cuerdo, Karina’s bestfriend.” Sabi niya at lumapit siya sa mga ito.

Binati naman siya isa-isa at nakita ko kung paano namula ang pisngi niya.

Napairap nalang ako sa kawalan at hindi na ulit tumingin doon. Tumingin nalang ako sa secretary ko at tinanong ang magiging schedule namin.

Biglang pumasok ang manager nila at nakita ko kung paano ito nagalit. Napakunot ang noo ko at nakita kong pinagagalitan niya si Plea.

Nakita ko din kung paano tinapakan ng manager nila ang phone ni Plea kaya napalapit ako ng wala sa oras.

“Didn’t she know the rules and regulations here? No photos and videos allowed because the concert here is not yet announced?” galit na sabi ng manager sa amin.

Love, BasherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon