TWO.

9.6K 145 6
                                    

"quin ano ng gagawin ko?" naiiyak niyang tanong sa bestfriend niyang nasa kabilang linya

"sabihin mong ayaw mo don." sabi ni quin

"nasabi ko na nga pero galit na galit talaga siya gusto niya bukas na bukas uuwi nako don"

"you mean hindi na kita makikita?"

"gaga! mag kikita pa naman tayo pero hindi nga lang araw araw. ano na kase gagawin ko? mag lalayas bako o ano?!"

"sira! lalong magagalit si tito pag ginawa mo yon. pumayag kanalang sa gusto niya tutal kasalanan mo din naman." sermon ni quin

"what if kausapin ko si dad bukas baka mag bago isip niya?"

"yeah try mo siyang kausapin ng maayos bukas baka mapapayag mo."

"sana nga. haaay!" pabuntong hininga ni spencer

"bakit mo ayaw mo don sa lolo mo? diba maganda don?" tanong ni quin

"maganda na kung maganda don. kaya lang ibang klase ang pamumuhay don parang nasa lumang panahon pa. ni hindi man yata uso ang disco doon e. wala pang wifi ang hina ng signal."

"dahil lang don kaya ayaw mo?"

"plus wala yung mga ka flirt ko don! hindi ako nababagay don quin! basta ayoko don!" inis na sabi ni spencer

"spence i think may dahilan kung bakit ka gustong mag stay ng daddy mo doon."

"ano para mag tino ako? kaya ko naman na mag tino kahit nandito ako ah!"

"lelang mo spence! ilang beses mo nadin sinabi sakin yan!"

"pati ba naman ikaw na bestfriend ko wala kang tiwala sakin?!"

"may tiwala ako sayo pero sa sinasabi mong pag babago ewan ko lang!"

"kainis ka! ge na matulog kana!" inis na sabi ni spencer

"sige sige antok na din ako basta balitaan moko agad bukas ah?"

"opo! sige goodnight!"

"goodnight din i love you." sabi ni quin at i end na niya.

pasaldak na nahiga sa kama si spencer iniisip niya kung ano ng mangyayari sakanya pag hindi niya nakumbisa ang ama niya bukas.

dahil sa kakaisip hindi na niya namalayan na nakatulog na pala siya.

*****************************

nagising siya dahil pumasok ang isa nilang kasambahay dahil pinapagising na siya ng ama niya.

agad agad naman itong tumayo at nag punta ng banyo para makapag hilamos.

ilang minuto lang ay bumaba na ito at nadatnan niya ang kanyang ama na may kausap sa cellphone.

hindi na niya ito binati at umupo nalang sa tabi ng ama niya.

ilang saglit pa ay binaba na ng ama niya ang hawak niyang cellphone.

"goodmorning pa." bati ni spencer

"morning din, ready naba mga gamit mo?" tanong ng ama niya

"ho?" pagtataka niya

"ang mga damit at gamit na dadalhin mo nakahanda naba? kung hindi pa ipapahanda ko nalang kay dory." sabi ng ama niya na nakatingin sa hawak nyang newspaper

"dad naman please."

"hindi na mag babago ang desisyon ko at hinihintay kana ng lolo mo doon." seryosong sabi ng ama niya

"please po" pag mamaka awa nito

"anong sinabi ko sayo noon spencer?! alam mong hindi kita pinakekelaman sa mga pinag gagagawa mo hinahayaan lang kita! isa lang ang hiningi ako huwag ang anak ni tito aston mo pero anong ginawa mo? ginawa mo padin napaka tigas ng ulo mo!" galit na sabi ng ama niya

"pero siya yung lumapit dad! lasing din ako non!" pag tatanggol niya sa sarili niya

"kahit na siya pa yung lumapit sana umayaw ka! alam mong ikakasal na yong tao pero anong ginawa mo?! ginulo mo siya! ginulo mo sila!" pasigaw na sabi ng ama niya

"bakit ako yung sinisisi niyo dad? siya po yung nag pumilit at nag punta ng condo ko!"

"ano pa bang kulang spencer? ano pa bang gusto mo? lahat nalang binibigay ko sayo pero bakit hindi moko mapag bigyan sa gusto ko?!"

"dad please naman po bigyan niyo pako ng chance please dad.." pag mamakaawa niya sa ama niya habang naka hawak sa kamay nito

"tulad ng sabi ko buo na ang pasya ko." sabi ng ama niya

naramdaman niyang wala na siyang magagawa kahit anong pag mamakaawa ang gawin niya.

hindi niya alam na tumutulo na pala ang luha niya.

dahil sa inis na nararamdaman niya padabog itong umakyat papasok sa kwarto niya.

pero bago pa ito nakapasok sa kwarto nag salita ang ama niya.

"miles spencer wag mo ng dalhin ang kotse mo ipapahatid nalang kita."

lalo siyang naiyak sa sinabi ng ama niya.

pag pasok niya sa kwarto agad niyang kinuha ang cellphone niya at dinial ang number ng bestfriend niya.

"hello quin?"

"ohh bakit ganyan boses mo? umiiyak kaba?" nag aalang tanong ni quin

"pano ang tigas tigas ni papa hindi talaga siya pumayag" naiiyak niyang sumbong sa bestfried niya

"pano na yan?" malungkot na sabi ni quin

"puntahan moko now gusto kitang makita please bilisan mo." naiiyak na sabi niya

"oh sige wait moko wag ka munang aalis ah?" sabi ni quin

"oo." tipid na sagot ni spencer at binaba na niya ang phone niya.

naiiyak na nahiga siya sa kama niya.

"ano ng mangyayari sakin nito? ikabubuti ko nga ba kung doon ako titira?" tanong niya sa sarili niya

naiiyak lang siya lalo pag naiisip niya kung ano ang buhay meron don. sobrang magkaiba ang pamumuhay dito kesa doon sa lolo niya.

nais man niyang lumayas nalang pero natatakot siya sa kung ano man kayang gawin ng kanyang ama sakanya.

kaya kahit labag man sa kalooban niya tinanggap nalang niya ang pasya ng kanyang ama.

When You Kiss Me •GiRL2GiRL•Where stories live. Discover now