THiRTY EiGHT.

737 25 21
                                    

"nak.." tawag sakin ni mama

"po?" sagot ko

"bangon na nak oras na.." sabi naman ni mama

"opo ma" sagot ko at bumangon nako pakiramdam ko kapipikit ko palang

Paglabas ko ng kwarto si samuel agad ang bumungad sakin

"morning ate" bati nito sakin at ang lapad ng ngiti

"morning din" sabi ko at dumeretcho nako ng banyo para makapag hilamos muna.

Habang nag hihilamos ako naririnig kong pinag sasabihan ni mama si samuel sinasabi nitong wag siyang mag likot at para isama siya ulit.

"bakit saan ka pupunta???" sabi ko habang pinupunasan ko ang mukha ko

"pinayagan ako ni mama" sagot ni samuel habang kumakain ng almusal

"oo nga saan ka nga pupunta?" sabi ko at umupo nako

"oh ako naman ang maliligo" sabi ni mama at pumasok na ng banyo

"pupunta kami kina ate spencer sinasama niya ko" sagot ni sam

"sakanila mismo???" tanong ko ulit

"opo" sabi ni sam

"buti pinayagan ka ni mama ang layo non" sabi ko

"syempre si ate spencer naman yon e"

"e pano kung pag punta niyo doon binenta ka niya? Binenta niya mga laman loob mo? Uso paman din yon" panakot ko

"di naman niya gagawin yon yaman na nila e" sagot ni sam

"aba malay mo naman" sabi ko

"atsaka di gagawin ni ate spencer yon takot sayo yon e"

"aba dapat lang na matakot siya sakin, at bakit naman pala siya takot sakin???" tanong ko dahil nacurious ako bigla

"kase ayaw niyang magalit ka sakanya kaya di ka gagalitin non kase ate gusto niya maging close daw talaga kayo parang ganito" sabi ni sam at pinapakita niya sakin kung pano yung close mag kadikit na mag kadikit ang daliri niya

"asus! Takot kamo siyang mabugbog sakin!" sabi ko naman at kumuha nako ng pagkain ko

--------
Nag liligpit nako ng pinag kainan ng lumabas si mama ng banyo

"aba tapos na kayo?" tanong ni mama

"opo ma" sagot ko

"bakit parang ang konte yata ng kinain mo??" si mama

"nabusog ako sa kape ma at parang busog pako sa kinain namin kahapon" sagot ko

"ay ma buti pinayagan niyo tong sumama kay spencer???" tanong ko

"nakiusap siya sakin mag isa lang daw siya babyahe kaya nag paalam kung pwede isama kapatid mo para di mainip, alam mo naman tong kapatid ang daldal" sabi

"himala pumayag kayo di niyo naman talaga kilala si spencer" sabi ko

"ramdam kong mabuting tao si spencer anak, ewan ko ba ikaw lang tong nag dududa sakanya" sabi ni mama

"eh syempre di pa natin lubos na kilala siya pano kung pakitang tao lang yon" sabi ko

"ramdam ko sa aura niyang mabuti siya"

"kahit na."

"eh ikaw buti sumama ka sakanya kahapon??"

"eh..."

"eh.... Kita mo na ikaw din kase alam mong mabuti siyang tao" si mama

"eh syempre ako ma kaya ko sarili ko kung sakali man, e si sam bata pa"

Ai ajuns la finalul capitolelor publicate.

⏰ Ultima actualizare: Jan 05, 2021 ⏰

Adaugă această povestire la Biblioteca ta pentru a primi notificări despre capitolele noi!

When You Kiss Me •GiRL2GiRL•Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum