THiRTY FOUR

2.2K 81 8
                                    

"shay anak lika dito tignan mo ang kapatid mo ang gwapo gwapo sa uniform nila" masayang sabi sakin ni mama habang inaayos ang suot na uniform ni sam

"wow naman ang gwapo nga lalo ng kapatid ko" kangiti kong sabi habang papalapit sakanila na nasa sala

"salamat ate" nakangiting sabi naman ni sam na tuwang tuwa naman sa papuri namin sakanya

"nako dapat kayo ang manalo ah?" sabi ko

"oo naman ate kami pa!" pagmamayabang nito

"sige sabi mo yan ah. at dahil diyan binili kita ng request mo kaya dapat manalo kayo bukas." sabi ko at nilagay ko na sa lamesa ang dala ko

"woooow talaga ate" sabi ni sam at napaka lapad ng ngiti niya

"syempre malakas ka sakin e, tara na kain na tayo para makapag pahinga ka agad, ma tara na" aya ko sakanila at hinanda ko na ang pangako ko kay sam na lechon manok

masaya ako dahil tuwang tuwa ang kapatid ko. ganon din si mama kaya naman masaya kaming nag hapunan.

****************

"ate hintayin kita bukas ah?" paalala sakin ni sam

"oo naman. pag dating ni mama deretcho nako ng school niyo" sabi ko sakanya

"sige sabi mo yan ah. pag dala moko juice no ate?" habilin pa nito

"opo. yung malamig na malamig at maraming yelo. sige na mag pahinga kana" sabi ko sakanya at lumapit sakin at hinalikan ako sa pisngi.

"salamat ate the best ka talaga" kangiti nitong sabi sakin pagkatapos niya kong halikan

"nambola pa. sige na tulog na. patayin mo ilaw ah." sabi ko

"sige ate goodnight" at tumayo na nga ito sa pagkakaupo at pinatay ang ilaw.

"goodnight din samuel" sabi ko at sinara na nya ang pinto

napakaswerte ko dahil ang bait ng kapatid ko napaka lambing pa nito at di tulad ng ibang bata na pasaway. bilib ako sakanya dahil kahit bata pa ay alam na niya ang responsibilidad niya never siyang naging pabigat samin ni mama kaya naman tuwing nakakakuha siya ng mga award e nireregaluhan namin siya ni mama o kaya binibigay kung anong gusto niya kaya naman lalo siyang nag susumikipa at lalo niyang ginagalingan. sana lang hanggang paglaki niya ay di siya mag bago. sana....

**************
"sige na shay okay na. punta kana doon hinihintay kana ng kapatid mo" sabi ni mama sakin na kadarating lang sa pwesto namin

"okay lang ma maaga pa naman at bibilhin ko muna yung juice na pinapagawa niya" sabi ko

"o sige na bilhin mo na. doon mo nalang siya ibili ng kakainin niya panigurado maraming mga pagkain doon" si mama

"oo nga po ma. sige po bili lang ako" paalam ko at bumili na nga ko

************
sa school.
************

dumeretcho agad ako sa may court sakto ang dating ko dahil katatapos lang ng laro ng ibang grade. nakita agad ako ni sam kaya ang lapad ng ngiti niya.

"ateeeeee!" pasigaw niyang tawag sakin at pakaway kaway pa

"ate dito ka may pwesto kana dito" sabi niya medyo masakip na ang daan dahil marami ng nanunuod

lumapit nako sakanya at may pwesto na nga ko nasa may taas nila ako ng mga kagrupo niya.

"oh inom ka muna" abot ko sakanya nung juice

"sakto lang dating mo ate kami na susunod na lalaban pag katapos ng mga sasayaw" sabi ni sam

"asan si nathan?" tanong ko dahil di ko siya napansin

When You Kiss Me •GiRL2GiRL•Where stories live. Discover now