TWENTY TWO

4K 112 8
                                    

habang inaabot ni binoy sakin ang mga bulaklak narinig kong tumatawa ang dalawang mokong.

napatingin si binoy sakanila at nanlaki ang mata nito.

pati ako natawa sa naging reaction niya ng makita niya ang mga rosas na inaayos ng dalawang bata.

"nako kuya binoy di na kailangan ni ate shay yang mga dala mo" pang aasar ni nathan

"nag titinda na pala kayo ng mga rosas ngayon?" sabi ni binoy

"binagay kay ate shay yan may bago siyang manliligaw" si sam

"manliligaw?" si binoy

"oo" si nathan

"pero ako lang pwedeng manligaw kay shay" si binoy

at nanlaki mata ko sa sinabi ni binoy ang kapal din ng mokong na to.

"ahem! binoy anong sabi mo??" kapamewang ko pang sabi

"wala. galing lahat to sa manliligaw mo?" si binoy

"ang kulit mo naman kuya binoy e" si nathan

"kaya salamat nalang sa mga dala mong rosas binoy" sabi ko

"pero para sayo to pinitas ko pa ito e" si binoy sabay kamot sa ulo niya

"e sa mga to panga lang di ko na alam kung saan ko ilalagay e. idagdag mo pa yang dala mo tsaka naiiba yung kulay"

"bigay mo nalang sa iba yan kuya binoy" si nathan

hindi na nakasagot pa si binoy at patuloy lang siya sa pag kamot ng ulo niya

kinukulit niya ko pero sabi ko wag nalang niya kong kulitin dahil masakit ang ulo ko.

kaya naman napilitan nalang siyang umalis at puntahan ang pinsan niya.

"ma san ko to ilalagay lahat?" naiirita ko ng tanong kay mama

"alam ko na ate" si sam

"ano?" tanong ko

"may misa mamaya sa simabahan pwede nalang natin idonate to para magandang tignan mamaya sa simbahan"

"oo tama ka diyan!" pag sangayon naman ni nathan

"yon pala anak maganda yung naisip ng kapatid mo"

at tama nga maganda nga ang naisip ng kapatid ko.

nako darating ang araw si sam talaga ang makakatulog samin ni mama.

gwapo na mabait at matalino pa napaka sipag pag bata.

"sige anak ayusin niyo muna iyan bago niyo ihatid sa simabahan" sabi ni mama kay sam

habang inaayos nila ang mga rosas ay naupo ako sa tabi ni mama.

"ma yung totoo hindi mo alam kung sinong may pakulo nito???" pangungulit ko kay mama

feeling ko kase kasangkot siya rito.

wala akong ibang maisip na gagawa nito.

si binoy sana pero hindi.

haaaay! sino naman kaya ang lalaking to na patay na patay sakin at gagastos ng ganito? tsk! ang hirap ng maganda grabe!

"anak sinabi ko na sayo wala akong alam, edi sana sinabi ko na sayo"

"e baka sinabi sayong wag mong sabihin sakin?"

"basta hindi ko alam yan shay tanungin mo yang kapatid mo at si nathan baka sila alam nila kung sino may pakanan niyan"

"hoy! kayong dalawa aminin niyo na sinong may pakana nito?!"

When You Kiss Me •GiRL2GiRL•Donde viven las historias. Descúbrelo ahora