TWENTY NINE.

4.1K 107 11
                                    

alam kong napaso ito dahil nag luha ang kanyang mga mata. gusto ko sanang matawa ng malakas pero pinipigilan ko ang aking sarili dahil panigurado lang ay papagalitan ako ni mama.

habang kumakain ay nag kukwentuhan sila ni mama.

parang reporter lang ang peg ni mama dahil napakaraming tanong kay spencer.

at hindi nanapansin ng bruha ay panay ang subo ko sakanya kahit na may laman pa ang kanyang bibig.

"dahan dahan naman anak baka naman mabulunan siya at mapaso dahil napakainit pa ng sabaw" sabi ni mama

"okay lang po" sagot naman ni spencer habang ngumunguya ito

pero pag tinitignan niya ko ay naku kunot ang kanyang noo.

hahahahaha! akala ko hindi niya napapansin ang ginagawa ko.

"ate sa susunod kain ka ulit dito" sabi ni sam

"at bakit naman? sarap kaya ng ulam nila sakanila palagi" sabi ko

"ang dalang lang natin may bisita ate e, tsaka si ate spencer naman e" si sam

"haaay nako! buti pa sana kung siya ang gagatos sa lulutuin na ulam e" sabi ko

"shay!" suway nanaman ni mama

"wag kang mag alala sam mauulit to" kangiting sabi ni spencer kay sam

"yeeeeeeeeey!" masayang sabi naman ng kapatid ko

suuuuuuus! kapal naman neto bakit kaya di muna niya hintayin na ayain namin siya! syadong feeling close ah!

"spencer anak sa susunod gusto ko matikman ko ang luto mo." sabi ni mama

"ay walang pong problema. pag po okay na okay na tong kamay ko ipag luluto kopo kayo ng specialty ko" si spencer

"panigurado masarap yan" si sam

"tama!" si nathan na parang natatakam na

grabe wala paman at hindi pa alam ang iluluto ni spencer ay natatakam na siya. grabe talaga katakawan ng batang to!

"nako baka lasunin lang tayo" singit ko

"baka pag natikman mo luto ko e mainlove ka sakin?" si spencer

"PWEDE BA! bakit naman ako maiinlove sayo?! ampanget mo lang at babae ka! duuuuh!" mataray kong sabi

"e ano naman kung babae ako?" si spencer

"di ko pinangarap na mag ka gusto sa isang babae! ang babae ay para lamang sa lalake!"

"wag magsalita ng patapos" sabi nito at ngumiti ng nakakaloko

letse tong babaeng to!

"basta hindi ako maiinlove o mag kakagusto sa isang babae lalo na sayo!" sabi ko

"tama na yan." si mama

at nag kwentuhan nanaman nga ang dalawa hanggang sa matapos kaming kumain at pati makapag dessert.

ako ang nag ligpit habang

si sam at nathan ang nag hugas ng plato.

si mama naman at spencer ay nasa may sala at tuloy parin sa chikahan.

kung saan saan na napunta ang usapan nila. at kung ano ano narin ang mga naitatanong ni mama at game na game naman sumagot ang bruhang spencer.

pagkatapos mag hugas ng dalawa ay nag paalam na si mama na maghihilamos para makapag pahinga na.

kaya naman naiwan sa sala ang dalawang bata at si spencer kaya naman inayos ko narin ang kwarto ko para mamaya pagkatapos kong maligo ay deretcho nakong mag papahinga.

When You Kiss Me •GiRL2GiRL•Where stories live. Discover now