[45] We're back to being 'NOTHING' // Closure

Magsimula sa umpisa
                                    

        Niyakap lang niya ako habang umiiyak na naman ako.

         "Hope, sige iiyak mo lang yan. Ganyan din naman ako noong una akong nasaktan. Naalala mo ba si Alvin? Yung captain ng basketball varsity ng Girlinlove University noong batch ko? Yung first love ko? Hindi ba cheerleader ako noon, tapos nanligaw siya sa akin? Turns out pinagpapaselos lang pala niya yung si Margarette. Like you, ginamit niya ako and like you first love ko si Alvin, pero tingnan mo nameet ko si Nathan hindi ba?"

         "Pero Ate, magkaiba tayo. Maganda ka, matalino, popular eh ako? Wala."

"Hope, magkapatid tayo. Kung anong meron ako meron ka rin. Maganda ka, hindi mo pa ba kita yun? Matalino ka rin.. Minsan. Joke lang! Parehas lang tayo. Mas nauna lang ako iappreciate ang sarili ko, ikaw kasi ang baba ng tingin mo sa sarili mo. Eh paano un? Sino pa ang magpapahalaga sa'yo kung pati ikaw hindi mo alam ang halaga mo?"

         Lagi na lang sinasabi sa akin 'to. Pahalagahan ang sarili ko? Pero paano ba? Paano?

         "Noong nasaktan ako kay Alvin nagkulong din ako, umiyak. Pero mahirap kasi yung mga 'kaibigan' ko masaya pa sa nangyari kasi gusto nila si Alvin, yung kaibigan ko naman... Siya pala yung gusto ni Alvin. Noong panahon na yun mas mahirap kasi wala akong masabihan, pero alam mo Hope, nakaya ko. Oo matagal. Ayaw ko na nga pumasok sa school kasi pakiramdam ko mapapahiya lang ako kasi ang tingin ng lahat sa akin yung babaeng pinagpalit, pero hindi naman eh. Hindi naman sa akin umiikot ang mundo nila, at dapat ganoon rin ako. Tinanggap ko lang. Na hindi ako ang mahal niya, at hindi siya magiging masaya sa akin. Oo mahirap tanggapin, paano ba tanggapin? Hindi ko rin alam. Pero alam mo, Hope, isang araw gigising ka na lang na... Wala na. Tapos na. Yun pala yun? Iniyakan mo yun? Tapos mararamdaman mo na ang lakas lakas mo kasi nakaya mo lahat yun. Kaya hindi imposible. Siyempre ngayon masakit pa, normal lang na umiyak ka o malungkot ka pero wag mo namang ikukulong ang sarili mo sa mundo o papabayaan mo na sarili mo. Pwede kang malungkot, pwede kang umiyak pero wag mong kalimutan na nandito pa kami, wag mong kalimutan na hindi lang si Enzo ang pwedeng mangyari sa buhay mo. Don't miss out on life just because Enzo missed out on you. That's his loss, don't make it yours."

         Napangiti ako kay Ate. Sobrang gumaan ang pakiramdam ko knowing na may isang taong nakakaintindi sa akin. Natatakot ako magshare kasi baka pagalitan niya ako o sabihin na wala lang 'to pero masarap sa pakiramdam na naiintindihan niya ako.

         "I love you, Ate." Bigla naman niya akong niyakap.

         "Kakainis, minsan ka lang mag I love you sa aking bata ka, naiiyak tuloy ako. I love you too, Hope. Ikaw ang baby sister ko at hindi ko hahayaang sobrang masaktan ka sa nangyayaring 'to. Siyempre kailangan mo matuto. Kailangan mo masaktan para matutunan mo pano lumaban, paano tumayo ulit at paano piliin ang taong dapat mahalin. Hindi porket gwapo siya na si 'The One', hindi porket sinabi niya at pinangako niya gagawin niya, yan lang yung mga dapat mong matutunan kaya ka nasasaktan. Kaya ienjoy mo lang yang pain!"

         "Kaloka! Paano ko ieenjoy ang pain?!" Sabi ko sa kanya, tapos bigla niyang ginulo ang buhok ko.

         "See! Unti unti babalik ka rin sa dati. Wag kang masyadong madrama ha? Hindi MMK ito at hindi ikaw ang unang kaso ng pagkaheartbroken. Madami ng nakaranas niyan, hindi ka special. Kaya simulan mo na pagmomove on."

100 Steps To His Heart [Published Book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon