Chapter 2

26 3 0
                                    

Ang lahat ng gamit sa sala ay sira sira at ang pader na naghihiwalay sa sala at kusina ay may malaking butas. Isang matinding linisan ito. Bigla akong may narinig na kalabog sa taas kaya tinawid ko ang hagdan pataas ng bahay para hanapin si mama. Pag bukas ko ng kanyang kwarto, tumambad sa akin si mama na may sakal na isang lalaking nakaitim na cloak. Halata sa kanya na nahihirapan na sya sa paghinga dahil sa pagkakasakal ni mama.

"Sinong nagpadala sayo dito?!" gigil na tanong ni mama sa lalaki. Hindi ito sumagot kaya mas lalong hinigpitan ni mama ang pagkakasakal. "Si Azazel ba?! Ha?!" biglang tumingin ang lalaki kay mama ng masama. "KING Azazel!! King Azazel Blackmore!! isa syang hari! At siya ang pinaka malakas. Wala kang karapatang bastusin ang aking kamahalan!" sigaw nito. Sa isang iglap bigla na lang sumigaw ang lalaki na para bang nakakaranas ng sobrang sakit hanggang siya'y naging abo. Nakita ko namang nawala ang apoy na nanggagaling sa kamay ni mama. Sigurado akong sinunog nya ang lalaki mula sa loob nito.

Lumingon sya sa direksyon na aking pinaroroonan. Noong una ay bakas ang gulat sa kanyang mukha, ngunit agad din naman itong nawala. Dali dali syang kumuha ng bag at naglagay ng kanyang gamit. Pagkasarado nya sa bag, linakad nya ang pagitan namin, "Anak, kunin mo ang mga nakahanda mong gamit pupunta tayong palasyo." natigilan ako sa mga sinabi ni mama Alexys. "Ma, bakit tayo pupuntang palasyo? Hindi ba't kaya tayo nasa outskirt at malayo sa mga magulang ko ay para malayo sa panganib?" hinawakan nya ang kamay ko, walang nababakas na pagbibiro sa kanyang mukha. "Anak, nalaman na nila kung nasaan tayo, hindi ka na ligtas dito. Masmakakabuti pang doon ka sa palasyo para maraming makapagbantay sa'yo." hinila na ako ni mama palabas ng kanyang kwarto at papunta sa akin. Kinuha ko ang aking gamit habang si mama ay lumabas para may kausapin sa telepono. Paglabas ko ng silid, dali dali kaming bumaba. Sabi ni mama na may dadating daw na kotse na susundo sa amin. Pagkaraan ng sampung minuto, may pumaradang itim na sasakyan. Iniluwa nito ang isang matangkad na lalaki, nakaitim na amerikana at walang mababakas na emosyon sa kanyang mukha. Binuksan nya ang likurang pintuan para sa amin. Pagkasakay namin ay agad niyang inasikaso ang aming gamit, nilagay niya iyon sa likuran at sumakay na siya sa driver's seat.

Pinagmasdan ko sa bintana ang unti unti naming pag andar. Pabilis ng pabilis ang takbo ng sasakyan hanggang sa naging blurred ang kapaligiran. Ilang minuto pa ang lumipas ng ang matataas na puno ay napalitan ng malawak na kapatagan. Sa malayo ay tanaw na ang mga bahay, ang napakalaking palasyo at mataas na pader na kung saan makikita ang Vladmore Institute of Magic.

Maganda, makulay, maingay. Yan ang bumungad sa amin ng nakapasok na kami ng mainland. Lahat ng tao ay napapalingon sa sasakyan namin. Marami namang sasakyan sa paligid, kaya marahil, dahil iyon sa maliit na watawat na nakakabit sa unahan ng sasakyan. Sino nga naman ang hindi mapapalingon kung sasakyan ng palasyo ang dadaan.

Ilang minuto pa ay tumigil ang aming sasakyan sa tapat ng napakalaking gate. Ibinaba ng lalaki ang kanyang bintana at kinausap ang dalawang kawal sa tapat ng gate. Pagkatapos ng mabilis ng paguusap ay pinagbuksan na nila kami. Isang mahaba at malawak na daan ang tumambad sa amin. Dire-diretso lang ang aming sasakyan at ilang sandali pa ay tumigil sa tapat ng napakalaking entrada.

Binuksan ni mama ang pintuan at lumabas na kami ng sasakyan. Habang inilalabas ng lalaki ang mga dala naming gamit, hindi ko maiwasang pagmasdan ang buong kapaligiran. Hindi talaga akong makapaniwalng dito nakatira ang tunay kong pamilya. Tunay kong pamilya. Konting sandali na lang at makikita ko na sila ng personal. Sumipol ako at ilang segundo pa ay dumapo si blaze sa balikat ko.

Pinagmamasdan ko ang hardin sa harap ng palasyo nang may biglang umakap sa aking likod. Kinakabahan ako pero hinarap ko kung sino man itong yumayakap sa akin. Pagharap ko ay bigla na lang dumausdos sunod sunod ang luha ko. Ang aking ina, yakap ako ng aking ina. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tinugon ko ang kanyang pag akap. Damang dama ko ang pangungulila sa higpit ng kapit niya sa akin. Pagtingin ko sa likod ng aking ina, doon ko nakita ang hari, ang aking ama. Nakangiti sya sa amin na may luha sa kanyang mga mata. Lumapit sya sa amin at sumalo sa yakap.

"anak ko..." umiiyak na tawag sa akin ni ina. "ang laki mo na... ang ganda ganda mo..." hindi pa rin tumitigil ang reyna sa pag luha. Tumingin ako kay mama alexys at tinanguan lang niya ako. Dahan dahan kong inabot ang kanyang mukha at pinahid ang mga naguunahang luha sa kanyang pisngi. "wag na po kayong umiyak, I-I-ina.." sabi ko sa sarili ko na napaghandaan ko na itong pagkikitang ito ngunit ngayong nasa harapan ko na sila parang walang lumalabas sa aking bibig. "Akala namin mas mapapabuti kung malayo ka dito sa palasyo para maprotektahan ka namin pero hindi pa rin pala. Masmakakabuti nga kung dito ka na."nakangiting sambit ng aking ama nang humiwalay sya sa yakap. "pasensya na anak kung maspinili namin na ilayo ka sa aming piling. Hindi ko naman sukat akalaing kahit pala malayo ka na ay susubukan ka prin nilang saktan." paghingi ng tawad ni ina. "Hindi nyo naman po kailangang humingi ng tawad, naiintindihan ko na man po kung bakit nyo ginawa iyon at sigurado po akong nasaktan din po kayo sa desisyon na inyong ginawa." sa wakas ay sumilay din ang ngiti sa mukha ni ina.
Kinalas nya ang pagkaka akap sa akin at iginiya kami papasok ng palasyo. Habang inililibot ako ng aking ina sa kabuuan, nalaman kong asawa pala si mama alexys ng pinuno ng Royal Knights. Andaming ikinuwento ni ina tungkol sa kaharian at ang mga tao. May binuksang pintuan si ina pagkaakyat namin sa hagdan, pagpasok doon ay makikita moang isang napakagandang kwarto. May pagka moderno ang design ng kwarto ngunit may bahid parin ng makaroyalty na disenyo.

 May pagka moderno ang design ng kwarto ngunit may bahid parin ng makaroyalty na disenyo

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"ito ang magiging kwarto mo. Alam mo, araw-araw ko itong pinalilinis sa mga kasambahay at yung disenyo pinaga-ganda ko taon-taon. Nalulungkot kasi ako na wala ka dito sa amin kaya sa pag aalaga na lang ng kwarto mo ang pampalipas ko ng oras." Naka ngiti man si ina ay makikita pa rin ang lungkot sa kanyang mga mata. " o sya, magpahinga ka na muna at mamaya pupuntahan ko nalang ikaw kapag kakain na ng hapunan." "Kasama po ba nating mag hapunan si mama alexys?" "Oo naman, alam kong hindi ka agad makakapag adjust na kasama kami at alam din namin na napamahal ka na rin kay Alexys." ngumiti lang sya sa akin at lumabas din ng kwarto pagkatapos.

Pinaikot ko ulit ang aking paningin sa kabuuan ng silid. Hanggang ngayon hindi parin nagsi-sink in na andito na ako sa palasyo at kasam ko na ang aking mga tunay na magulang. Tiningnan ko ang pintuan na nakakonekta sa aking kwarto. Pagpasok ko doon ay tumambad sa akin ang luma kong mga damit pati na rin ang sandamak-mak na damit na hindi ko alam kung saan nanggaling, marahil pinamili ito ni ina nuong wala ako dito. Kumuha ako ng damkt pang bahay at dumiretso sa isa pang pinto na nagdudugtong sa banyo. Naligo ako at nagbihis. Maya mya pa ay may kumatok sa aking pintuan. Pagbukas ko ay sumalubong sa akin ang aking ina. Bumaba kami patungong hapag kainan at duon ay kasama naming kumain si ama at si mama Alexys.

Pagkatapos kumain ay dumaretso na ako sa aking kuwarto. Nagsepilyo at humiga sa kama. Nakatitig lamang ako sa kisame at malalim na nagiisip. Alam kong hindi magtatagal ay ipakikilala nila ako sa lahat at pagnangyari iyon, hindi ko alam kung tatanggapin nila akong prinsesa. Hindi katulad nina inay Iyonna at tatay Lander, hidni ako ganoong kalakas. Sabi ni mama lahat daw ng royal first born katulad ni papa ay taglay lahat ng elements ngunit ang kaya ko pa lamang gawin ay fire element dahil ito ang element na meron si mama Alexys.

Ipininikit ko ang aking mata para subukang matulog. Natatakot ako. hindi ko alam kung sapat na ba ako para maging karapat dapat na prinsesa ng Imilose. Ang tagal kong nawala kaya alam kong malaki ang expectations ng tao sa akin, at hindi ko alam kung kakayanin ko na mabigo sila.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 07, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Girl of the OutskirtWhere stories live. Discover now