CHAPTER 1

38 2 0
                                    

Chapter one

Damara Griswold POV

"Is that all you've got?!" run, dodge, punch, kick. "You won't survive the mainland with your sorry excuse of a skill!" run, dodge, punch, kick. "Stop!" My fist was midway of punching the dummy in front of me when my mother told me to stop.

"Sa lagay mo ngayon, hinding hindi ka makakapasok sa Vladmore. You may have amazing powers but with that weak physique? It's nothing! I suggest you give up now at dumito na lang sa outskirts. Wala naman kasing nagpipilit sayo na pumunta sa mainland. Mas makakabuti nga sayo na dito ka na lang. Hindi mo na kailangan pang mahirapan dahil lahat ng kailangan mo andito na."

Sa sinabi ng aking ina, hindi ko naiwasang maluha. Ang pagpunta sa mainland at makapasok sa Vladmore Institute of Magic ay ang pinaka aasam-asam kong pangarap, at sa mga binitawan niyang mga salita, para bang hindi ko na ito makakamit gayong hindi pa naman ako nagsisimula sa pagtupad. Ngunit pinanghihinaan man ako ng loob, matapang kong tinapatan ang mapanghusgang titig ng aking ina.

"Ma, please gusto ko po talagang makapasok sa Vladmore. Alam ko pong kaya ko, kaya kakayanin ko. Hindi man po ako malakas ngayon pero mag eensayo po ako hanggang sa sapat na aking aking pisikal na kakayahan para macontain ko ang kapangyarihan ko. May isang buwan pa naman po ako bago mag preliminaries sa Vladmore. Sa loob ng isang buwan na iyon, palalakasin ko ang sarili ko, physically and mentally."

Ng marinig ng aking ina aking litanya, biglang lumambot ang kanyang mukha. Lumapit sya sa akin at ako'y niyakap. "Anak, gusto ko lang naman na ligtas ka. Doon kasi sa mainland, iba't ibang klase ng tao ang makakasalamuha mo. Maaring may mabait pero maaari rin namang masama. Kaya gusto ko sa tabi lang kita para maprotektihan kita. Pinangako ko yan sa tunay mong mga magulang."

Bigla ko namang naalala ang aking tunay na mga magulang. Oo, hindi ako tunay na anak ni Mama Alexys. Hindi naman ipinagkait ni Mama Alexys ang karapatan kong malaman kung sino ang tunay kong mga magulang, ang kanilang apelyido din ang pinagamit niya sa akin. Ang sabi ni Mama, prinoprotektahan nila ako sa mga gustong pumatay sa pamilya namin. Minsan tinatanong ko si Mama kung ano na ang lagay nila. Sinasagot na man nya ngunit madalas ay maikli lamang at agad na niyang iniiba ang usapan.

"Ma, alam ko po iyon. Pero eighteen na po ako sa susunod na buwan. Siguro naman po nasa tamang edad na ako para naman maisakatuparan ko ang aking pangarap. Alam nyo naman po kung gaano ka importante ito sa akin. Hindi naman po sa ipinagsasawalang bahala ko ang inyong babala, pero kung hindi ako makikipagsapalaran, hindi ko makakamit ang tunay na kakayahan ng aking mahika. Ma, gusto ko pong ilabas ang buo kong potensyal."

Kumalas si Mama sa pagkakayakap sa akin. "Mukha namang hindi kita mapipigilan sa gusto mong mangyari. O sya, mgapalit ka na ng iyong damit at ipagpabukas mo na lang ulit ang iyong pageensayo. Tawagan mo si blaze at pumunta kayo sa batis sa may gubat at kumuha kayo ng ating maiinom na tubig. Hindi ka na naman kasi nag igib ng tubig kaninang umaga."

I just smiled sheepishly at my mother and ran across our backyard into our house. I went upstairs to my room and changed my clothes. Habang nagpapalit, napatingin ako sa mga maleta ko sa sulok ng kwarto na naglalaman ng mga gamit na dadalhin ko sa mainland, yes, I am that excited, sa totoo lang hindi lang naman ang makapasok sa Vladmore Institute of Magic ang pangarap ko. Hindi naman sa hindi sapat ang pagmamahal ni Mama Alexys sa akin, umaapaw pa nga eh, kaso para kasing may kulang sa pagkatao ko kung hindi ko gagawin ang plano ko. Gusto kong makita ang aking tunay na mga magulang, sina Lander Griswold at Iyonna Griswold, ang hari at reyna ng kaharian ng Imilose.

"Damara mag-igib ka na at baka abutan ka ng dilim!" bumalik ako sa ulirat ng marinig ko ang sigaw ni mama. Dali dali akong bumaba at lumabas ng bahay. Kinuha ko ang balde sa may gilid ng bakod at sumipol. Pagkaraan ng ilang segundo ay naramdaman ko ang pagdapo sa aking balikat ng alaga kong pheonix na si blaze. Sabi ni mama, regalo daw si blaze ng tunay kong mga magulang bago nila ako ibigay sa kanya. Nag-iisa lang daw si blaze na pheonix at isa lang ang itinuturing na amo at wala ng iba pang makakahawak sa isang pheonix maliban sa kanyang pinagsisilbihan, kaya isa rin ito sa palatandaan na ako ang kanilang anak kung sakaling ipakilala nya ako sa kanila.

Tinahak na namin ni blaze ang daan papuntang batis sa loob ng gubat. Habang naglalakad bigla akong nakaramdam ng pangamba. Pinagsawalang bahala ko na lamang ito sa pag aakalang guni guni lang. Nakarating na ako sa batis. Kaagad kong isinalok ang baldeng dala ko at pinuno ito.

Nag madali na akong pauwi dahil malapit ng lumubog ang araw. Pag labas namin sa gubat, tanaw na tanaw ko ang bahay namin. Madilim. Yan ang una kong napansin. Hindi pa ito nagyayari kahit kailan. Tuwing bago lumubog ang araw binubuksan na ni mama ang ilaw sa buong bahay. Dahil dito bumalik ang pangambang kanina kong naramdaman.Dali dali akong tumakbo papalapit sa aming bahay. Pagbukas ko ng pinto ay agad akong nanlumo sa aking nakita. 

Girl of the OutskirtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon