Prologue

5K 124 11
                                    

𝒑𝒓𝒐𝒍𝒐𝒈𝒖𝒆

"I have an urgent business meeting, love. Can we just move our date? Promise, I'll make it up to you."

Tumagal ang tingin ko sa text message ni Sean, huminga ako ng malalim at tinignan ang reflection ko sa salamin. I'm wearing my white tube with a jeans blacer paired with a colored blue jeans skirt.

It supposed to be our dinner date, it's my birthday, but he can't make it. He have his priorities and I guess, I'm at the bottom of the list? Ilang linggo nang gan'yan si Sean, lagi na lang may biglang emergency. Lagi na lang, may kailangang puntahang urgent sa opisina. I thought this night will be long, pero hindi niya nga ako magawang tagpuin.

I want to understand him, he's a business man pero hindi niya nga magawang sabihin kung ano ang bagong project nilang pinagkakaabalahan.

I bite my bottom lip, then type 'okay', sana naman bumawi talaga siya.

Humiga ako sa kama at tumingin sa ceiling ng ilang minuto. Now, what? What should I do with my freaking birthday? Tumunganga? I sighed, then reached for my phone. Tinawagan ko si Gayle.

"Heath, happy birthday. Punta ka na lang sa bahay bukas, kunin mo gift mo." bungad niya. At ako pa talaga ang pupunta? Napailing ako.

"Gayle, are you busy?" tanong ko, nang naisip ang ideyang pumasok sa utak ko kanina. This night, should not be wasted.

"Hindi naman, bakit?" tanong niya.

"Let's go clubbing." sabi ko.

"Sabi ko naman kasi sa'yo, magpa-party na lang tayo. Ikaw kasi, nagpaka-hopeless romantic ka pa, gusto mong solohin ang boyfriend mo." reklamo ni Gayle. Nandito na kami ngayon nakaupo sa isang malaking couch sa loob ng isang club.

Sumimsim ako sa alak ko. "Hindi ko naman alam na hindi siya makakarating. Malay ko bang may biglaang urgent meeting na-naman siya." Bumuntong hininga ako.

"Urgent meeting, my ass. Baka naman nagloloko na 'yang Sean na 'yan. Pa-nerd nerd lang ang datingan, pero babaero pala. Ikaw din, sinabi ko naman na sa'yo na wala akong tiwala sa mga gan'yang vibes ng lalaki." sabi pa niya.

"Stop stereotyping, Gayle." saway ko.

"Hmmp! Dine-defend mo na-naman 'yang lalaki mo. Halika na lang nga, magsayaw na lang tayo." sabay hila sa akin sa gitna ng crowd.

Hindi na ako nagpa-KJ pa at sumayaw na rin. Ang ingay ng crowd. Bagay sa tugtog na malakas at medyo mabilis. Maya-maya ay may nagsalita na sa mick.

"A pleasant night to you, people. This is your DJ Zeus, have a nice evening to all of you." biglang sabi ng isang lalaki na mukhang kararating lang.

Biglang nagbago ang tugtog, pero gan'on pa rin ang genre.

"Ang gwapo ni Zeus, gosh!" rinig kong sabi ng isang babae sa may gilid ko.

"Look at those biceps! Argh! Swear! If that eyes meet mine, I'll freaking cum at the moment." mahaderang sabi pa ng isa, umungol pa talaga.

"I can imagine him licking mine! Ohhhh, heaven..." umungol ito.

Nairita naman ako. Gaga! Masiyadong malandi kairita. Biglang parang gusto kong batukan siya sa mga malaswang pinagsasabi.

Betrayal Affair (REVISING)Where stories live. Discover now