Chapter 23: New friend

141 2 1
                                    


Andie's POV

Naglalakad ako papunta sa library. Gusto ko rin kase magbasa ang ingay ingay nila. Naiilang ako sakanya "Sino ba kaseng may sabi ni ilibre niya ako? Tss. Utang na loob ko pa yon." sabagay mas masarap kapag libre (。>﹏<。)

Malapit na ako sa library ng maramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko. Dali dali ko naman kinuha sa bulsa ko....

Unknown number?

Sino naman kaya to? Apat lang naman nakakaalam ng phone number ko. Si mommy, si kuya, si kean at Shy lang naman hmmmm... Agad ko naman binuksan.

From: 09057782107

Hey! Where are you?

*beep.. beep

From: 09057782107

Hey Andie! Where are you?

*beep.. beep

Bat ang dami niyang text! Sino ba to?

From: 09057782107

Text back ;)

.

.
Text back mo mukha mo!! Di kita kilala. Agad ko naman binalik sa bulsa yung cellphone ko at patuloy na nag lakad papunta sa library.

"Hello." Bati nung babae na nasa likod ko. Mukhang papunta rin siya sa library. "Are you Andie? Right?"

"Yes. Do you know me?"

"I'm Shira." Sabay abot niya ng kaliwang kamay saken, agad ko naman inabot. "Shira Screiz" ngumiti naman siya. Maganda siya at mukhang mabait naman.

"Nice meeting you!" Tinanguan ko naman siya.

"Sa library din ba punta mo?"

"Oo." Sagot ko.

"Can I join to you? Doon din kase punta ko."

"Sure". Agad naman kami nakadating sa library, dumeretyo naman siya sa first line ng bookshelves kumuha siya ng isang book at lumapit sa table na inuupuan ko. Nakita ko na si James Hail din pala ang author niya. "Mahilig ka din pala sa mga books ni hail?" Pagtatanong ko na nakatingen sa libro niya.

"Yes. Napakaganda kase lahat ng story niya (*^_^*) lalo na yung "The mystery time" yieeeeehh" Bakas naman sa mukha niya ang pagkakilig. Parehas pala kami ng author. Agad naman siya na lumapit sa pagkakaupo saken "Andie?" Habang nakatingen siya saken na pa ngiti ngiti. "Can you be my friend? Wala kase ako ni isa kaibigan dito. Bago lang kase ako, transferee lang din ako from St. John like you."

Accidentally InloveWhere stories live. Discover now