Chapter 8: Say thanks

837 39 4
                                    


Maaga akong nagising dahil sa lakas ng sigaw na naririnig ko galing sa pintuan ng kwarto ko.

"Manaaaaaaaaaang!!!!"
Ang sakit sa tenga! Shit!!!

What the heck!? "Ano ba problema mo kuya! Kay aga aga eh sumisigaw ka! Para kang tanga diyan! RT kuya, hindi bagay sayo!!"

"And so? Bumangon ka na diyan kung ayaw mong iwanan kita!"

"May kasabay ako, andyan naman si shy!"

"Hahah lumipat na sila ng bahay, kaya ako na palagi mong makakasabay."

"Wee? Natuwa kapa ah, pero deep inside, malungkot yan hahah!"

"Ewan ko sayo manang! Makaalis na nga! Bahala ka!" Asar talo nanaman yung kuya kung ugok.

"Oy kuya, joke lang. Babangon na po!"

Dali dali akong naligo at nag.ayos, baka kase iwanan talaga ako ni kuya, bakit parang biglaan yata yung paglipat nila bf?

Hmm, dali dali akong bumaba,di na rin ako nag almusal, naghihintay na kase si kuya sa labas, at alam kung sasabog na sa kahihintay yun. :D

"bilis na manang! Sakay na!"

"Sasakay na po! Wag kang atat.!" Mukha yatang nag mamadali si kuya? Ano kaya meron? Naalala ko, malapit na pala yung laban nila, sa basketball, siguro may practice nanaman sila. Hindi ko pa, nakikita mga ka team ni kuya, di naman kase ako nanonood if may laban sila eh.

Nasa school na kami, sa parking lot, lalabas na sana ako ng kotse ng tinulak ako ni kuya, nasubsub tuloy yung mukha ko... "aray ang sakit! Ano bang problema mo kuya ha!"

"Ang bagal bagal mo kase!" Sabay tawa ng nakakaluko. Kahit kelan talaga nakakainis. Shhhh...

Tatayo na sana ako ng may nagsalita at inabot ang kamay niya para katayo ako. "Hold my hand." hinawakan ko na rin yung kamay niya, sama rin kase ng pagkabagsak ko eh!

My God! Ang lambot ng kamay niya. Sino kaya tong gentleman na lalaking to. Pag harap ko....waaaaaah.!

"Xh..... xhel ???"

"Oh, bat parang nakakita ka ng multo diyan. Sa pogi kong to!" Sabay bitaw ko sa kamay niya, si xhel pala to. Nahihiya na tuloy ako.

"Hoy! Tama na yang landian na yan! Tara na xhel! May practice pa tayo, at ikaw manang! Pumasok kana!!"

Agad naman na naglakad palayo si xhel, mag te'thank you sana ako kasu, umalis na siya. Haixt, kahit naman naiinis ako sa lalaking yun, kelangan ko parin mag pasalamat, bwesit kase yung kuya kong yun eh, itulak ba naman ako. Napahiya tuloy ako. -_-

6:30 pa naman ng umaga, maaga pa mabuti pa pumunta na muna ako ng cafeteria, para maka pag almusal. Umupo ako sa bakanteng lamesa, wala pa naman din gaanong studyante. Pumunta ako sa Cake stations at nag order ng isang slice.
Habang kumakain ako, may umupo sa harapan ko.

"Good morning andie!" Bati saken ni kean.

"Morning too! Ikaw pala kean. Almusal tayo." Pag aaya ko.

"Sige, makita lang kitang kumakain, busog na ko."

Asyuuuu. Banat talaga ng mga lalaki. Buti nalang waa effect saken. "Sige, ikaw bahala."

Bigla naman na nag ring yung cellphone niya, at agad na sinagot niya.

"Ay oo nga pala, sensya. Sige papunta na ako." At na end na yung call. "Pano ba yan andie, may practice pala kami ngayon. Kelangan ko na umalis. Ingat ka dito." Sabay kindat at umalis na.

Accidentally InloveUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum