Chapter 7: Silent

859 31 1
                                    

Shy's POV

"Hala, nagtampo na yata si bf?" Nakasimangot kong tanong.

"Ikaw, kase naasar siguro sa sinabi mo.. pero teka' bago rin ba siya dito? Ang ganda niya pinsan."

"Yes pinsan, you're same too! Transferee lang din siya dito, nagulat nga ako nung nalaman kong dito na rin siya mag aaral eh."

"San ba siya dati pinsan.?"

"Sa St. Jhon Academy siya dati."

"St.Jhon Academy, diba dun din nag aaral yung kapatid ni xhel?"

"May kapatid pa si xhel? Parang ngayon ko lang yata nalaman ah."

"Oo, meron pogi pa naman yun, pakilala ko sayo gusto mo?"

"Wag na, no need!" Pagtataray ko, eh si airon lang naman kase talaga yung gusto ko eh. At di ko na rin kelangan sabihin sa pinsan ko, panigurado lang akong aasarin ako nito pag nalaman pa niya, kaibigan pa naman niya yun.

"Taga san pala si Andie pinsan?" Pagtatanong ulet ng pinsan ko.

"Ehemm."

"Bakit pinsan?"

"Kanina pa ako nagtataka sayo eh, imbes na kila xhel at airon ka sumama ngayon, eh samin."

"Masama bang sainyo sumama pinsan?"

"Hindi naman, may itatanong lang sana ako." Nagtataka na talaga ako eh, ngayon ko lang nakita na panay ang tanong nito tungkol sa babae.

"Ano naman yun?"

"May gusto ka ba kay andie? Yung totoo pinsan." Seryusong pagtatanong ko sa kanya. Nahalata ko rin kase kanina na panay ang tingen niya sa bestfriend ko.

Bigla na lang siya tumayo.
"Maiwan na nga kita diyan, hahanapin ko nalang sila xhel at airon." Sabay talikod at naglakad palabas ng cafeteria, bastos kausap tong pinsan ko! Nagtatanong ako eh, hmmm. At kong sakali man na may gusto nga siya sa bestfriend ko. Hindi ko sya tutulungan!

---

Naglakad na ako papunta sa library, nakapasok na ako ng bigla akong hinarang nila gheya at ang dalawang sungot na si gail at marj. Ano nanaman kaya problema nito.

"Hey girl! Kelan kapa nahilig magbasa, hindi pwede yung mga kagaya mo dito, doon ka lang nababagay sa wall." Pagmamaldita niyang sabi.

"Bakit, sayo ba tong library na to! At isa pa, hindi ikaw yung ipinunta ko dito kundi yung bestfriend ko!"

"Oww? Yung bestfriend mkna feeler? Bagay nga kayong magsama. Except dun sa pinsan mong gwapo."

"Wag mo nga idamay yung bestfriend ko dito! At suluhin mo nalang yung salita mong feeler, at hindi lang yan kayo dapat yung nababagay sa wall.!" Pasigaw kong sagot sa kanya. Wala akong oras mag aksaya sa mga katulad nila. Paalis na sana ako ayaw ko rin kaseng patulan yung mga kagaya nilang ubod ng sama, tatalikod na sana ako ng may biglang humablot sa buhok ko at sinampal ako.

"Yan ang nababagay sa katulad mo, di mo kilala kung sino kaharap mo, at sumasagot sagot kana ngayon ha."

Napahawak nalang ako sa pisngi ko dahil sa lakas ng sampal saken ni gheya. Itutulak pa niya sana ako ng biglang may humarang at itinulak si gheya..

"Ano ginagawa niyo sa bestfriend ko.!" Galit na sabi ni andie. "Wala kang karapatan para manakit, lalo na sa bestfriend ko!" dugtong pa ni andie.

"Wow, may tagapag tanggol kana pala ngayon shy, at yung bestfriend mo pa na feeler na kagaya mo, bagay talaga kayong magsama, nakatabo niya lang sa upuan si kean, akala mo kung sino ng nagmamaganda, stupid!"

"Bakit? Ikinaganda niyo ba yung ginagawa niyo ngayon? Ayaw kitang patulan na babae ka, at kung sino man yung feeler satin, ikaw yun! Sa susunod na saktan mo pa ang bestfriend ko, ako na makakalaban mo!"

"How dare you to saying me like that!" Sasampalin na sana ni gheya si andie ng biglang nag salita yung nagbabantay sa library.

"Shut up girls! This is a school library! You better go outside and shout or do what ever you want! Not here inside the library!" Galit na sabi nung librarians.

Galit na galit naman si gheya na nakatingen samin ni andie. "May araw ka din saken na babae ka, kayong dalawa!" Panunuro na sabi ni gheya at naglakad na palabas ng library kasama yung dalawang kaibigan niya.

"Bf, okay ka lang ba? Masakit ba? Sorry di ko siya napigilan." Alalang tanong saken ni andie.

"Okay lang ako bf, sanay na ako sa ghaye na yun, thank you kase dumating ka! Eh di sana naitulak na ako ng bruha na yun."

*Kring......

Tumunog na yung bell, for the next subject, inaaya ko na pabalik sa room si Andie. Baka kase malate kami, nahihiya man ako pumasok dahil bumakat yung sampal sakin gheya, but no choice. Yumuko nalang ako na pumasok sa classroom.

Napansin kong tahimik parin si andie,ano kayang problema nito? Sana naman hindi yung nangyari sa cafeteria kanina, nagbibiro lang naman ako eh .

"Pinsan." Tawag saken ni kean.

"Oh? Ano nanaman?"

"Ano nangyari sa pisngi mo? Sinong umaway sayo?"

"Wag ka na nga magtanong, nabangga lang ako."

"Sungit naman nito." Sabay tingen niya kay bestfriend. "Hi andie, nag enjoy kaba sa library?" Pero tiningnan lang siya ni andie, sakto naman na tumingen si pinsan saken.

Nag sign ako ng looser dahil di naman siya, pinansin ni andie. Hahah, mabuti nga sayo, daldal kase . Napahiya siya tuloy.

Natapos na yung class namin, na tahimik parin si andie,ano kaya iniisip nito? Mukhang ang lalim, sana naman hindi yung ex nia ewan! Nag aalala parin ako para sa bestfriend ko, sana makalimutan niya na yung lalaki na yun. Ano kaya maitutulong ko? Hmmm -.........-

Nauna ng lumabas yung mga kaklase namin, pito nalang kaming natira dito sa loob, which is si pinsan ko, si xhel si gheya at yung dalawang asungot niya, syempre si bestfriend din . Lumapit yung tatlo kay xhel, at hinila na rin ni gheya para lumabas agad naman na tumayo si xhel, hahah sa pagka weird nitong si xhel, nahihila nalang siya basta basta ni gheya. Matatag ba talaga tong dalawa na to? Pero parang naiilang parin tong si xhel kay gheya. Ano kaya talaga status ng dalawang to.

"Hoy! Unggoy!" Tawag niya sa pinsan ko, napansin yatang hinihintay kami si andie, para kaseng wala pang balak na tumayo si kean.

Napakamot nalang si pinsan sa ulo niya. "Ano kaba xhel, pinapahiya mo naman ako kay andie eh!"

Agad naman na napatingen si andie, ng bigla niyang narinig pangalan niya.
"Bakit?" Pag tatanong niya sa pinsan ko na parang nagtataka.

"Wala naman, sige mauna na ako. Pinsan! Ingatan mo si andie ah." Dali dali naman lumabas si kean.

"Hoy! Unggoy. Hintayin mo naman ako!" Sigaw ni xhel, habang palabas na rin ng room. At agad naman na sumunod yung tatlong alipores kay xhel. Inis na inis naman na lumabas yung tatlo, hindi man lang kase sila hinintay ni xhel. hahah

Si andie, tahimik parin na nag aayos ng gamit niya. Hmmm napa isip tuloy ako. Sana mali yung iniisip ko. Sana naman hindi yung tao na yun. Ewan! Kasalanan ko to! Naiinis tuloy ako pati sa sarili ko.

Palabas na kami ng room ng biglang inakbayan ako ni bestfriend.
"Alam kong may iniisip ka na baka iniisip ko nanaman yung lalaki na yun. Nagkakamali ka bestfriend." Nakangiti niyang sabi saken. "Dahil unti unti ko ng nakakalimutan yun."

"Mabuti naman bestfriend, akala ko kase galit ka saken, naguguilty pa naman ako kanina kase."

Naglakad na kami sa hall way palabas ng campus. Para makauwe na rin, at parang wala din balak na isabay kami ni airom, ang alam ko kase may lakad silang tatlo.

***









Accidentally InloveWhere stories live. Discover now