Chapter 3: Realizing

1.1K 32 2
                                    



Maaga akong bumangon, dahil na rin siguro sa maagang nagising. Ngayong araw din kase kami bibili ng gamit dahil pasukan na bukas. Excited na akong pumasok sa Montereal Academy. Tumingen ako sa clock, its already 7am, sakto lang pala 8am makakaalis na ako. Mahirap ng pag antayin ulit si shy, hahah baka iwanan na ko. Ang sakit pa naman maiwanan. Ouch. >.<"

Exactly in the time, bumaba na ako para pumunta kila shy para naman mas maunahan ko sya kahit one time lang ba. Palagi kase sya nauuna dito sa bahay, ang bagal ko kase kumilos. Hahah pero kahit ganun di naman ako pinagsasawaan ng bestfriend kong yun.

"Hoy manang! Pupunta kana ba kila shy?" Tanong agad saken ni kuya, ng makita kong nasa baba pala siya nanonood.

"Ang aga aga, manang nanaman! Makaalis na nga."

"Teka lang, suplada naman nito, nag lalambing lang yung pogi mong kuya eh."

"Eww! Pogi? Saan banda kuya? Hahah nagbuhat ng sariling mesa."

"Masyado ka naman, bat di nalang mo nalang kase tangapin na gwapo talaga kuya mo. Sige ka! Kung panget ako, panget ka rin. Magkapatid tayo eh."

"Wala akong sinabing panget kuya! San kamo banda? Hahah" Pang aasar ko pa.

"Ewan ko sayo! Lumayas kana nga manang. Mag ingat!"

"Okay shy. Opppss! Este kuya pala hahah."

Babatuhin na sana ako ni kuya ng stop toy na nakadisplay sa sala, ng bigla akong tumakbo palabas. Hahah Baka mabato pa ako ng wala sa oras. Hilig mang asar, asar talo naman. :D
Palabas na ako ng gate, nang nakita ko na nasa harap na ng bahay namin si shy.

"Kanina pa kita hinihintay sa bahay bf, dahil sabi mo ikaw nanaman mag hihintay saken. Ang bagal bagal mo talaga!"

"Sorry na bf, si kuya kase eh. Ang aga aga, asar talo naman pala."

"Ano meron kay Airon bf? Kwento ka naman, bilis ! Hindi na ako galit :D"

"Ay sus. Pag tungkol talaga kay kuya eh, nuh! :D Nevermind nalang bf, tara na alis na tayo. Hahah tyaka na yan si kuya. Nasa bahay lang yun, di yun mawawala." Pagbibiro ko pa sa kanya.

Wala ng nagawa si shy, cross arm nalang sabay pout. :D Kahit kailan talaga ang cute nilang asarin, bagay talaga sila ng kuya ko. Perfect couple.

Sa SM na kami dumerityo ni shy, para mamili ng gamit namin para bukas. Sa National bookstore kami unang pumasok. Binili namin yung mga gamit na kelangan sa school. Ang hirap nga mamili dahil sa dami ng tao sa NBS, kaya medyo natagalan din kami ni shy doon. Sabayan pa ng haba ng pila sa cashier, no choice kailangan mo talagang maghintay.

Pag labas namin sa National bookstore, nakaramdam na ako ng gutom. "Bf kain muna tayo, nagugutom na ako eh." Pag aaya ko sa kanya.

"Sige bf medyo nagugutom na rin ako."

Naghanap kami ng pwedeng makainan namin sa loob ng SM, papasok na sana kami ng bigla kong nakita si.

"Bakit bf? May problema ba. Tara na pasok na tayo."

"Si mikey." Habang nakatingin ako kung saan naroroon si mikey.

Agad na tumingin sa left side si shy, at nakita niya rin si mikey na may kasamang girl habang kumakain.

"OMG bf, we need to go now. Hindi dapat tayo dito pumasok sa area na to. Ang sama ng image."

Halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko, dahil lang sa mga nakikita ko. Iba pala yung sakit na harap harapan mo silang makita. Na dati ako yung kasama niya, tapos ngayon iba na :( Gusto ko silang lapitan, pero ano pa nga bang karapatan ko? Wala diba? Ayoko kong umiiyak, pero di ko mapigilan.

Bigla akong nakaramdan ng paghila sa kamay ko, dahilan para makaalis sa lugar na yun. Hinayaan ko nalang yung sarili ko na hilahin ni shy paalis dun. Wala na rin akong magawa, sobrang sakit na. ;(

"Bf, uuwe na tayo. Hindi na maganda to. Dapat hindi na kita inaya dito. Sorry bf." -shy.

"Okay lang bf, Its better, na kailangan ko na talaga mag move on." Pinahid ko yung luha sa mga mata ko. "Thank you bf, dahil sa mga nakita ko ngayon, nagising na ako. Na realize ko na hindi dapat ako malungkot. Kung masaya na sya ngayon sa iba, dapat maging masaya na rin ako kahit na wala na sya." Niyakap ako ni shy, thankful ako dahil may bestfriend akong laging anjan para saken.

-----

"Oh manang, nandito kana pala." Bungad agad saken ni kuya.

"Obvious ba? Malamang, nakita mo na nga diba?."

"Ano? Pikon ka nanaman manang, nagbibiro lang eh."

"Hahaha.. oh ayan tumawa na ako.."

"Hahah baliw ka manang, kamusta lakad niyo?."

"Ows? We? Okay naman si Shy hahah h.." Pabiro kong sagot.

"Ay ewan. Bahala ka nga! Maiwan na kita manang ka.." tumalikod si kuya at naglakad palabas ng bahay.

"HOY! walk out ka nanaman wag kana bumalik ha! Hahah xD." Sabay wave ko sa kanya, para lalong mainsulto sya hahah.

Kahit na ganun si kuya, maswerte pa rin ako kase may kuya akong katulad niya, siya na yata yung pinaka the best kuya in the world hahah. Bully man siya minsan, masaya parin ako, hindi dahil sa mga biro niya, kundi dahil sa sweetness niya!

Umakyat na rin ako sa taas, ang pagod kase kanina, dahil na rin sa dami ng to. Naalala ko tuloy yung nakita ko kanina. Hmm Ayoko ko ng isipin yun. Umupo ako at kumuha ng isang libro sa bookshelve ko. Hilig ko kaseng magbasa, kaysa sa gumala o ano pa man. "Teen Fiction, ito nalang babasahin ko." Naupo ako at nagbasa nalang maghapon para malibang naman yung sarili ko.


----

Knock! Knock!

Nagising ako sa katok, nakatulog pala ako sa pagbabasa. Tiningnan ko yung relo ko, 7:30 na pala ng gabi. Tumayo ako at binuksan ko kaagad yung pinto.

Bumungad nanaman saken si kuya,
"Hoy manang kakain na!" Sabay talikod at umalis agad.

Ano kaya problema ng tanda na yun? Moody an peg? Oh baka naman may nakain lang. Whatever mamaya nagdadrama lang yun. Maisahan nanaman ako. Bumaba na ako para kumain.

Pagkatapos kumain, bumalik na agad ako sa kwarto napagod lang talaga siguro ako kanina.

*beep.. beep.

1 message received

From; Bf shy,
Good night bf, see you tomorrow. First day to school. Sabay tayo tomorro ha. Sweetdreams :)

To; Bf shy,
Okay bf, see you :)



*****

Accidentally InloveWhere stories live. Discover now