Chapter 13: Tutor

781 29 3
                                    

FB notification.

Xhel Chua added you as a friend.

Kean Ventura added you as a friend.

Waaah!! anong kalokohan to?! Bakit nila ako inadd sa FB? Nung dalawang yun. Tska bakit sabay pa sila ha! hmm.. confirm ko ba? NO WAY! bakit ko yan i-confirm? hindi pa ko nababaliw, pero paano na lang si Kean? AHHH! Bakit pa kasi sumali si Xhel, kung wala siya, okay na sana eh. Hindi ko naman pwede i-confirm lang si Kean,mahahalata ako.

Teka nga.. kay Xhel lang namam ako inis eh, at kapag inaccept ko yung isa, at siya hindi, sigurado akong ma aasar yun!! WAHAHAHA!tama. That way friend ko pa si Kean.

Andie Young is now friends with Kean Ventura.

----

"Bakit ang aga mo? hindi pa gising kuya mo.."

"Maglalakad kasi ako mama.."

"Ha? Bakit? May kotse naman tayo eh! dahil ba sa kahapon? ako na lang ang mag drive sayo baby."

"Wag na mama, gusto ko din kasi mag exercise eh.." Eto yung first step ko para mabalik yung tahimik kong buhay, lumayo kay kuya Airon sa school, syempre hindi totally, mahal ko yang unggoy na yan kahit papano! haha. mas bagay yata na unggoy ang itawag ko sa kanya, kaysa tanda.

Pagkatapos na pagkatapos ko pa lang kumain, umalis na ko, saktong bumaba si kuya.

"Huy! hintayin mo ako!"

"Maglalakad ako, una na ko! Bye mama! Bye unggoy!" he just rolled his eyes and leave.

Habang naglalakad ako, may huminto na sasakyan sa harap ko, Chevrolet Silverado 3500HD. OMG! ang gandang truck, kulay red pa. Mahal neto eh! Sino naman kaya to? binaba niya yung bintana ng kotse niya..

"Andie, sabay kana saken, papasok na rin ako."

Anak ng kalabaw! Si Kean! biglang kumabog tuloy yung puso ko. Hahah! Makalaglag yung dating eh. Tatanggi pa ba ako? Syempre hindi. Si Kean na to eh. Agad naman ako pinag buksan ng pinto. Sa front sit. It's means magkatabi kami. Oh my G... *_*

Hindi na kami nag sabay ni Kean, papasok sa room, may dadaanan pa daw kase siya. Hmm curious ako? Ano naman kaya yun.

Maaga pa, wala pang masyadong tao, teka bakit kaya ang aga din ng pasok ni Kean?

"Ms. Young, can you do me a favor?" yung teacher ko sa physics to ah, si sir clarence.

"Yes sir?"

"Gusto mo ba ng extra credit? I heard kasi na detention ka, and big no no yun sa pagiging valedictorian mo." Good thing he asked! Wuhoo!! nakahinga ako ng malalim.

"Anything sir.." I said smiling from ear to ear.

"Pwede mo bang i tutor sa physics si Mr.Xhel Chua? Ikaw kasi ang pinaka magaling kong student sa physics eh.. and i need someone to tutor him.. i guess is that a yes?"

OH THE HELL NO! ayawww ko! HUHU. Pero paano na lang yunh pagiging valedictorian ko? at mukhang wala din akong magagawa.

"Okay sir." Hays.

"Great! And paki sabi na lang sa kanya okey? thank you so much, i will give you more credits!" siya na nga may favor ako pa mag sasabi? hays.. napaka sipag mo sir.

Paano ko na sila iiwasan? at takte yung lalaki pa na yun? bakit hindi pa si Kean ? eh ang alam ko, matalino yun. >.<

----

Xhel Chua added you as a friend.

Kelan ba siya titigil? seriously? Sa lahat ba naman ako pa pinag ti-tripan nila? at etong magaling kong kuya naman walang ginagawa! LINTEK!!

Buong klase, wala akong naintindihan. hays, sa sobrang inis at asar ko. Yung Xhel na yun, Yung magaling kong kapatid na si Airon!! AHH! buti wala pa si Kean dahil hindi ko na kakayanin kung sasali pa siya sa chaos na meron ako ngayon T___T

Nung lunch na, nilapitan na naman ako ni sir clarence, reminding me na sasabihin ko na daw kay Xhel ngayon para maka simula na kami mamayang uwian.. hays, hindi ako nilulubayan ng tingen eh, kakainis! Alangan pa ko lumapit sa TATLO na yun sa canteen, isama mo pa yung mga classmates ko, nag tatawanan na akala mo kung mga sino. HUHU.

"Sabi sa inyo eh.. may gusto talaga sakin yung kapatid ni Airon.." yabang talaga ng Airon na to. Pfft!

"Excuse me lang ha.. hindi ikaw yung pinunta ko dito.."

"Whoa! Tablado ka pre! Hahah." Isa pa to si kuya. Sipain kita diyan eh. -_-

"Hi Andie." bati saken ni Kean, buti nalang talaga nandito siya. Kung hindi, ewan ko nalang.

"At ikaw! IKAW yung pinunta ko dito! kelangan daw kita i tutor sa physics, sumunod ka nalang sakin sa library ngayon.." naiinis man ako, pero humarap parin ako kay xhel, dahil siya yung tinutukoy ko.

"Wha??" Nagulat ka pa! Kung ginagalingan mo kasi sa physics , hindi na kita itu-tutor!

"Sabi mo hindi ako yung pinunta mo dito!" Habang ang sama ng tingen sakin.

"At naniwala ka naman agad! HAHA evil laugh!."

"Hoy Andie! di ba sabi ko sayo, wag mo ako pinapahiya sa harap ng mga tropa ko?"

"At paano kita pinapahiya?"

"Yang mukha mo kasi kahiya hiya.." nag tawanan naman sila, except kay Kean. Kainis ka kuya!

"Hahah! dapat kasi Andie, nag PM ka na lang sa FB.. kesa sa lumapit lapit ka pa saming TATLO.." dagdag pa uli ni kuya.

"Eh kasi.." mag sasalita pa lang sana ako, umepal na to si Xhel.

"Sabihin mo kasi na gusto mo ko makita! hahah.. amin amin din diba?" tumayo siya, lumapit siya sakin.

"Ikaw Airon, mukha ko kahiya hiya? mahiya ka na din, dahil mag kamukha tayo! at ikaw lalaki ka! NEVER AKONG MAG KAKA GUSTO SAYO! N-E-V-E-R!!!"

Umalis ako dun, lahat ng tao naka tingin na samin. Bakit ko na naman sila pinansin at inaway? Bakit hindi ko mapigilan?

Nag beep na naman phone ko..

FB MSG:
Xhel Chua: Humanda ka sakin! kapal mo! never din kitang magugustuhan! THIS IS WAR!

Uh-oh.. wrong move.

----

Nandito na ako sa library. Litchugas! Ang tagal naman ng mukong na yun. Sa inis ko, kung ano ano nalang tuloy yung naitatawag ko sa kanya. Pero bagay naman sa kanya eh..

Nakita ko na siyang papasok sa library. Sa layo niya kitang kita mo na ang sama ng tingen saken! Kung hindi lang talaga para sa honor ko, hindi ko gagawin to!.kasalanan din naman niya kung bakit ako na detention!! Tss.

Mga dalawang oras na kaming nag aaral ni Xhel, okay naman siya eh, kabisado naman niya yung mga formula sa bawat problems, eh bakit kelangan pa niya ng tutor? siguro sinabi niya kay sir clarence na kelangan niya ng tutor at ako yun, para ma inis nila ako. Hmmmpf!!

"Ang galing mo naman na tutor! nag mukhang madali sakin.."

"Sus! Alam mo naman yan eh! Sinadya mo to! Para mainis ako! Di ba? Di ba?"

"Whoa.. easy ka lang Andie, hindi ah! si Sir talaga nag sabi, tska mababa grade ko sa Physics.." ang galing niya mag panggap ha. Sabagay, kilabot na mayabang to eh, malamang magaling siya manluko. "Don't worry, alam ko naman na deep inside, tuwang tuwa ka dahil ikaw ang tutor ko. Hahah!."

Wtf!! Gago ba talaga tong lalaki na to? Kung wala lang kami dito sa library. Inupakan ko na to! "In your dreams! Asa ka pa! never akong natuwa sayo!" tinarayan ko lang siya, niligpit ko yung mga ginamit namin, libro tska papers.




****

Accidentally InloveWhere stories live. Discover now