"Dati, nagngangalit talaga ang ngipin ko sa mga binibitiwan niyong salita sa akin! Masakit oo! Sobra! Daig ko pa noon ang sinugod ng isang daang saksak! Para ngang gusto ko na kayong patayin isa-isa sa sobrang galit ko noon eh! Pero mali iyon! Kasalanan iyon! Pinatawad ko pa rin kayo! Tapos.." hindi na tinuloy ni Mia ang kaniyang sasabihin bagkus naglakad ito papalayo sa mga kasama habang pinupunasan ang mga luhang nagbabagsakan mula sa kaniyang mata.

"Mia!" Sigaw ni Karlo. Susundan na sana siya ng binata ngunit pinigilan siya ni Kian.

"Hayaan na muna natin siya Karlo." Anito nang walang emosyon.

"Dapat hindi mo ginawa iyon sa kaniya Ginny! Dapat kinalma mo yung sarili mo!" Wika ni Agatha.

"Sorry, nabigla lang ako." Aniya at tumahimik muna.

"Talagang planado ito lahat ng killer. Ang death word ni Dion ay Gun. Ito na talaga ang kapalaran ni Dion." Wika ni Agatha at umayos ng upo.

"Sa ngayon, malaki ang namuong tensyon sa pagitan ng bawat-isa lalong-lalo na kay Ginny at Mia kaya mamahinga na muna tayo." Aniya at nagsikilos na ang lahat. Dinala na nila ang bangkay ni Dion sa dapat nitong paglagyan.

Roxette's POV

Kaagad naming dinala ni Arianne si Ginny sa kwarto upang siya'y kalmahin.

"Ano bang nangyayari sayo Ginny at ginanun mo si Mia?" Malumanay kong tanong habang nakaupo sa may tabi niya.

"Hindi ko alam, bigla na lang nag-init yung dugo ko sa kaniya eh." Anito habang nakabusangot pa rin at nakatingin sa malayo.

"May nagawa bang kasalanan sayo si Mia? Tell us para masolusyonan namin." Dugtong naman ni Arianne habang nakahawak sa braso ng dalaga.

"Ang kati niya kasi! Dikit siya nang dikit sa iba't ibang lalaki!" Paghihimutok niya.

"Juice colored! Iyon lang pala, akala namin kung may mas malalim pa eh!" Wika ni Roxette na napahawak na lang sa ulo.

"Jusko! Akala namin aatakihin na kami sa puso sa rebelasyong sasabihin mo eh! Yun lang pala!" Wika ni Arianne sa braso ng dalaga sabay irap sa may hangin.

"Aray! Grabe ah! Ganiyan lang reaksyon niyo! Hindi ba kayo naaasar sa kalantudan niya?" Pagmemake face nito sa mga kaibigan.

"Hayaan na natin siya! Kung doon siya liligaya ade ok!" Wika ni Rox na nakapameywang pa.

"Eh paano kung si Mark ang landiin niya aber? Ano gagawin mo?" Tanong niya.

"Huwag lang si Mark kasi sasabunutan ko siya talaga hanggang sa makalbo siya!" Wika nito na nangigigil pa.

"Hahaha!" Pagtawa nina Arianne at Ginny.

"Ano nakakatawa roon?" Pagsusungit nito habang nakapameywang at nakataas pa ang isang kilay.

"Grabe ka kaya! Para namang boyfriend mo si Mark kung makapagreact ka! Haha!" Panunuya ni Arianne.

"Kung ako sayo, kay Papa Ethan na lang ako! Oh shit! Yummy! Haha!" Wika ni Ginny habang pinagpapantasyahan ang binata.

"Aba Ginny! Bumalik ka na naman ulit sa dati! Namatay lang si Ramil, si Ethan naman ngayon! Aba! Winner ka pa!" Wika ni Arianne.

"Syempre naman! Kailangan nating humugot ng inspirasyon! Hehe. Kaya ikaw, maghanap ka na rin! Haha!" Dagdag pa nito.

Nagkumpol-kumpol sila sa gitna ng kama habang naghahagikgikan.

"Bagay kaya ni Kian o kaya si Karlo!" Pagrereto naman ni Roxette dito.

"Asus, tigilan niyo nga ako! Ayoko na munang maglovelife na ganiyan!" Wika ni Arianne at nagtalukbong ng kumot.

"Uy kinikilig ang bruha! Haha!" Pang-aasar ni Roxette sa namumulang si Arianne.

"Tse! Tigilan niyo nga ako!" Pagmamaasim nito.

"Sandali nga lang! Naiihi ako!" Wika ni Roxette at nagmamadaling tinungo ang CR.

Pagkabukas niya ng pinto, isang babaeng nakaputi ang bumungad sa kaniya na nakaupo sa may bowl at may hawak na martilyo.

Biglang kinilabutan si Roxette at nagsitaasan ang lahat ng kaniyang balahibo sa katawan. Napaurong siya dahil sa takot.

Tatakbo na sana siya pabalik sa mga kasama ng sa isang kurap niya lang ay napunta na yung babae sa may harapan niya at may ibinulong.

"Kikilos na ulit siya!" Anito at bigla na lamang itong naglaho na parang bula.

"Ahhhh!" Napatili na lang siya sa sobrang takot at nagtatakbo papalapit sa mga kaibigan.

Alphabet of Death (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon