Ika-anim

41 3 0
                                    

Paglabas ng doctor ay napa hawak si Amira sa kanyang dibdib na nag regodon.
"B-bakit ganoon? Bakit parang masaya pa ko noong sinabi n'yang may nagma may-ari na sa kanya?" bulong ni Amira sa sarili habang naka hawak sa dibdib nyang nag-uunahan sa pag tibok.
"Okay ka lang Amira?" tanong ni Andrew sa binata, nagtataka ito sa itsura ni Amira
"Huh! O-oo naman." Gulat sa sagot ni Amira
"Tsk... sayang naman, may asawa na pala s'ya" malungkot sa sabi ni Lisa
"P-Paano mo naman nasabi na may asawa na s'ya?" Tanong ni Amira sa kaibigan
"'Di ba sabi nya wala s'yang girlfriend, epro may nag ma-may-ari na sa kanya? T'saka may singsing sya eh, wedding ring n'ya yata iyon" malungkot na paliwanag ni Lisa
"Kayo talagang mga babae ang hilig nyo sa mga naka uniporme gaya ng pulis, doctor, nurse, lawyer... kahit hindi naman ganoon ka guapo" nakasimangot na sabi ni Andrew
"Anong hindi ganoon ka guapo? Hindi pa ba guapo sa'yo iyon? Iyong mukha ng doctor na iyon? Eh ang daming tataob na artista doon eh... para s'yang prince charming na nabuhay sa panahon natin" mahabang litany ni Lisa, habang nakatingin sa taas na parang nangangarap.
"Ayan diyan kayo magaling, kaya palagi kayong naloloko kasi feeling n'yo prince charming lahat" nakasimangot na sabi ni Andrew sa dalawang dalaga.
Natatawa lamang si Amira sa dalawang kaibigan
Samantala
"Ako? Hindi ganoon ka guapo? Tsss..." gigil na wika ng lalake
"Ako na ang pinaka makisig na nilalang sa mundo ko" kausap pa rin n'ya ang sarili
Nang biglang may kumatok sa pintuan.
"Pasok" wika ng lalake
Pumasok ang isang nars...
"Kailangan na nating bumalik sa kaharian kamahalan" wika nito sa kausap
"May makarinig sa'yo Aliona" mahinang sabi ng lalake
"Nagpupumilit na ang iyong tiyuhin na palitan ang iyong ama sa trono sa kadahilanang wala ka pang kabiyak" ang nars
"May kabiyak na ako Aliona" maikling wika ng lalake
"Hindi ka n'ya matandaan kamahalan" malungkot na sabi ulit ng lalake
"Naaalala ako ng puso n'ya Aliona" nakangiting sabi ng laaleke
"Kailangan nating makabalik bago matapos ang Linggo'ng ito kamahalan, bago iputong ang korona sa iyong tiyuhin" paalala ni Aliona
"Alam ko Aliona" sabi ng lalake
"Maaari mo naman s'yang kunin dahil mag-kabiyak na kayo kahit hindi ka n'ya nakikilala" wika ulit ni Aliona
"Ayoko s'yang kunin sa hindi n'ya kagustuhan Aliona, nais kong kusa ang kanyang pagsama sa akin" paliwanag ng lalake
"Alalahanin mo kamahalan, mayroon na lamang tayong apat na araw mula ngayon" paalala ni Aliona at tuluyang lumabas ng opisina.
Napa-upo na lamang ang doctor sa pag-iisip na maaring mawala ang lahat sa pamilya n'ya at maaring maghirap ang buong mundo n'ya kapag ang tiyuhin n'ya ang papalit sa kanyang ama.

"Kailan mo ako maaalala mahal ko?" bulong nito sa sarili na napahawak sa ulo nito.

Matagal nang naka-alis ang mga kaibigan ni Amira...

"Saan ko nakuha ang singsing na ito?" naguguluhang tanong ni Amira sa sarili.

"Ikinasal ako sa panaginip ko, kahawig ito ng singsing na iyon... pero panaginip lang iyon eh." Tulalang sabi ng dalaga

"Huh! Hindi kaya, may naglagay nito sa daliri ko sa Marriage Booth, hindi ba ako nagpakasal sa marriage booth, doon ako nahanapan ni Andrew 'di ba?" isip parin ni Amira

Marriage Booth (Completed)Where stories live. Discover now