Ikaapat

50 3 0
                                    

"Hindi ko rin alam eh, hindi ko maalala" naguguluhang sabi ni Amira at napahawak sa ulo.

"Ay! Ang ganda ng singsing" gulat na wika ni Liza
"Hah?, ano 'yun" tanong ni Amira na tumingin sa kaibigan

Napahawak si Lisa sa kamay ni Amira.

"Ito oh... ito" turo ni Lisa sa singsing na nasa daliri ni Amira.
Napatitig ni Amira sa singsing na nasa daliri nya.
"Saan ito galing?" tanong ulit nya
"Aba! Ewan ko sa'yo, nasa daliri mo eh" wika ni Lisa sa kaibigan
Nang maramdaman nya na para s'yang nalungkot... pero hindi nya maalala ang dahilan.
Pinilit nya ang tumayo...
"Uwi na tayo" sabi ni Amira sa kaibigan.
At nagpasya na ngang umuwi ang magka-ibigan.
Matagal ng tinititigan ni Amira ang singsing sa daliri nya.
Pinipilit isipin kung saan nya ito nakuha.
Hindi nya talaga maalala kahit anong isip nya pa.
Pero nakakapagtakang tuwing titignan nya ang singsing, parang kinukurot ang puso nya.
"Parang may kulang?" bulong nya sa sarili nya.
Isang buwan ang mabilis na lumipas.
"Amira, may laro tayo mamaya ha" wika ni Lisa
"Ikaw na lang, masama ang pakiramdam ko eh" wika ni Amira sa kaibigan
"O sige, pero panoorin mo ako ha" wika ni Lisa
"OO" sagot ni Amira kahit masama talaga ang pakiramdam nya.
Pinilit pa rin ni Amira ang sarili na pumunta sa gym upang panoorin ang kaibigan.
Nang matapos ang laro, tumayo na si Amira upang puntahan ang kaibigan.
Nang bigla syang makaramdam ng pagka hilo. Mabuti na lamang at nasa harap nya si Andrew, ang kaklase nila na crush ni Lisa.
Binuhat sya ni Andrew upang dalhin sa clinic.
Inilipat sya sa malapit na hospital dahil sa mataas na lagnat.
Unti-unti nang nagising si Amira nang makita nya si Andrew na nagbabantay sa kanya.
"A-Andrew, anong ginagawa natin ditto?" tanong ni Amira sa binata
"Amira, mabuti at gising ka na... nag-alala ako sa'yo" wika ni Andrew
"Bakit tayo nandito sa hospital?" tanong ulit ni Amira sa binate
"Nawalan ka ng malay kanina sa gym, dinala kita sa clinic kaya lang masyadong mataas ang lagnat mo" paliwanag ni Andrew.
"Si Lisa, nakita mob a?" tanong ulit ni Amira
"Umuwi muna sya, babalik na lang daw sya bukas" wika nito
"Ha?, eh bakit ikaw nandito ka pa?" gulat na tanong ni Amira
"Okay lang, gabi na rin lang" nakangiting wika ni Andrew
"Gabi na? ilang oras ba akong tulog?" nagtatakang tanong ni Amira
"Mahigit pitong oras ka ng tulog" sagot ni Andrew
"Naku, pasensya ka na Andrew, naabala tuloy kita" nahihiyang sabi ni Amira
"Okay lang 'yun, wala na rin naman palang ibang magbabantay sa'yo dito eh" wika ni Andrew
"Ah... oo nga, nasa malayo kasi ibang kamag-anak ko. " wiKA ni Amira
"Paano ka nag su-survive, sino nag su-support sa studies mo?" tanong ni Andrew habang kumukuha ng tubig para kay Amira
"Ahmmm... may naiwan namang ari-arian ang magulang ko, tska iyong munting restaurant, doon ko kinukuha ang pang-gasto ko" nakangiting wika ni Amira

Marriage Booth (Completed)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora