Ikatlo

59 3 0
                                    

"Huh? Taga school ka ba namin? Anong year ka?, parang now lang kita nakita eh" sunod-sunod na tanong ng dalaga.

Nakatingin lang sa kanya ang binata at nakangiti.

"Matagal na kitang kilala, hindi mo ba ako naaalala mahal ko?" nakangiting tanong nito kay Aina.

"Kay tagal kong hinintay ang pagbabalik mo, sa mga beses na iniiwan mo ako at ikaw ay nagbabalik sa kinalakhan mong mundo" malungkot na wika nito.

Nakatingin lang ang naguguluhang si Amira sa kanya.

Ngumiti lamang ang lalake sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad papuntang altar. Hindi pa rin nito binibitawan ang kamay ni Amira.

Patapos na ang kasal ngunit walang naintindihan si Amira, busy ang utak nya sa pag-iisip kung totoo ba ito at kung nasaan siya.

Nang maramdaman nyang hinawakan ng binata ang kamay nya at nakita nyang isinusuot ng lalake ang singsing sa daliri nya.

" Ang ganda" wala sa sariling nabigkas nya.

Kinuha rin nya ang isa pang singsing at isinuot sa daliri ng lalakeng buong pusong nakangiti sa kanya.

Hindi maipaliwanag ni Amira pero masayang-masaya sya. Na parang kilalang-kilala nya ang lalakeng ngayon ay pinapakasalan nya.

Iniharap sya ng lalake at itinaas ang kanyang belo.

Nag-unahan sa pagtibok ang puso nya nang makitang papalapit sa mukha nya ang mukha nito.

Napapikit siya ng madiin nang maramdaman ang labi nito sa labi nya. Pakiramdam nya nawalan ng lakas ang mga tuhod nya. Mabuti na lang at hawak sya sa baywang ng binata. Nagtagal ang halik na parang walang gustong maunang bumitaw. Hanggang sa marinig nya ang palakpak ng mga tao sa paligid. Nahihiya s'yang inilayo ang mukha sa binata na ngayon at nakangiting nakatitig sa kanya.

Masayang-masaya ito na nakatingin sa mga tao sa paligid, hawak pa rin nito ang mga kamay ni Amira.

Nang biglang manahimik ang mga tao, napatingin ang lahat kay Amira.

Napatingin din sa kanya ang binata na biglang yumakap sa kanya.

Napatingin si Amira sa kanya at nakita nya ang lungkot sa mga mata nito.

"Leandro, Tandaan mo ang pangalan ko mahal ko" bulong nito kay Amira

"B-bakit?" Naguguluhang tanong ni Amira sa lalake na ngayon ay kabiyak na nya.

"Pupuntahan kita sa mundong kinalakihan mo at muling ibabalik dito, hintayin mo ako" wika ni Leandro kay Amira.

Naguluhan si Amira, hahawakan niya sana ang mukha ng asawa ng mapansin nyang unti-unting nawawala ang mga kamay nya.

"A-Anong nangyayari" tanong nito sa asawa
"Babalik ka sa mundo ng mga tao, hahanapin ulit kita, hintayin mo ako" wika ng lumuluhang si Leandro.

"Amira! Amira!" naririnig ni Amira na may tumatawag sa pangalan nya.

Unti-unti siyang nagbukas ng mata.

Nakita nya ang kaibigan niyang si Lisa. Napatingin sya sa paligid... medyo madilim na. Napa-upo sya sa gulat.

"Anong nangyari? " tanong ni Amira sa kaibigan.

"Aba! Ewan ko sa'yo, paano ka napunta dito sa Marriage booth? " nagtatakang tanong ni Lisa sa kaibigan.

"Huh? Paano ako napunta dito? Eh 'di ba nasa Haunted House Booth tayo?" tanong ni Amira sa kaibigan.

"Ay ewan ko nga sa iyo eh. Iyon nga tanong ko 'di ba bes?, nagulantang nga ang mata tao dito ng bigla ka na lang nila makitang walang malay sa likod ng altar nila" mahabang paliwanag ni Amira

Marriage Booth (Completed)Where stories live. Discover now