Ikalawa

65 4 0
                                    

" Hindi ko po nakikilala ang tinutukoy ninyo binibini," wika ng babae, habang iniaabot kay Amira ang damit na puti.

" Huh? Para saan ito?" nagtatakang tanong ni Amira

"Iyan po ang isusuot ninyo para sa pakikipag-isang dibdib sa prinsipe mahal na binibini, " sagot ng babae habang nakayuko.

" Huh? Pakikipag-isang dibdib? Kasal?" Gulat na sabi ni Amira. Napa-isip sya ng matagal, pagkatapos ay natawa.

"Ha! Ha! Ayos ah! Hindi mo naman sinabi agad na nasa Marriage Booth pala ako," tumatawang wika pa rin ni Amira.

Hindi na muling nagsalita ang babae, tinulungan na lang nitong makapag bihis si Amira.

"Ha! Ha! Ang cool ng Marriage Booth n'yo ha. Sosyal ng damit kahit makaluma ang disenyo pati pananalita ninyo makaluma rin... kung sino man ang naka-isip nito... ang galing n'ya" natatawang wika ni Amira

"Halina po kayo mahal na binibini kanina pa naghihintay sa altar ang mahal na prinsipe," wika ulit ng babae habang iginigiya niya si Amira palabas ng kuarto.

Pag dating nila sa labas, nagulat si Aina sa nakita...

"Ang ganda... ang ganda-ganda... " tanging nasambit ng dalaga.

Ngunit biglang may bumalik sa ala-ala nya.

" Pero, parang nangyari na ito sa panaginip ko" wika ni Amira sa sarili.

Pilit nyang binabalikan ang panaginip nya...

Palagi nyang napapanaginipan na ikinakasal sya sa isang hardin na puno ng bulaklak at paru-paro ngunit tuwing haharap na ang lalake sa kanya ay bigla na lang siya nagigising.

"Nananaginip kaya ulit ako?" tanong ni Amira sa sarili.

Narinig na nya ang tugtog, senyales na uumpisahan na ang kasalan. Napahawak sya ng mahigpit sa bouquet na hawak nya.

"Bakit ba ako kinakabahan? Panaginip lang ito Amira" bulong nya sa sarili.

Papalapit na sya sa altar ng kanyang masilayan ang lalakeng naka talikod.

"Aishhh... Amira huwag ka munang magising. Aawayin na talaga kita" galit na bulong nya sa sa sarili.

Ang bagal ng tugtog, pakiramdam ni Amira sumasabay ang pintig ng puso nya. Tumatahip na ang dibdib nya.

"Naku! Heart, huwag kang ganyan... kayanin mo ito" bulong ng isip nya sa sarili.

"Bakit naman ang haba ng lalakarin ko? 'Tsaka bakit ang daming tao? Panaginip lang ba talaga ito? " tanong parin ng isip nya.

"Ang sarap sana kung totoong buhay ito. Kaya lang wala na rin naman sina mama at papa para ihatid ako sa altar." Malungkot na sabi nya sa sarili.

Naalala nya ang pumanaw nyang mga magulang.

Palapit na siya ng palapit sa altar, pabilis din ng pabilis ang pintig ng puso nya. Nanlalamig ang buong katawan nya.

Nakikita nya ang lalakeng nakatalikod sa kanya. Nakasuot ito ng damit na gaya ng napapanood nya sa mga fairy tale movies.

Gandanga-ganda si Aina sa mga nakikita sa paligid. Lahat ay masaya at maaliwalas ang paligid.

Hanggang sa makarating na s'ya sa harap ng lalakeng naghihintay sa kanya.

Pigil nya ang paghinga nang ito'y unti-unting humarap sa kanya.

Hindi makapag salita si Aina sa kanyang nakikita.

"Aina, huwag kang gumising kung panaginip ito. " bulong nya sa sarili.

" Kumusta mahal kong binibini?" Ang wika ng binata kay Aina. Pagkatapos ay inialok ang braso kay Aina.

"Huh?!" Hindi makagalaw si Aina, titig na sa mukha ng binata sa harap nya.

Kinuha ng lalake ang kanyang mga kamay at pinisil.

Hindi parin makapaniwala si Amira na naramdaman nya ang palad ng binata.
Sinubukan pa rin niyang kurutin ang sarili.

"N- nananaginip ba ako?" Tanong ni Amira sa binata.

" Hindi mahal ko" wika ng lalake at ngumiti sa dalaga.

Marriage Booth (Completed)Where stories live. Discover now