Chapter Sixteen

4.5K 118 3
                                    

SAY YOU LOVE ME

Written by: Kimmy

-Chapter Sixteen-

It's been a year buhat nang ikinasal sina Lowell at Natalia. Halos araw-araw nililigawan ni Lowell ang kanyang pinakamamahal na asawa. Telling and showing her, that he loves her very much. Wala naman sila naging problema, maliban na lamang ang kagustuhan ng kanilang mga magulang na magka-baby sila.

Gusto pa kasi nilang magkaroon ng kaunting panahon yung sila muna ang mag-bonding. Hindi naman sa ayaw nilang magka-anak...

"Natalia, hija wala pa bang laman 'yan?" Nakangiting tanong ng ina ni Lowell. Kasalukuyan silang nag-pa-family dinner sa bahay nila. Umuwi ang mga ito para bisitahin silang mag-asawa at kamustahin.

Syempre... inaasam na rin nila ang magka-apo.

"Wala pa po mama... Hindi naman po kami nagmamadali ni Lowell." Malambing na sagot ni Natalia.

"Aba eh! Puspusan niyo na ang pagbuo, Lowell." Untag ni Losendo sa anak. "Gusto ko na talaga kasing magka-apo! I'm not getting any younger you know."

"Hahaha! Papa maghintay na lang kayo, makakabuo rin kami. Medyo busy lang kasi si Natalia sa botique niya at ganon rin ako. Ang daming trabaho na kailangang tapusin. Bubuo rin kami. Di ba honey?" Lumingon ito sa kanya.

They smiled at each other, not having a baby is not a hindrance para ma-discourage sila sa isa't isa. Sa katunayan nga ay nagkaroon sila ng panahon para makilala ang isa't isa, they have the time to bond and hang around, parang magnobyo na ngayon lang nagliligawan.

"Maiba ng ako, hija. Kumusta si kumpadre? I heard that inatake siya ng hypertension last week." Wika ni Losendo kay Natalia.

"He's now doing fine Papa, may mga nireseta lang mga gamot para sa kanyang maintanance. Napagod lang po kasi over time. Sinabi ko nga kay Lowell baka ako na ang papalit sa pwesto ni Papa kasi tumatanda na siya. Kinakailangan nang rumitiro para makapagpahinga na rin siya at mag-relax." Mahabang lintaya ni Natalia.

"Hmmmm.... Mas mabuti pa nga hija. Pero kailangan yung apo namin ah unahin niyo yun. Madaliin niyo na." Biro ni Losendo.

"Papa naman, baka ma-stressed ang honey ko sayo. Don't worry bubuo rin kami." Singit ni Lowell at inakbayan ang asawa."So ano, honey? Mamaya? Mag-o-over time tayo?" Biro ni Lowell sa kanya sabay kindat.

Kinurot niya ito ng pino sa tagiliran. "Aray!" Tili ni Lowell. "Masakit!"

"Hahaha ang landi mo, honey! Ke-lalake mong tao." Biro ni Natalia at sabay silang nagtawanan apat. The four of them just enjoyed the night together.

--------

"Hon, hindi kita masusundo mamaya kasi may board meeting pa kami." Ani Lowell sa asawa habang nagsusuot ng polo.

"Huh? Ganon ba? Gagabihin ka ba ng uwi?" Sunud-sunod na tanong ni Natalia at nilapitan ang asawa at tinulungan ayusin ang necktie nito.

"I'm not sure but I'll try to call you." Nakangiting saad nito habang nakatitig sa kanya.

"Ok I'll wait for your call. Ah hon.."

"Hmm?" Sabay haplos nito sa kanyang magandang mukha.

"Ok lang ba kahit hindi pa tayo nagkaka-baby?" May bahid na kalungkutan sa kanyang mukha.

"Oh hindi mo pa pala nakalimutan ang biruan nila Papa at Mama. Ok lang honey, as long as kasama kita. I could not ask for anything more." Anito at kinintal ng halik ang kanyang noo at niyakap ng mahigpit. "The baby can wait..."

"Hindi ka kaya maghanap ng iba Lowell?" Napahikbi siya sa isipang lilingon ang asawa sa ibang babae.

Nilayo siya ni Lowell at hinawakan ang kanyang baba para titigan ito sa mata.

Say You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon