Chapter Five

4.6K 167 5
                                    

Labis ang ikinagulat ni Natalia ang biglang pagyakap sa kanya ni Lowell. Nakaramdam siya ng bolta-boltaheng kuryenteng dumadaloy sa kanyang ugat ng maglapat ang kanilang katawan, pati pagtibok ng puso nito ay dinig na dinig niya, kaya mabilis niyang tinulak ang binata.

"H-huwag m-mo nga akong yakapin..." aniya rito na hindi makatingin sa mata.

"Sorry akala ko hindi ka na uuwi..." Nakangiti nitong sagot sa kanya at napakamot ng ulo sa hiya.

"Uuwi ako huwag kang mag-alala, pag-aari mo ako 'di ba? At saka ginagawa ko ito para sa aking ama." Pormal niyang sabi sa binata.

Hindi nakatakas sa mga mata ni Natalia ang paglungkot ng mukha ni Lowell, naawa siya rito ngunit winaksi niya iyon sa kaniyang isipan. Bakit siya maawa? Bakit siya maawa sa lalakeng ginipit silang mag-ama? Na awa ba ito sa kanila? Kaya hindi dapat!

"Huwag kang maawa sa kanya! Siya nga rito ang walang awang gustong ipakulong ang iyong ama." Sigaw ng isang bahagi ng kanyang isipan.

"Kumain ka na ba? Tara kain tayo... hinintay talaga kita..." Pagiiba ng kwento ni Lowell.

"Tapos na akong kumain, salamat na lang." tanggi niya. Akmang maglalakad na siya papasok nang bigla siyang may na alala. "Sandali pakitulungan mo na lang akong ibaba ang isa kong bag." Aniya at binuksan ang likurana ng kaniyang kotse.

Tinulungan siya ni Lowell, at ito ang nagkarga ng kanyang gamit na medyo may kabitan.

"Ang bigat naman nito!" Reklamo ng binata.

"Mga libro ko 'yan at ilang mga damit. Bakit may angal ka?! Di ba gusto mo akong tumira dito?!" Tinasan niya ito ng isang kilay.

"Ay wala! Wala po akong angal!" Tugon nitong tatawa-tawa, "sige mauna ka nang pumasok at susunod ako." Anito sa kaniya. "Ang bigat..." Narinig pa niyang ungot nito.

-----

Walang nagawa si Lowell dahil hindi niya mapilit ang dalaga na muling kumain. Mag-isa siyang nag-dinner sa ibaba ng dining room. Wala na roon sila Manang Margie dahil umuuwi ito ng alas siete ng gabi at bumabalik din alas siete ng umaga kinabukasan. Hindi mapalis ang ngiti sa kaniyang labi, ang buong akala niya ay hindi na babalik si Natalia, but there she is, nasa loob ng kniyang silid---kanilang silid. Ang totoo, ito ang unang gabi na tatabi silang dalawa sa iisang higaan. Hindi mapigilan ang pagsilay ng pilyong ngiti sa kanyang labi dahil sa kung anu-ano ang mga pumapasok sa kaniyang isipan. Pailing-iling pa siya ng ulo habang kumakain. (Buti hindi ka na bilaukan Lowell hahaha)

Natalia took advantage of everything habang nasa ibaba ang kumakaing si Lowell. Agad siyang kumuha ng damit na pantulog mula sa kaniyang bagahe, na nasa isang sulok sa silid ng binata.

Sa kasamaang palad lahat ng kaniyang damit pantulog ay puros nighties, nakaugalian na kasi niyang magsuot ng ganoon dahil comfortable siyang matulog iyon ang suot. Presko kasi eh!

"Tsk! Sana bumili pala ako ng pajama! Hays! Shit!" Mura niya at pinagsampal-sampal ang mukha na parang sira, pero sa ang totoo hindi naman iyon masakit. Kinakastigo niya ang sarili.

Kibit balikat tinungo niya ang banyo at nag-half bath, pwede na 'yun at least na preskuhan na siya. Minadali niya ang pagbihis at pag-ayos ng sarili ayaw niyang makita siya ni Lowell ng ganoon ang kanyang suot.

------

Pagkatapos iligpit ni Lowell ang kaniyang kinain ay in-off niya ang mga ilaw mula sa kusina hanggang sa living area, umakyat siya upang tumungo sa loob ng kanilang silid.

Nagbuga muna siya ng hangin, para makahugot ng lakas harapin ang dalaga. Paniguradong magtataray na naman iyon.

Kumunot ang makinis niyang noo nang buksan niya ang pintuan ng kanilang silid.

Say You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon