Chapter Two

5.1K 174 8
                                    

Nanlamig si Señor Crisostomo sa narinig na kondisyon ng binatang si Lowell. Hindi niya magagawang basta na lang ibibigay ang nag-iisa niyang anak sa lalakeng ito. Wala din naman siyang alam sa pagkatao nito.

"H-hindi ko maaring gawin iyon Mr. Santiago." Matigas niyang sagot dito mula sa kabilang linya. Hindi siya papayag. Hndi ang kaniyang Natalia.

"Pwes wala na akong magagawa, bukas ay maghanda ka at sa kulungan ka na babagsak Señor," sarkastikong sabi ng binata.

"Kahit pa sa kulungan ako babagsak, hinding-hindi ko magagawang ipambayad utang ang aking anak!"

"Madali naman akong kausapin Señor. Huwag na huwag kang magtangkang tumakas dahil matatagpuan din kita. You can run but you can never hide." Banta nito at ibinababa ang telepono.

Napatulala si Señor Crisostomo ng ilang saglit, at napasabunot sa kanyang buhok gamit ang mga kamay. Gustuhin man niyang magsisi subalit huli na siya. Mas gusustuhin pa niyang makulong kesa ibigay ang kaniyang anak. Anong klase siyang ama?!

Muli ay tinawagan niya ang kanyang kumpareng si Medardo upang humingi ng tulong, kaso nang sabihin niya ang halaga ng kanyang pagakatalo sa casino ay wala rin itong maitutulong, dahil kulang pa rin ang perang maipapahiram nito sa kanya.

-----

Alas otso ng gabi ng ma-isipan ni Señor Crisostomo ang planong pagtakas. Agad niyang tinungo ang silid ng kanyang anak.

"Anak..." Mahina niyang tawag dito. Naabutan niya itong nasa harapan ng laptop na gumagawa ng inventory sa negosyo nitong botique.

"Oh, papa bakit po?" Tanong nito sa kanya.

Nilapitan niya ang anak at umupo sa gilid ng kama nito. Hinaplos niya ang buhok ng kaniyang nag-iisang prinsesa. Bahagya pa siyang ngumiti rito. "Alam mo anak, you looked just like your mom... pati pag-uugali mo ay na mana mo rin sa kanya," malambing niya wika sa anak. "So very loving."

Isang matamis na ngiti naman ang itinugon ni Natalia sa kanyang ama. "Nagmana rin naman ako sayo papa... sa inyong dalawa ni mama siyempre."

"Anak...hindi ko alam kung saan ako magsisimula..." Aniya at simulang gumaralgal ang kanyang boses. "Sana anak mapatawad mo ako..."

"Papa, bakit ano po ba ang problema?" Nag-aalala niyang tanong sa ama. She could sense na may problema ngang dinadala ang kaniyang ama. This past few days, lagi niya itong na kikitang nakatulala.

"Anak..." pinakatitigan siya nito sa mata. "Please pack all your things. Tumakas ka na hanggang pwede pa..." Garalagal nitong boses at nagsimulang maglandas ang luha ni Señor Crisostomo.

"Papa ano ba ang pinagsasabi mo? Bakit kailangan kong makatas? Sino ang tatakasan ko?" Nagtatakang tanong niya sa ama, hindi niya mapigilan ang huwag mabahala. Mukhang hindi lang ito basta isang problema kung hindi isang 'napakalaking problema', nababakasan naman kasi sa mukha nito.

"Basta, anak... umalis ka na ngayong gabi, 'yung walang makakaalam na umalis ka na. Kasalanan ko itong lahat at nadamay ka pa." Humahagulgol na wika ng kanyang ama.

"Papa kung ano man po yung problema niyo hayaan mong tumulong ako. Tayo na nga lang dalawa papa. Ayokong malayo sa iyo, hindi kita pwedeng iwan!" Tuluyan na ring umiyak ang dalaga at nagyakapan silang mag-ama.

"Anak... basta magtiwala ka lang, aayusin ko lang itong gusot na pinasukan ko. Pangako uuwi ka rin uli. Pakiusap anak para ito sa kabutihan mo," nagmamakaawang pakiusap ni Señor sa anak at sa wakas ay napapayag rin niya ito kahit pa labag sa kalooban ng dalaga. Mahirap! Hindi madali ang lahat pero kailangan muna niyang ilayo si Natalia dahil na rin sa sarili niyang kagagawan.

------

Ala una ng madaling araw, madilim ang paligid at walang katao-tao sa labas ng kanilang mansion. Kahit pa ang mga kasambahay ay hindi alam ang planong pagpapatakas ni Señor Crisostomo sa unica hija nito.

Hinatid niya ang kanyang anak sa garahe at pinasakay sa kotse nito, sabay abot sa envelope na may naglalamang pera.

"Mag-iingat ka anak... tandaan mong mahal na mahal kita kaya ko ito nagawa. Sana ay mapatawad mo ako," Maluha-luhang wika ng kanyang ama.

"Mahal din kita papa, mangako kang iingatan mo rin ang sarili mo." Umiiyak nitong wika sa ama, at mahigpit na hinawakan ang kamay nito.

"Sige na anak umalis ka na..." Aniya at binawi ang kamay sa anak.

Saktong pagbukas ng gate at lumabas ang kotse ng dalaga ay may biglang may dalawang itim na Van ang humarang sa kotse ni Natalia. Nahintatakutan ang mag-ama nang may mga lalaking bumaba, siguradong may mga armas itong dala. Mga goons ika nga!

Isang lalaking nakakaitim na tshirt at maong ang huling bumababa at kitang-kita ng dalaga ang paglapit nito sa kanyang ama. Matangkad ang lalake at hindi maikakailang may itsura ito subalit ito ata ang leader. Hindi siya agad bumaba hanggang sa nakita niyang nakikipagtalo ito sa kanyang ama, kwinelyuhan nito ang kanyang ama. Agad siyang bumaba sa kanyang kotse, saktong nakita niya ang malakas nitong pagtulak sa kanyang ama at bumagsak ito sa semento.

"Walang hiya ka Señor Crisostomo! Sinabi ko na sa iyo na huwag na huwag kang magtangkang tumakas." Asik ng lalaki sa kanyang ama, nang akmang sugurin ito ng suntok ang Señor ay kaagad na hinarang ng dalaga ang kanyang sarili.

"HUWAG!!!" Umiiyak niyang sigaw at niyakap ang kanyang ama.Saglit natigilan ang lalaki nang makita siya. "Ano ba ang kasalan ng aking ama para saktan niyo siya?!"

"Tanungin mo ang magaling mong ama, kahit pa ibenta niyo lahat ng kayamanan niyo ay hindi niya mababayaran ang kanyang utang sa pagkatalo niya sa akin," anito sa dalaga.

"Hindi ko kayo maintidihan... Papa ano ba talaga ang totoo?"  binalingan ng dalaga ang kaniyang ama.

"Anak...Milyones! Milyones ang natalo ko sa casino at kulang ang pera kong pambayad sa kanya, kaya kita pinatakas dahil gusto niya ikaw ang maging kabayaran. Patawarin mo ako anak," Umiiyak nitong pagsusumao sa anak at lumuhod ito sa halos halikan ang senentong sahig ng garahe nila.

"Mr. Santiago, hindi naman kita tinatakasan, ang totoo niyan, gusto kong umalis si Natalia para hindi makita akong makulong...ngayon ay handa na akong makulong kahit ngayon din mismo basta hayaan niyo lang ang aking anak."

"Walang problema 'yan Senyor," Anito sa matanda. "Fabian! Escobar! Damputin niyo na yan at idala sa prisinto!" Anito sa kanyang dalawang tauhan.

Agad namang nilapitan ng dalawang malalaking lalake ang kanyang ama, at hinablot ang magkabilang braso nito upang itayo. Sa pilitan nitong kaladkarin ang kaniyang ama, sobra siyang naawa rito. It breaks her heart to see other people hurt her father.

"Huwag! Pakiuasap! Huwag niyong ipakulong ang Papa ko!" Umiiyak na sigaw ng dalaga habang mahigpit niyang niyakap ang ama sa likod. Pinipigilan niya ang mga lalakeng gustong itangay ang ama.

"Hayaan mo na anak.. Ok lang ako huwag kang mag-alala... ingatan mo ang sarili mo," Umiiyak ring wika ng kanyang ama. Marahas na tinanggalan ng isang lalaki ang kanyang mga kamay na nakayakap sa ama. Nang maipasok ang kanyang ama sa loob ng van, ay hinabol niya ito at ipinukpok ang kanyang mga kamay sa bintana ng van.

"Huwag!!! Pakiusap!!! Papa!!!"Sigaw niya. Napatigil lamang siya sa pag-iyak ng makita niya ang lalaking pinagkakautangan ng kanyang ama papasok sana ito sa loob ng isang van ay dali-dali niya itong nilapitan. Hinawakan niya ang mga kamay nito, at lumuhod pa sa harapan nito habang umaagos ang mga luha sa kanyang magagandang mata.

"Pakiusap huwag mong ikulong si Papa sasama ako sayo... kung ako ang nanaisin mong pambayad sa kanyang utang..."

Isang ngiti ng tagumpay ang sumilay sa mga labi ng lalaking kaharap. Tinulungan siya nitong makatayo.

Pinahid nito ang luha sa kanyang mukha, tinitigan nito ang dalagang kay tagal na niyang iniibig at ngayon ay nagtagumpay siyang maging sa kaniya ito.

"Okay... you'll take his place instead." Anito sa kaniya at tinulungan siyang makatayo.

TBC

Say You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon