Chapter Four

5.6K 161 3
                                    

TINULAK ni Natalia si Lowell palayo sa kanya. Tatawa-tawang nagbihis ang binata sa kanyang harap hindi alintana ang hubad nitong katawan.

"Bastos!" Mahina niyang usal. Isang matalim na tingin ang ibinigay niya rito ngunit walang epekto iyon sa binata sapagkat nginitian lamang siya nito ng ubod kay tamis.

"Honey... kung tatanungin ka nila kung anong relasyon mo sa akin, sabihin mong fiancee kita. Ok?" Ani Lowell sa kaniya, habang binoboton ang suot nitong polo.

"What?! Are you insane? Fiancee?! FIANCEE?!" Asik ni Natalia dito. Ano ba kasi ang pinagsasbi nito? Na babaliw na sigiro ang binata.

Hindi naman na tinag si Lowell at nilapitan pa ang dalaga.

"Yes honey... fiancee. Unli mo naman. Siyempre 'di ba para hindi sila magtaka." Cool pa rin nitong sabi at inayos ang kwelyo ng polo nito bago humarap sa malaking salamin ng silid.

"How dare you! Ang kapal ng mukha mo 'di ko pinangarap na maging fiancee mo!"

"Tsk...tsk...tsk... Ouch! Grabe ka naman! Sa guwapo ko ba naman ito ayaw mong maging fiancee ko? Yung ibang mga babae eh nagkakandarapa na maging girlfriend ko." palatak ng binata. "Kung ako sayo sumunod ka na lang ok? Pag-aari kita 'di ba?" Anito at dahan-dahan nilapit ang mukha sa dalaga. Humakbang naman paatras si Natalia, nangangamba siya sa maaring gawin sa kanya ni Lowell lalo pa't nasa loob siya ng silid nito.

"Don't you dare come near me! Or else-" ani Natalia ngunit natigilan siya sa pagsasalita nang pinatahimik siya nito gamit ang hintuturo.

"Or else what? Hmm... honey? Don't try me... you might not like what I will do." Malambing na wika nito sa kaniya, ngunit may himig na pagbabanta pero ang totoo tinatakot lang naman siya nito.

Nilapit pa ng husto ni Lowell ang kanyang mukha sa dalaga, at dahil sa takot ay mariing pinikit ni Natalia ang kanyang mga mata. Narinig niya itong muling nagsalita.

"Hmmm... I am very much tempted to do so, but not now honey. Don't worry I'll still let you taste my sweet lips." Narinig niyang anito sa kanya, nag-init ang kanyang tainga sa narinig, pati mukha niya ay namula. She opened her eyes and...

"Ang kapal ng mukha mo! Who told you na hinihintay ko ang nakakadiri mong halik?!" Angil niya. Nagpupyos ang kaniyang dibdib sa galit dahil sa panay nitong pang-aasar. Umalis siya sa kama at tumayo sa isang sulok. Gusto niya itong sugurin ng sampal at kalmot ang mayabang na binata.

Tinawanan lang siya ng  binata at pailing-iling ng ulo, umupo ito sa gilid ng kama at sinuot ang sapatos. Nanatiling nakatayo si Natalia habang pinagmamasdan ng tingin ang nag-aayos na binata.

Nang matapos si Lowell magbihis, lihim siyang napahanga sa kakisigan nito.  He simply looks handsome in his corporate attire, and for sure every girl would turn their heads as he walks down the halls.

"Hey, honey! Stop staring at me. I might melt you know..." Nang-aasar na wika nito sa dalaga while wiggling his brows and gave her a sweet smile.

"Whatever!" She rolled her eyes, "and please! stop calling me honey! Pwede?!" sabay irap dito. "Wala tayong relasyon!"

"Eh sa gusto ko ba! Sapilitan ba?" Tugon nito at hinawakan ang kaniyang kamay. "Halika na, let's have breakfast..." aya nito sa kanya.

"Hindi ako gutom..." Tanggi niya at binawi ang kamay. Pakiramdam niya kasi ay para siyang napapaso sa pagkahawak nito. Ngunit hindi paawat si Lowell kahit pa anong piglas niya ay hinila siya nito.

"Don't make it hard on me, Natalia. Ano, gusto mo kakargahin kita papuntang dining?" Anito sa kanya.

"Tsk! You're impossible!" She hissed.

Say You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon