Chapter Fourteen

4.4K 121 2
                                    

SAY YOU LOVE ME

Written by: Kimmy

-Chapter Fourteen-

CEBU PART 2

"Honey, why are you crying?" nag-aalalang tanong ni Lowell kay Natalia.

"Wala..." tipid niyang sagot habang pinapahid ang luha.

"Lika na at nang makapagpahinga tayo..." Ani Lowell at inakay si Natalia papasok sa hotel.(Torpe nakalimutan mong magtapat ano ba!!! Hahaha)

Gaya ng sinabi ni Lowell, hindi niya pinipilit ang dapat na mangyari sa mag-asawa, bagamat normal lamang iyon ay nirresespeto pa rin niya si Natalia dahil sa kaibutran ng kaniyang puso mahal na mahal niya ito.

(Sorry walang SPG! Hihihi)

---------

Hindi makatulog si Natalia kanina pa niya hinihintay na pumasok si Lowell sa loob ng kanilang kwarto. Kaya naisipan niyang bumangon at silipin ito baka nasa mini salas ng kanilang kwarto. Dahan-dahan niyang binukasan ang pintuan at hinanap ang asawa.

Nakita niya itong nakaupo ngunit natutulog na ata sa sofa habang nakabukas ang tv. Napangiti si Natalia at 'di namalayang hinahakabang ang mga paa papalapit sa asawa.

Malaya niyang pinagmasdan at pinag-aralan ang mukha nito. Malaki nga ang pinagbago nito, kung dati ay mukhang lampang nerd ito, ngayon nama'y habulin ng babae.

Tsk! Habulin ng babae! But it doesn't matter ngayon pa na kasal na sila.

Napangiti siya, mukhang wala namang sigurong babae naghahabol dito o busy lang ito sa kanya. Na alala niya ang nangyari nung gabing tinulugan siya ni Lowell.

Flash back...

"No it can't be him..." Bulong ni Natalia sa sarili.

Napaatras siya at 'di sinasadyang na bangga siya sa travelling bag na dala ni Lowell. Labag man sa kalooban niya na pakialaman ito ay dahan-dahan niyang binuksan iyon. She needs to find out things for herself, kaya naisipan niyang hanapin ang wallet nito. Nagbabasakali siyang may i.d. ito o ano.

She carefully opened it, trying not to make a sound habang pasulyap-sulyap sa natutulog na asawa. Medyo pinag-papawisan na siya sa kakahanap ngunit wala siyang matagpuan.

Gggrrrr! Ano ba ang ine-expect niya! It's their honeymoon at wala sila sa bahay.

Ibinalik niya sa dati ang lahat ng gamit ng asawa at napaupo. Muli ay tinitigan niya si Lowell hanggang sa napadako ang kanyang mga mata sa puting coat na gamit ng asawa kanina. Kinapa niya iyon ngunit bigo parin dahil wala siyang nakita.

"Saan ba wallet mo?! Kaiinis!" Naiinis niyang sabi ngunit pabulong lamang iyon.

Mahirap na baka magising ito.

Muli ay humiga siya sa tabi nito. Ang swerte nga naman nakita na niya ang wallet ngunit nakaipit ito sa likod ng binata.

"Naman oh!" Aniya sa sarili. Dahan-dahan niya iyon kinapa para makuha, ngunit sa kasamaang palad ay gumalaw si Lowell at napayakap sa kanya.

Aw...

Pakiramdam ni Natalia ay hindi siya makahinga. Muli ay sinubukan niyang alisin ang braso ng asawa na nakatanday sa kanya.

Ang bigat!

"Sa wakas!" Sigaw ng kanyang isip, nakuha narin niya ang wallet nito. Binuksan niya ito at binuklat. Mga i.d.'s ang laman, credit cards at cash. May picture din siya sa loob nito noong college pa siya. Hanggang sa binuksan niya ang secret pocket. Boom! Naroon nga ang isang 1x1 pic nito---ang binatilyong nerd.

Say You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon