Kabanata 1

20 1 0
                                    

Move

The sound of the electric fan is howling on the four corner of my room. Alas tres ng hapon at nakasalampak lang ako dito sa kama ko. Wala na naman akong kasama dito sa bahay dahil pumasok sa trabaho sila Mama at si Flaire ay alas cuatro pa pupunta dito. That's why I am all alone here. Wala akong magawa kaya nakadapa akong nagcecellphone na lang.

I was busy scrolling my news feed when I caught his picture, which indicates that he has a my day. I click it and saw how handsome he is. Ang cutie. I pouted and without thinking nag react ako sa my day niya.

Hala! Shiz! 'Di na 'to pwedeng bawiin. Ano na namang katangahan ito! I let out a shakey sighed. Halatang halata na ako. It's been two months since he accepted my friend request on Facebook and I couldn't contain my feelings but to grow. Sa nakalipas na isang buwan wala kaming ginawa ng pinsan ko kung hindi magpabalik balik doon. Nasanay na din akong kumain ng fishball, sino 'ba namang hindi kung inaaraw araw mo ang pagpunta doon. Nakakahiyang walang binibili pero laging naroon. Ano ako laging supporting character?

I don't regret doing those stupid stunts because I'm able to see him everyday. Sa tuwing nagkikita din kami doon ay palagi kaming nagkakatitigan. Nahuhuli pa nga kami ni Flaire. Sabi pa nga niya ay we are doing harmless flirting but nah. Ni hindi nga kami nagchachat at wala kaming komunikasyon. Ako lang naman ang may crush na crush sa kaniya.

Isang beses kasi ay nagkatabi na naman kami ni Bast dahil hinila ako ni Flaire kasi gabi na kami nakabili at ayaw niyang pumayag na doon ako pumuwesto sa may dilim. Kaya kahit siksikan ay sumama na ako, at sinuswerte ako ng araw na iyon. Dahil sa tabi na lang ni Bast ang may pwesto.

Ang lakas ng tibok ng puso ko noon. Kaya kagaya ng una ay napakapit ako don sa semento. Busy lang ako sa panunuod ng ginagawa ni Aling Rem, iyong may ari ng fishballan. Ng biglang may dumikit sa kamay 'ko. Napatingin ako doon at nakita kong magkadikit ang mga gilid ng kamay namin. Nanginginig na ang mga laman 'ko. Napatingin ako sa kaniya at nakatingin pala siya sa akin ngunit wala akong nakikitang emosyon sa mukha niya ng araw na iyon pero maaliwalas ang mukha niya. Naramdaman ko na nawala iyong kamay niyang nakadikit sa kamay 'ko.

"Ate Rem, ito po iyong bayad." Nagsalita siya sa gilid 'ko at inabot ang bayad gamit ang kamay niyang nakatukod. Pagkatapos non ay napanguso ako pero nawala din ito ng maramdaman ko ulit ang kamay niyang dumikit sa'kin. Humarap ako sa kanan upang doon ngumiti. Nabungaran ko pa si Flaire na may sinusupil na ngiti habang nakatingin sa mga kamay naming magkadikit. Palihim ko siyang siniko kasi baka punain niya pa at alisin ng isa.

Kaya habang hinihintay namin ang binili ni Flaire ay nakayuko lang ako at titingin sa paa o di kaya sa magkadikit naming kamay.

"Ito na, Ne." Narinig kong sabi ng tindera kaya napaayos ako ng tayo at nakitang inabot na ni Ate Rem iyong order ni Flaire. Napabuga ako ng mahina ng tinanguan na ako ng pinsan ko. Kahit labag sa loob ko ay dahan dahan kong inalis ang kamay kong nakapatong.

Pero bago ako makatalikod sa kaniya ay may narinig akong sinabi niya.

"Careful..."

I smile. I can't help it. Shit ano 'yon? Bago nagpatuloy sa pag-alis namin. Buong buo na ang gabi ko ng araw na iyon.

I heard a loud ring that stop me from reminiscing. Nakita kong nagaalarm ang cellphone ko. I grabbed it and stop the alarm. Then an idea struck to my mind.

Bazter Villanueva
active now

APRIL 6 AT 7:23 AM

You are now connected on messenger

3:25 pm

Once, my dreamWhere stories live. Discover now