Simula

32 1 0
                                    

Tirik na tirik ang araw. Napakainit ngunit ang payapa ng kapaligiran. Nakamasid lang ako sa paligid habang tahimik na nanunuod. I yawn. Nakakapagod din palang manuod. Pinunasan ko ang luha sa gilid ng aking mga mata gamit ang likod ng aking kanang kamay. Napangisi ako bago napagpasiyahan na ipatong na lang ang mga kamay ko sa railings para sa suporta bago nito saluhin ang mukha ko.

Ibinaling ko ang aking paningin sa kaliwa habang sapo sapo ng mga kamay ko ang mukha ko. Bumagsak ang mga mata ko sa dalawang lalaki na sa tingin ko at may-ari ng japan-japan na nasa tabi ng fishballan.

Sikat na naman ang ganitong bagay sa Pilipinas ngunit ito naman ibinibenta nila ay basura lang sa ibang bansa. I don't know why they are so eager to take those low quality things instead of dealing with our local products and make our country stable.

Naramdaman ko and marahas na pagtapik sa likod ko that's why my thoughts vanished like a bubble. Dahil din doon ay nawalan ng balanse ang kamay ko dahilan para mahulog ang mukha ko mula sa pagkakasalo ng mga kamay ko.

Saglit akong natulala saka matalim na binalingan ang taong may gawa nito. I glared at my cousin that is also my best buddy.

"Ano ba Flaire!" bumuga ako at tuluyan ng umayos ng tayo. Humalukipkip ako at hinarap ng maayos ang pinsan ko. Ang tagal naman ng binibili nito.

"H'wag mong isipin iyon, mahal ka non." What? What is she talking about? Humagalpak ng tawa ang baliw ko na atang pinsan. Animo kinikiliti ito ng hangin. Umirap ako ng tumigil ito sa pagtawa at ngumisi ng mapang-asar. Baliw na talaga ito.

I sighed. Ang tagal. Kulang na lang ay ihataw ko ang mga paa ko sa kinatatayuan ko para ipakitang inip na inip na ako. Binalingan ko ng tingin si Flaire. Alam nitong mainipin ako. Nakangisi ito kaya hindi ako nagdalawang isip na batukan ito. Gaganti pa sana ito ng pandilatan ko ng mata.

I was the one who grinned when she cross her arms and rolled her eyes. I yawned again bago dumapo ang tingin ko sa binibilhan ng fishball ni Flaire.

Hindi ito kagaya ng ibang bilihan ng fish ball na nasa kariton. Inuupahan ata nila iyong pwesto nila na dating tindahan.

"Sinong bumili ng ten na fishball!" Sigaw ng matandang babe na may-ari ng fishballan. Biglang tumakbo si Flaire papunta sa tindahan. Sinundan ko ng tingin ang pinsan ko gamit ang ekspresyon na hindi makapaniwala. Kung makatakbo ito kala mo napakalayo ng pupuntahan ngunit sampung hakbang lang naman mula sa pwesto namin.

I shook my head in disbelief. Nasa tapat lang namin ang tindahan at madaming tao ang nakapaligid para doon maghintay ng binili nila. I cringe my nose. Ayaw ko pa naman ng siksikan dahil mabilis akong pawisan. Kaya sumama dito sa pwesto ko si Flaire kasi alam niyang lalayasan ko siya kung makikipagsiksikan siya don.

Pinagmamasdan ko siyang nakikipagsiksikan doon dahil hindi pala sa kaniya iyong isinigaw ng tindera.

Unti unti ng nauubos ang mga bumibili hanggang sa naging dalawa nalang silang nandon. I looked up bago bumagsak ang paningin ko sa kaliwa ko ng may nakita akong naglalakad. Pinaliit ko ang mata ko upang mapagmasdang mabuti.

Nanlaki ang mga mata ko ng hindi ko malamang dahilan. Agad kong pinaliit 'to at maayos na tiningnan ang lalaki. He's wearing a green shirt and a black jersey short. Habang naglalakad siya ay tinatamaan siya ng liwanag mula sa sikat ng araw kaya para siyang kumikinang. Ang mga kilay niyang makapal na kahit sa distansiya namin ay makikita ko. Ew. Ano 'ba itong pinagsasabi ko. Masyado ko siyang pinupuna.

Ng malapit na siya sa fishballan ay bigla siyang napatingin sa akin. Napakurap kurap ako ng magkatitigan kami. Ilang saglit pa bago niya inalis ang tingin sa akin at dumiretso sa fishballan. Malakas na kumabog ang dibdib ko ng maputol ang titigan namin. Para itong tinatambol. I inhale and exhale. Salamat at kumalma na rin kahit papaano.

Once, my dreamWhere stories live. Discover now