Limit 5

2 0 0
                                    

Limit
Written by: simplyB_94


Author’s Note: Plagiarism is a crime babies


Started: February 24, 2019----


Chapter 5
Genesis Amalthea Manlapat


Matapos akong maihatid ni Sed ay agad naman akong kinompronta ng kapatid dahil nakita niya raw akong sumakay sa motor at inihatid pa dito sa bahay.

“Aba, sino yun ate?” Tinitigan niya pa ako ng masama. “Boyfriend mo ba yun?”

“Sino naman?”

“Yung lalaki na naghatid sayo kanina. Akala mo hindi kita nakita, ha.” Nginitian ko tuloy siya ng nakakaloko. Naks! Concern yung kapatid ko. Hahaha! “O? Anong tinatawa mo dyan? Tinatanong kita.” Seryoso talaga siya.

“He’s just my friend.”
Ngayon naman ay nakita ko ang panlulumo sa mukha niya. Bakit bigla yatang nagbago ang ihip ng hangin?

“Ay, akala ko naman nobyo mo na. Ang astig kaya ng motorsiklo niya.”

“What? Hindi ka concern sa akin?” kunwareng gulat na sabi ko sa kanya at nagpanggap na nasasaktan. “Bakit ka ganyan, brother?”

“Tsk! Ewan ko sayo. I wasn’t concern about you I just want to confirm if he’s your boyfriend para mahiram ko yung motor niya.”

“Duh? As if naman na papayagan ka ni Papa na magmaneho, kiddo!” Asar ko naman sa kanya na noon ay nagdilim bigla ang mukha. Hahaha!

“Whatever!” sabi pa niya bago ako tinalikuran kaya natawana lamang ako. Pikon!

Pumanhik na muna ako sa kwarto ko para makapag-bihis at mag-aral ng mga lessons namin. Nakagawian ko na kasi na kapag uuwi ako galing sa school ay irereview ko yung mga lessons na naiklase namin o di kaya ay nag-a-advance study ako. Noong bumaba na ako para kumain ay naroon na si Gelou at si Papa.

“Kain na, nak.” Pagaaya ni Papa.
“Opo, pa.” naupo na ako sa kaharap na silya ni Gelou na noon ay inirapan pa ako. Kalalaking tao!

“Kamusta ang pag-aaral ninyo? Thea? Gelou?” Ito ang isa sa gustong-gusto ko kay Papa. He never forget to check on us.

“Ayos naman, pa. We have lots of performance sa mga major subjects namin.” I shared.

“Okay rin yung sa akin, pa.”

“That’s good to hear. Don't ever forget what I am always saying..”

“Edukasyon lang ang mapapamana namin sa inyo.” Sabay naming wika na tatlo dahilan para mupuno ng tawanan ang hapag. Iyan kasi palagi ang bilin sa amin ni Papa, which is true naman.

“Very good. Sige na, tapusin niyo na ang pagkain at magpahinga na kayo. You should be early tomorrow kasi may klase pa kayo.” Bilin niya pa sa amin noong matapos na siyang kumain.

“Yes, pa.” sabay na sagot naman naming dalawa ni Gelou na noon ay agad akong sinamaan ng tingin.
Mas masahol pa sa babaeng may dalaw 'tong kapatid ko.

Ako na ang nagpresinta na maghuhugas ng mga plato. Tatlo lang naman kami dito sa bahay at once in a blue moon lang naman kung magliligpit at maghuhugas ng mga pinagkainan ang pinakamamahal kong kapatid. After that ay nagpasya na akong pumasok ng kwarto at saka nahiga sa kama.

“Sino kaya yung babaeng kasama ni Brant kanina?” tanong ko kahit na alam ko namang walang makakasagot sa akin. Hindi ba talaga niya ako nakita kanina? May girlfriend na ba siya?

Kahit na puno ng tanong ang isip ko tungkol kay Brant at sa babae na kasama niya ay naging mahimbing pa rin ang tulog ko.



“Good morning class! I have here your activity na ibinilin ko kay Mr. Franco and I am impressed dahil halos lahat sa inyo ay tama ang mga naisagot and for those na mababa lang ang nakuha, I hope you guys study well para naman hindi kayo napag-iiwanan. Am I clear?” panimula ni Sir Alexander dahil siya ang first subject namin ngayon.

“Yes, sir.” Sabay na sagot naming magkakalase.

“Miss Arceo, give it back to the owner.” He handed her the activity book at saka ibinalik sa mga may-ari. “Now, we are going to identify the different ways in doing a research….” And so on.

Natapos ang dalawang oras na klase namin kay Sir Alexander at halos lahat ay nag-rereklamo na sumakit daw ang ulo nila dahil sa research na mag-iisip pa lamang kami ng magiging research tittle. Parang hindi lang naman utak ang mauubos sa amin pati na rin yung bulsa namin ay mabubutas.

“Uy, tara sa canteen.” Tiningnan ko pa muna ng maigi si Tania kung galit pa ba siya sa akin o hindi.

“Hindi ka na galit sa akin?”

“Kakausapin ba kita kung bwisit pa ako sayo?” sabi niya na pabiro pang umirap sa akin kaya natawa naman ako.

“Salamat naman at hindi ka na galit sa akin. Tara.”

Naglakad na kami papuntang canteen at sa hindi nga naman inaasahang pagkakataon ay nakita ko na naman si Brant at yung babaeng kasama niya kahapon. Hindi ko alam kung nakita ba sila ni Tania o hindi but I think hindi dahil kung nakita man niya iyon ay kanina pa siya nagtatatalak. Noong makahanap na kami ng pwesto ay naupo na kami yung spot na napili namin ay iyong makikita yung nasa labas.

“Brant and Ellise.” Wika ni Tania na nakatingin sa kung nasaan sina Brant at yung babae kaya naman napatingin ako sa kanya. “I’ve heard from our schoolmate kanina na he's dating her. I am not hurting your feelings but I am just being honest with you.”

“It make sense now.” Mapait akong ngumiti dahil sa sinabi ni Tania.

“What do you mean?”

“Nakita ko sila kahapon. Actually magkatabi lang kami noong si Ellise habang naghihintay akong may masakyan pauwi but he stopped his car in front of us.” Tumawa pa muna ako, “The funny part is I assumed na ako ang reason kung bakit niya itinigil ang kotse niya pero nagulat na lamang ako noong tawagin siya ni Ellise at hindi niya ako nakita at saka ito sumakay sa kotse niya.” Natatawa ngunit nasasaktang kwento ko hanggang sa hindi ko na nga napigilan ang mga luha kong kanina’y nagbabadyang pumatak.

“Ano? Susugurin ko na ba?” hindi ko alam kung nagbibiro ba siya para kahit papaano ay maging ayos ako o seryoso siya na susugurin niya talaga si Brant.

“Normal lang 'to kapag may nagugustuhan ka as possible.” Sabi ko na ikinakunot niya ng noo.

“Gusto talaga, ha? Kung ako sayo ay kakalimutan ko na yung feelings mo para sa kanya dahil hindi naman niya deserve yang feelings mo. He's a just a jerk!”

Hindi na ako sumagot pa dahil baka dumating naman sa point na mag-away na naman kaming dalawa at ayaw ko namang mangyari ulit yung nagalit siya sa akin.

“O, itong tissue. Pahiran mo na yang luha mo bago ako ma-bwisit sayo. Iniyakan ang taong wala namang kwenta! Hay naku!” sabi niya at niyakap ako kaya mas lalo lang akong naiyak. “Tahan na nga. Para kang tanga.”

“Dapat i-comfort mo ako.” Natatawa pero naluluhang sabi ko noong lumayo na ako sa pagkakayakap niya.

“I-comfort? Sus! Eh, anong tawag doon sa ginawa kong pagyakap sayo?”

“Thank you talaga, Tan.” Sabi ko na niyakap ulit siya pero sandaali ko lang iyong ginawa dahil nakakahiya na palang pinagtitinginan kami ng mga tao dito sa canteen. Nagkalat pa naman ang mga chismoso dito sa campus namin.

Alam ko na napakalaki kong TANGA dahil kahit na alam ko namang umaasa lang ako sa wala ay hindi nabawasan kahit katiting man lang ang nararamdaman ko para sa kanya pero ganoon talaga yata lalo na kapag hindi mo na lang siya gusto kung 'di mahal mo na siya. Oo, mahal ko na yata si Brant. Hindi ko na sinabi kay Tania yung tungkol sa nararamdaman ko kay Brant dahil alam ko naman magsisimula lang ako ng away sa pagitan naming dalawa.

I tried my very best na pigilan ang sarili ko na mas lalong mahulog kay Brant pero bigo ako dahil sa mga pagsama niya sa amin nitong nakaraan. Sa mga pag-uusap namin ay parang mas lalo lamang niya ako nahila para humigit pa sa pagkagusto ko sa kanya ang nararamdaman ko.

“Sana kasi talaga si Kuya Sed na lang yung gusto mo, eh.”

Naisip ko na rin yan na sana si Sed na lang pero di naman natin madidiktahan yung puso natin para magmahal. Kung pwede lang gamitan ng Objectives itong puso ko ay matagal ko ng ginawa para naman magkaroon ng magandang outcome at the end of the day.

“At sana rin ay matauhan ka na. Brant is one of those 'paasa' guys kaya please keep that in mind.”
Gusto man ng utak ko ay sinasalungat naman iyon ng puso ko na hulog na hulog na sa taong tinatawag niyang paasa. Life's unfair! Destiny’s unfair! Bakit nga ba mayroong mga nasasaktan kung pwede naman na maging masaya ang lahat? Bakit may mga gusto tayo na hindi natin makuha kahit pa anong gawin natin? Bakit nga ba hindi na lang natin gustuhin ang mga taong may gusto rin sa atin? There are lots of questions but most of those questions are unanswerable.

Ang daming advices na sinabi ni Tania pero kahit isa ay parang wala akong narinig. Tanging sakit lamang ang nararamdaman ko. May karapatan pa rin naman siguro akong masaktan kahit na wala at never namang nagkaroon ng pagitan sa aming dalawa ni Brant. Masakit lang isipin na the other day it felt like he likes me too because of his gestures then the other day around ay malalaman mo na lang na may girlfriend na pala siya.













LimitsOn viuen les histories. Descobreix ara