Limit 4

0 0 0
                                    

Limit
Written by: simplyB_94

Author’s Note: Plagiarism is a crime babies.

Chapter 4


Genesis Amalthea Manlapat


“Nandito naman kasi ako pero sa iba ka pa rin tumitingin.”

Agad kong pinunas ang luha kong tumakas sa aking mga mata at saka nilingon yung tumabi sa aking lalaki na noon ay tutok na tutok ang titig sa akin. Kitang-kita sa mga mata niya ang lungkot.

“Kuya Sed.”

“Sed na lang.” Ngumiti pa siya matapos iyong sabihin. “Wala ka bang sundo?”

“Wala, eh. Hindi naman available si Papa.”

“Kung ganoon, let me take you home.” Gulat naman akong napatingin sa kanya dahilan para matawa siya ng mahina lang. “Why? I insist. Kaysa namang maabutan ka ng gabi sa kahihintay ng masasakyan dito.”

Napaisip naman ako, kung sa bagay ay tama siya. At isa pa ay delikado na sa panahon ngayon.

“S-sige Kuya.. Sed pala.” Muli itong natawa.

Hindi lang naman kasi ako sanay na Sed lang ang tawag ko sa kanya. Halos lahat naman kasi ng ka-batchmates ko ay 'Kuya Sed' ang tawag sa kanya.
“Good. Tara na.” sabi niya na lumapit sa motorsiklo na nasa harap lang rin namin.


Magmo-motorsiklo kami?


“Bakit? You haven't ride motorcycles?” takang tanong niya dahil hindi pa ako gumagalaw sa kinatatayuan ko. “Let’s go. Promise, hindi ko bibilisan.”

“S-sige na nga. Promise mo yan, ha.” Pangungompirma ko pa.


“Promise.” Lumapit siya sa akin at saka isinuot sa akin yung spare niyang helmet. Hindi naman sa maalam ako sa mga motor pero itong kanya is Honda's big bike, the CBR500R.


Nagdadalawang-isip pa ako habang umaangkas sa motor niya pero nahiya naman ako dahil sa nakalingon pa rin siya sa akin. Siguro kung isa ako sa mga babaeng nagkakagusto sa kanya ay malamang na maglulupasay na ako sa kilig. Aminin ko man kasi o sa hindi ay gwapo talaga si Kuya Sed, este Sed pala. Dream guy nga ika nila.


“Are you ready?” tanong niya na noon ay pinaandar na ang makina ng motorsiklo niya.


“Oo, tara na… Wahhhhhh!!” napasigaw ako at biglang napakapit sa bewang niya dahil sa pinaharurot niya yung motor niya. Humagalpak naman siya sa pagtawa.


“Kuya! Mahal ko pa yung buhay ko ! Oh my gosh!” binagalan naman niya yung takbo dahil sa pinalo ko na talaga yung likod niya. Muntikan na ako dun kanina, ah. Muntikan na akong atakehin sa puso. Tawa lang siya ng tawa kaya pati ako ay natawa na lang rin dahil naalala ko yung reaksyon ko kanina.


“Edi napatawa na rin kita. Para ka kasing nalugi at batang naagawan ng kendi kanina, eh.”


“Natawa nga pero parang parang mamatay naman ako dun kanina!” malakas yung boses naming dalawa habang nag-uusap dahil hindi kami magkarinigan dulot ng hangin.


“I’m sorry.” Tumawa pa siya “Promise na talaga, I won't do that again next time.”


“Hala siya! May next time pa po pala.” Biro ko sa kakanya.

LimitsWhere stories live. Discover now