Limit 1

3 0 0
                                    

Limit
Written by: simplyB_94

Author's Note: Plagiarism is a crime.

Started: February 24, 2019—

Chapter 1

Genesis Amalthea Manlapat


“Lapit ng lapit
Ako'y lalapit
Layo ng layo
Ba't ka lumalayo
Labo ng labo,ika'y malabo
Malabo, tayo'y malabo”

Kumakantang asar sa akin ng kaibigan ko habang nakatingin kami sa lalakeng bumihag sa puso kong napakarupok.

“Tigilan mo nga ako sa kakaganyan mo.” Saway ko sa kanya na noon ay ipinagpatuloy pa talaga yung lyrics ng kanta.

“Oh? Bakit? Tinamaàn ka ba, te?” asar ulit niya habang nakanguso kay Brant. “Ayan kasi nadadala ka sa sweet gestures niyang hinayupak na yan.” Inis na sabi niya pa na parang may lalabas na kuryenteng tatama kay Brant.

“Grabe ka naman sa kanya. Eh, mabait lang talaga siya. That’s why I fall for him.”

Batok na naman ang inabot ko mula kay Tania dahil sa sagot ko. Lagi na lang 'to.

“’Eh, mabait lang talaga siya. That's why I fall for him.’” Panggagaya pa niya sa sinabi ko at umaktong nasusuka. “ Come on! Ipagtatanggol mo pa talaga yan. Mukha nga ginagamit niya lang yang KABAITAN kuno sa pangongolekta ng babae, eh.”

“Bakit ba galit na galit ka kay Brant? Don't tell me nagka-gusto ka rin sa kanya.” Balik na asar ko sa kanya pero ang gaga ay bigla na lang nagkunwareng naiiyak.

“Yun lang. Kahit hindi ko naman kasi sabihin, te . Ang gwapo niya talaga at ang BAIT pa.” sabi pa niya at nagpunas luha pa. “Pero ngayon hindi na! Alam ko na yung modus niya.”

“Tss. Ewan ko sayo basta ako gustong gusto ko talaga siya.” Babatukan na naman niya sana ako pero agad ko siyang pinigilan.

“Ops! Gagantihan na talaga kita isang batok mo pa.” amba ko sa kanya. Pero sumimangot lang siya.

“Nagpapakatanga ka na naman kasi dyan sa lalakeng yan.”

“You'll never know coz you’re not on my shoes.” ma-emosyong sabi ko pa sa kanya dahilan para mapangiwi siya.

“’Wag mo nga akong ma-english english dyan! Kung ako ikaw, hindi na ako aasa dyan sa lalakeng yan. Andyan naman si Kuya Sed. Gwapo naman yun at like na like ka. Tanga ka lang talaga dahil hindi mo siya bet.

Kuya Sed is one year ahead sa amin. He's now a graduating student, he is also considered as one of the students in our school na competent because of his achievements not only in the field of sports but also in academics.

"Hindi natuturuan ang puso, my friend." Madamdaming usal ko  na noon ay nakahawak pa sa dibdib ko.

"Eh, paano mo nga naman kasi makikita yung iba na nagkakandarapa sayo gayong si Brant lang yung tinitingnan mo." Umirap pa siya sa akin. "Basta ako kay Kuya Sed ako. He's a full package kaya."

Kuya Sed admitted his feelings towards  me pero kahit anong spark ay wala talaga akong naramdaman, maybe a little pero hindi talaga. Siguro nga tama si Tania.

Anong magagawa ko, diba? Sa tuwing nandito kami sa school ay siya lang yung hinahanap ng mga mata at puso ko.

"Tss. Papalapit na ang hayop." Bulong ni Tania dahilan para mapatingin ako sa tinitingnan niya.

Si Brant.

He's walking towards us. Gosh! Yung puso ko pakipigilan, please! Oh my gosh!

As soon as he reached our  table he smiled at us. Sarap lang bunutin ng mga ngipin ng bebe ko.

"'Wag mo akong ngingitian ng ganyan, please."

Naramdaman ko na siniko ako ni Tania. Nakita ko rin natawa si Brant.

"Bakit naman ayaw mong ngitian kita?" He asked. Ano ba! Kinikilig ako dahil sa malalim niyang boses.

"Huh?" Nagtatakang tanong ko.

"Sabi mo kasi 'Wag mo akong ngingitian ng ganyan, please'" he quoted rason para pamulahan ako ng mukha.

Tumingin rin ako kay Tania at ayun inirapan na naman ako at halata ang pagkainis sa mukha.

"Ha? Ah, w-wala iyon don't mind me." Pinipigilan ang hiyang sabi ko. "D-do you need anything, Brant?"

"Wala naman. Bakit hindi ba pwedeng maki-join sa inyo?" Nakangiti niya pa rin na sabi. Model ba siya ng toothpaste?

“Ah. He-he-he.” I laughed awkwardly. Ito na naman siya at binabagyo ang puso ko.

“May naloko ulit.” Bulong pero alam kong pinaparinig iyon sa akin at kay Brant ni Tania.

“Ano ulit iyon?” tanong ni Brant sa kanya pero ang gaga ay ngumiti lang ng pagkalapad pero halatang plastic o baka ako lang ang nakakahalata.

“Sabi ko ang daming manloloko.” She said saka tumayo at kinuha iyong gamit niya “I have to go. Maiwan ko na muna kayo.” Padabog pa itong tumalikod sa amin.

“Anong nangyari dun?” he said wondering dahil sa inasal ni Tania, sinundan pa niya ito ng tingin bago ibinalik ang atensyon sa akin.

“Naku, pagpasensyahan mo na yung kaibigan ko. May topak rin kasi yun minsan.” Nahihiyang paghingi ko ng paumanhin.

“It’s okay.” He smiled at me again. “Nga pala, can I join you later for lunch?”

“Ha? B-bakit?” tanong ko pa pero agad ko namang narealize na parang ang bastos ko naman dun. “I mean, diba palagi mong kasama yung friends mo.”

“I just want to be close with someone.” Diretso sa mata kong sabi niya.

Oh my god! I feel like a thousand volts traveled into my body. Ayaw kong mag-assume pero hindi ko maiwasan. Ako ba yung sinasabi niya?

“Ah, ganun? S-sige.” Nauutal kong sabi.

Tumayo na siya sa inuupuan niya.

“Thank you. Sige, I'll see you later. I gotta go.” nag-wave pa muna siya bago umalis. Kulang na lang ay ang magsisigaw ako dahil sa pinaghalong kilig at kaba na nararamdaman ko ngayon.

“Oh, ano? Tapos na yung pang-uuto niya sayo?” biglaang may nagsalita sa likuran ko.

“Akala ko ba umalis ka?” natatawang tanong ko sa kanya.

“Binantayan kita. Binantayan ko kung anong pang-uuto niya at kagagahan mo ang mangyayari.” Umirap pa ito. Ang sarap lang tusukin ng eyeballs, eh.

“Harsh na yan, ah. Pero he told me na sasabay daw siya sa ating mag-lunch.”

“And pumayag ka naman? You know that I hate that jerk.” Ismid nito na halatang halata ang pagka-disgusto.

“Sige na, please.” Ipinaglapat ko pa ang dalawa kong palad. “Please?”
I heard her sigh which means that she agree. Ito yung talagang gusto ko dito sa kaibigan ko, yung hindi niya ako matiis mukhang siya pa nga iyong nanay ko.

“Okay, okay. Just this once na makikisabay ako dun sa lalakeng iyon. No more next time, Genesis Amalthea Manlapat.” See? Para siya ang nanay ko.

“Opo, mommy.” Natatawa ko pang sabi dahilan para kotongan niya ako at maging siya ay natawa na rin.

I just love having her beside me kasi kahit wala na si Mommy ay para akong nagkaroon ng nanay. Diba? 2-in-1, I have my bestfriend and mother.

LimitsWhere stories live. Discover now