Ang Unang Dalaw ni Lottie

156 9 5
                                    

Maputi, matangkad, sexy, at pilyang bata, yan si Lottie. Isang Phil-Am na lumaki sa Pinas. Sa school, pinagkakaguluhan siya ng mga lalaki. Bukod sa pang Ms. Philippines ang beauty, mabait ito at pinakamatalino sa klase.

Sophomore pa lang siya pero nagmumukha na siyang senior sa hitsura niya. Bukod sa parang dalaga na kung magsuot ng freestyle at kung gumalaw ay poise na poise na parang isang prinsesa sa palasyo, lagi siyang nominado sa mga napipiling panlaban ng klase sa beauty contest. Lagi nga lang tutol ang mga teachers dito dahil magiging siya na ang laging panalo.

Sabado ng umaga, napag-utusan si Lottie ng kanyang ina para bumili ng suka sa may tindahan hindi kalayuan sa bahay nila. Naka-white short at loose black shirt ito na nagpalantad sa makinis niyang legs.

Bagot na bagot man sa araw na yun ay napilitan siyang lumabas ng bahay at sundin ang utos ng ina. Kinuha ang pera sa may mesa at parang zombie na naglakad patungong tindahan. Hindi pa man ito nakakalapit sa mga lasinggero sa kanto na katabi ng tindahan kung saan siya bibili ng suka ay nagsitsitan na ito sa mala prinsesang dalaga na palapit sa kanila.

"Hui! Mga batugang lasenggo na walang magawa kundi mag-inuman buong araw, wag nga kayong naninitsit ng tao na parang isang aso. Mga walang modo talaga ang mga ito." pagtatanggol ni Aling Nena sa kanya.

"Tiya Nena, naiinggit ka lang at wala kang ganyang katawan hahaha" nagtawanan pa ang mga lasenggo.

"Hui! mga walang magawa sa buhay, huwag niyo ngang niloloko si Aling Nena. Umagang umaga mga nagsisipag-inuman kayo. Batugan kayo..." galit niyang sabi sa mga lasenggo sa kalye.

"Ang sungit mo naman miss hahaha" untag pa ng isang lasenggo.

"Ai naku iha, huwag mo na silang pansinin. Anong bibilhin mo?"

"Isang bote ng suka po at pabili na din ng dalawang Otap kung meron kayo."

"Sandali lang ha." naghintay muna siya sandali habang nakikipanuod sa TV ni Aling Nena.

"Ito na..." inabot nito ang bayad at hinintay muna sandali ang sukli nito.

"Salamat po Aling Nena." Saktong pabalik na sana siya ng bahay nila ng biglang umihip ang malakas na hangin. Naitaas ng bahagya ang suot nitong loose shirt at lumantad ang kabuuan ng suot niyang white short. Hindi na niya ito inintindi at naglakad na lang siya pabalik ng bahay pero bago pa man simulan ang paglalakad...

"Iha! May dalaw ka ba ngayon? Nakabandera ang bandila ng Japan sa puti mong short."

"Ho?" taka niyang tanong kay Aling Nena. Tawanan naman ang mga lasenggo sa kalye. Nagtataka man pero patakbo na siyang bumalik ng bahay at mabilis na tumalikod sa salamin para alamin kung anong sinasabi ni Aling Nena na nakabanderang flag ng Japan sa puti nitong short. Napasigaw na lang siya sa nakita...

"KYYYYAAAAHHHH!! MAMA NAGDUDUGO AKO... MAAAAHHH" para siyang bata na nagsisigaw sa harap ng salamin at patalon talon pa ito.

"ANAK, AANONG NAGYARI SAYO? ANONG NAGDUDUGO? NASAKSAK KA BA? ANAK ANONG NANYARI SAYO? HUI..." sunod na sunod na tanong ng kanyang ina sa kanya.

"MAMA, nagdudugo? nasaksak, agad-agad? MAMA naman eh..."

"ANO BANG NANGYARI SAYO AT NAGSISIGAW KA DIYAN." galit ng sabi ng kanyang ina. Nagagalit ito pag pinilosopo siya.

"MAMA, may dugo sa pwetan ko. SEE." at tumalikod siya sa salamin para ipakita sa ina.

Malakas na pagtawa ang tugon ng ina dito at sinapo pa talaga ang tiyan nito. Ibig sabihin masakit na ang tiyan nito sa sobrang tawa niya.

"MAMA!" walang kamuwang muwang ang batang si Lottie kung ano man ang nangyayari sa kanya. Tinatawanan lang siya ng kanyang ina.

"ANAK, natural lang yan sa mga babae. Dalaga na ang anak ko." pumasok ito sa kwarto at kinuha ang isang sanitary napkin at dinimonstra dito kung paano ito gamitin.

"Dalaga? Agad-agad?" pagrereklamo nito sa ina.

"Buwan buwan yan darating anak, kaya wag na wag kang mawawalan ng stock ng sanitary napkin sa iyong cabinet, maliwanag." paliwanag ng ina dito.

"MAMA, buwan buwan as in monthly? ANUBEYENNN..."

"ANG UNANG DALAW NI LOTTIE" biro pa ng kanyang ina habang pinagsasaluhan nila ang binili nitong Otap sa tindahan ni Aling Nena.

Kathang IsipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon