The Gift

269 11 7
                                    

"...when I see your smile, tears run down my face, I can't replace..."

"Magandang umaga mahal ko, mahal na mahal na mahal na mahal kita," unang bati niya sa akin ngayong araw na ito. Ginising niya ako ng halik sa ilong at ginantihan ko naman siya ng halik sa noo.

"Araw ka ba?" tanong ko sa kanya habang nakangiting tinititigan siya.

"Bakit?" balik niyang tanong sa akin.

"Kasi ginising mo nanaman ako ng mainit na dampi ng labi mo sa ilong ko sana bukas mapunta na yun sa mga labi ko." ganyan lagi kong bati sa kanya tuwing umaga. Hindi ako nagsasawang sinasabihan siya ng ganun dahil siya lang ang nag-iisang babae sa buhay ko, ang nag-iisang mahal ko.

"Ayokong ibigay yun, gusto ko matutunghayan ng lahat ang unang halik ko sa mga labi mo." yun naman ang nagustuhan ko sa kaniya ang pagiging conservative niya. Sa maniwala kayo't sa hindi, hindi ko pa siya nahahalikan sa labi sa dalawang taon na naming pagsasama.

"I love you..." galing mula sa puso ko at hindi ko namalayang nautal ito ng mga labi ko.

"I love you too, forever and always..."

Bumangon ako sa pagkakahiga at dali daling lumabas ng kuwarto. Bago pa man ako makalabas, nginitihan ko muna siya at sinabihang bumaba na bago pa man lumamig ang iluluto kong almusal para sa kanya.

Ako ang laging naghahanda ng agahan naming dalawa. Dahil pareho kaming may trabaho, lagi kaming umaalis ng bahay at tuwing weekends lang kami nagkakaroon ng time para sa isa't isa. Hindi kami pareho ng opisina, nasa bangko siya at ako naman nasa isang kompanya.

Nakabihis na siya ng bumaba. Sakto namang tapos na ako sa pagluluto. Siya ang unang pumapasok sa trabaho. Tanghali pa kasi ang pasok ko. Sabay kaming kumain at pagkatapos nun, hinatid ko na siya sa kotse niya at nagpaalam. Umalis na siya pagkaraang businahan ako pagkalabas ng gate ng bahay.

2 years na kaming nagsasama pero hindi ko parin magawang maging open sa kanya. Mahal na mahal ko siya pero ayokong ako ang maging dahilan ng pagiging malungkot niya.

May sakit ako. Thrice a week, kelangan kong masalinan ng dugo dahil ang puso ko hirapan sa pagsupply ng dugo sa buo kong katawan. Sabi ng doctor ang tanging magagawa ko na lang ay ang mag pa heart-bypass operation dahil kung hindi ko daw ito gagawin sa lalong madaling panahon baka ito pa ang ikamatay ko.

Hindi ko kaya ang ganung klaseng operasyon kahit may nakalaan ng pera para sa akin para dun. Hindi ako handa lalo na't maselang operasyon ang pag papaheart-bypass. Nung una ayus lang sakin ang ganitong routine, ang pupunta sa hospital para magpasalin ng dugo pero sinabihan na ako ng doctor na lumalala na daw ang sakit ko, maski ako ay dama ko yun dahil lagi akong nahihilo sa opisina at basta basta na lang mawawalan ng malay.

Hindi ko kayang sabihin ito sa kanya dahil baka mag-alala siya sakin. Ayoko siyang nakikitang nag-aalala at nalulungkot. Masaya ako kung nakikita ko siyang masaya pero kelangan ko ng magdesisyon.

Kathang IsipWhere stories live. Discover now