Miss Author (status:online)

478 16 31
                                    

"Sabihin na nilang napakaweirdo ko at sobrang misteryoso pero hindi nila alam ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito..."


Tahimik lang ako, simple at masayahing tao. Maraming kaibigan pero iilan lang sa kanila ang sadyang nagpakatotoo. Eh! sa hindi din naman ako ganun ka sociable eh, wala na akong magagawa dun lalo na't sila, mga matataas na tao pero ako sabihin na nating sapat lang. Hindi din naman ako ganun ka expose sa harap ng marami, I mean kung anong kaya kung gawin, sige gagawin ko. Kung may oppurtunity para ipakita ang talent ko, Go lang ng Go, malay mo makilala ka naman kahit papaano.

Pero sadyang pinagkakaitan talaga ako dahil kung mabibigyan man ng oppurtunity at naiuwi nga ang tropeo, panandalian lamang yun sa mga mata ng madla dahil pag nagtagal,  parang walang nangyari.

Bakit nga ba?? Palagi na lang ito ang tanong ko! Minsan nga nagsasawa na lang ako pero ganun talaga ang buhay, siguro nga dapat na lang masanay. Sa totoo lang, sanay na din naman ako minsan nga lang nasasaktan pa din ako. Hindi naman ako manhid para hindi maramdaman yun.

Taon-taon ganun na lang ang nangyayari, aangat ka, bababa. Makikilala ka sandali tapos wala na. Darating sila pag alam nilang kailangan ka nila at kapag tapos na ang kontrata mo sa kanila, mawawala sila na parang bula. Minsan pa nga kapag may nagawa kang mali o kahit kawirduhan man lang, magiging mainit ka na sa mata nila.

Lagi ko na ngang sinisisi ang sarili ko sa mga nangyayari sa akin ngayon pero mukhang ito talaga ako, mukhang wala na akong magagawa. Minsan tinatanong ko na lang ang sarili ko! Ano nanaman ba ang nagawa mo at mag-isa ka nanaman?? Saan ka nanaman ba nagkamali at ganun nanaman ang turing nila sayo?? Bakit ba kasi ang tanga tanga mo, magbago ka na nga.

Pero wala padin. Kahit baguhin mo man ang pananamit mo, ang hairstlye mo, ang lifestyle mo, wala talaga. Para sa kanila, second hand ka lang na gamit, pinagpapasa pasahan hanggang sa tuluyan ka nang masira.

Buhay nga naman, parang life.

Buti na lang kahit papano may mga nagiging kakampi pa ako.

SINO?? - wala

maigi pang ang tanong niyo...

ANO??

Eh ano pa nga ba kundi ang G Tec kung ballpen at Sterling Notes kung notebook. Meron pa, ang PC ko na may Broadband Connection.

Buti pa nga ang mga yan eh, hinding hindi ka nila iiwan. Malamang mauubusan ng tinta ang G Tec kung ballpen at mauubusan ng pages ang Sterling Notes kong notebook pero makikita mo sila kahit saan. Malamang masisira ang PC ko na may Broadband Connection pero pwede mo naman itong ipaayos. Kahit saang anggulo pa magkaproblema, basta't kasama mo sila hindi ka nag-iisa. Mapapasaya ka pa nila.

Siguro naman sa mundong ito, marami ang katulad ko na ang pinaghuhugutan nila ng saya ay sa mga materyales na bagay. Siguro naman marami ang kagaya kong ang nagpapasaya sa kanila ay ang isulat ang nobela ng kanilang buhay o kaya naman makipag-chat sa mga sites sa internet at ituring silang tunay na kaibigan. Siguro naman meron pa, Sana naman kahit minsan makilala ko pa sila.

Be practical, magpakatotoo ka. Wala silang pakialam sayo, buhay mo yan at hindi nila. Ikaw lang ang tanging makakapagdesisyon kung saan ka sasaya. Ikaw naman ang nasasaktan hindi sila. At kung umiyak ka man ng isang drum araw-araw, wala na silang pakialam, yan ang tunay na IKAW. Magpakatatag ka lang dahil iisa lang ang perpekto sa mundong ito kundi Siya lang.

Kaya lagi mong tatandaan:

1. Bigyan mo ang nakaraan mo ng kalayaan para hindi niya masira ang kasalukuyan.

2. Wala kang pakialam sa iniisip ng iba sayo, buhay mo yan.

3. Walang ibang makapagpapasaya sayo kundi ang sarili mo.

4. Huwag na huwag mong kinokompara ang sarili mo sa iba, lahat tayo mag-kakaiba.

5. Huwag kang manghusga ng ibang tao, wala kang ideya kung ano ang misyon nila sa mundo.

6. SMILE - hindi lahat ng problema sa mundo ay hindi sayo ang iba sa kanila ay pag-aari ko.

-----SIGNING OFF----

***Miss Author (status: OFFLINE)***

Kathang IsipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon