Game of Love

291 14 10
                                    

Ang mga freshman student nga naman laging masunurin. Pag sinabing required dapat sumali. Hawakan ba naman ang clearance.

Ako nga pala si Layden, from the College of Business and Accountancy major in Business Administration isang freshman student. Hindi ko alam kung bakit pinasok ko ang business world pero dahil yun ang gusto ng parents ko para sakin, I grab the opportunity. Ang hirap pa lang mamuhay sa siyudad laking probinsiya kasi ako but I used to manage myself in the way people live in a competence world. KJ kung ituring ako ng mga kaklase ko. Hindi mahilig mag-uli sa SM pagkatapos ng klase at hindi mahilig sa socialization. Bahay – School lang ako araw-araw.

But everything change when I started to join the cheer dance competition. Hindi ako mahilig sa pagsasayaw pero kailangan ko itong isakripisyo mapirmahan lang ang clearance ko. It takes almost 3 weeks of hardship. Laging puyat at madaling araw na kung makauwi sa bahay. But the 3 weeks of hardship means a lot to me. Nakajamming namin ang ibang year level especially when I met Nick a Sophomore Student.

Kabaliktaran ko si Nick. Kung ako hindi mahilig sa socialization, siya ay mahilig sa gimmick. But we have something in common, ito ay pagdating sa hobbies.

Pareho kaming tambay sa library, Ang laging inaaral – Accounting. Most of all, pareho kaming mahilig sa board games. Chess player siya ng school, isang varsity. Habang ako mahilig din maglaro ng chess since childhood.

During cheerdance practice, hindi ko pa masiyadong pinapansin si Nick. Nagsimula lang ito nung malaman ko na pareho kami ng hobbies. Unang pag-uusap namin ay sa chatbox ng facebook. Online ako ng gabing yun dahil may tinatapos na reflection paper. Kahit exam na kinabukasan ng major ko – Accounting, ay pinilit ko paring magpuyat para sa project.

“Hala tulog na, may Accounting Exam kayo bukas... :),” unang message niya sakin. Hindi ko pa siya kilala sa mga araw na yun. Ang tagal bago ko nareplyan ang message niya dahil tinapos ko muna ang project ko. After ng project, I spent time with him. Kinilala muna namin ang isa’t isa hanggang maopen ang chess topic. Kwentuhan hanggang sa magsimula na siyang pilitin akong sumali sa team. Ayoko talagang sumali dahil gusto kung magfocus sa studies pero hindi ko maintindihan ang sarili ko nang bigla na lang akong umuo sa isang kundisyon na kapag naipasa ko ang grades ko sa major subjects sasali ako ng varsity sa 2nd Sem. For the assurance, siya pa talaga ang nagprisinta sa sarili niya bilang tutor ko para makapasa.

Session with him is the most treasured moment of my college life. Minsan pa akong napagkamalang GF niya ng mga kaklase niya dahil lagi ko siyang kasama sa library. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko pero miss ko siya pag wala siya sa tabi ko. Selos ako pag may iba siyang kasama. Naiinis ako pag hindi niya ako pinapansin minsan. Hindi ko alam kung crush crush lang o kaya ay mahal ko na siya o nasanay lang ako na kasama siya. Hindi ko alam but he is the root of my happiness.

1st semester is over at naipasa ko ang lahat ng subjects ko. Tulad ng napag-usapan, kelangan kung sumali sa varsity. Kung dati napilitan lang ako, this time, nag-eenjoy na ako sa ginagawa ko. Sem break start na ang practice malapit na kasi ang competition.

Weird pero start ng sumali ako sa varsity, nagkaroon ako ng secret admirer. Tuwing practice may nagpapadala na lang sakin ng flowers pero ayaw nilang sabihin kung kanino nanggaling. Pero everytime na nakakatanggap ako, wala si Nick. Hindi ko alam pero medyo napalawak ata ang imahinasyon ko at nasasabi ko na lang sa sarili ko na baka galing ito sa kanya. Tutal wala naman akong nababalitaang GF niya that time kaya pinapasok ko na lang sa isipan ko na baka talagang sa kaniya nga ito galing. Ang bait ni Nick sa akin sa mga oras na yun. Lagi niya akong kinakamusta at ramdam ko na concern siya para sa akin.

Almost a week of preparation na lang ang natitira at malapit na ang game. Puspusan na talaga ang practice. Seryoso na kaming lahat at mukhang wala ng time para sa biruan. Ang tanging biro na lang na maririnig ko sa kanila ay sa tuwing makakatanggap ako ng bulaklak galing sa kung sino man ang nagbibigay sakin nito. My admirer kept on sending me flowers. Kung hindi man bulaklak, isang love letter wishing me luck na sana manalo ako sa game. Sa huli kong natanggap na sulat, nagpaparamdam ito. Mukhang pagod na ata ang mokong at balak ng magpakilala.

3 days left at nahuli ako sa practice dahil may exam kami ng Accounting. Umuwi na yung iba kung teammates. Si Clyde, Kat, Rhea at ako na lang ang natitira. Wala si Nick sa mga oras na yun. Strange pero naiilang ako sa babaeng nakaupo sa katapat naming mesa kasama si Carl, kapatid ni Nick na classmate ko dahil kanina pa nakatitig ito sa akin. Hindi pamilyar ang mukha niya dahil hindi ko siya nakikita sa school.

Practice is going on nang biglang dumating si Nick sa pinaglalaruan namin, may dalang flower same with the flowers I received from my secret admirer. Mangiti – ngiti ako sa mga oras na yun at patuloy naman sa pagbibiro ang mga kasama ko.

“I knew it, sabi ko na nga ba ikaw yung…” Hindi ko na naituloy ang sinasabi ko ng bigla siyang magsalita.

“Ha, Alam mo na! Carl alam na pala eh,” sabay tingin sa kapatid niya. “Sabi ko kasi sayo babe si Carl na lang ang magbibigay kay Layden niyan nag-effort ka pa alam na pala niya,” tugon ng babae na katabi ni Carl.

“Layden, para sayo galing kay Carl, siyanga pala si Lyz GF ko.”

GF! Tama ba ang narinig ko o nabibingi lang. Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko.

Ano?

Si Carl ang secret admirer ko. Hindi ko alam kung matutuwa ako pero ang sakit ng nararamdaman ko sa mga oras na yun. For the past few months hindi ko man lang nahalata na may GF pala siya. Masiyado kung sinakyan ang mga sweetness niya sa akin. Ang sakit. Masiyado ko siyang pinahalagahan. Ang buong alam ko higit pa sa kaibigan ang tingin niya sa akin. Pero ang masaklap, ginawa niya iyon para sa kapatid niya. Most of all, his not single anymore but already taken not by me but by Lyz.

**********wakas**********

Kathang IsipWhere stories live. Discover now