Naawa sya kay Kathryn. Madami na itong pinagdaanang scandals sa loob ng ilang taon pero wala man lang nagtanong dito kung kasalanan nga ba talaga nya.

"I'm so sorry." Bulong ni Daniel.

Tumaas ang kilay ni Kathryn sa sinabi nya. "Para saan?"

"Dahil naniwala din ako sa article. I'm sorry for thinking the worst of you."

She smiled bitterly. "Okay lang. Hindi naman kita masisisi kung ganun ang naisip mo. Naiintindihan ko kayong lahat kung naniwala kayo sa nakasulat sa article na yun. I flirted with boys since I turned fourteen. Then I flirted with men. Papalit palit ako ng boyfriend kasing bilis ng pagpapalit ko ng underwear. Meron akong reputation na promiscuous ako. Sabi nga ni Enrique malandi daw ako. Lahat halos naniniwalang isa akong expensive slut. Expensive and classy pero slut pa rin."

"Wag kang magsalita ng ganyan." Inis na saway ni Daniel. "Hindi ka slut."

Biglang natawa si Kathryn sa inasal ng binata. Natutuwa naman si Daniel na marinig ang mga tawa ni Kathryn. Kinabahan tuloy sya. Ano bang nangyayari sa kanya? Ilang beses na nyang narinig na tumawa ang dalaga pero di naman sya naapektuhan dati. Anong special ngayong gabi? Baka yung goto.

"Bakit bigla ka atang bumait sa akin?" Tanong ni Kathryn. "Dahil ba nilibre kita ng dinner? Pero alam mo ba, it feels so good. Ito ata ang first time na may sinabi kang maganda sa akin. Parang ready ka ng pumatay ng tao kapag makarinig ka na may tumawag sa kin na slut. Parang bumalik na ang protector ko dati. It really feels nice."

"Nasaan ka ba nagpunta for the past eight months?" Pag-iiba ni Daniel sa usapan. Naiinis sya sa sarili nya sa hindi pagtrato ng maayos sa dalaga noon. Narealize nya kung gaano sya kagago. Sabay silang lumaki at dapat iniiintindi nya ito. Siguro ay may dahilan ang pagrerebelde nito. Siguro ay may tinatago talagang kabaitan itong si Kathryn.

"Cebu."

"Sa Cebu lang?"

Tumango ito. "Siguro nagsawa na kong magpalipat lipat kung saan saan. Napagdesisyunan kong magstay sa isang lugar na lang."

"Ano namang pinagkaabalahan mo sa Cebu?"

"Ano sa tingin mo?"

"Shopping, bar hopping, parties, dates, and more shopping. Yun ang mga ginawa mo."

"Paano kung sabihin ko sayong nasa condo ko lang ako most of the time weaving fantasies and romance? Paano kung sabihin ko sayong nagtrabaho ako for the past eight months? Maniniwala ka ba?"

"Ano sa tingin mo?" Pang-aasar nya sa dalaga.

Tumawa si Kathryn pero parang pilit lang. "Syempre hindi ka maniniwala. Dahil ang alam ko lang gawin sa buhay ay gumastos at gumala."

Nakaramdam sya ng sakit sa sinabi ng dalaga.

"Bakit hindi mo tapusin ang pag-aaral mo, Kathryn? Mag-aral ka uli at aralin mo kung paano papatakbuhin ang business nyo. Kaya mo naman yun kung gugustuhin mo. Gayahin mo si Jasmine -"

"Hindi ako si Jasmine!" Galit na putol nito sa sinasabi nya. "Bakit ba hindi mo pa rin tinitigilan ang pagcocompare sa akin sa bitch na yun?"

"My girlfriend is not a bitch." Galit ding pagtatanggol nya sa nobya.

"She is!"

"She's not!"

"She is. She is. She is!" She stomped her foot. "She is!"

If You Don't Know Me By NowWhere stories live. Discover now