Part 6

127K 2.2K 132
                                    


NATUTUWA si Astrid at nasasanay na siyang walang kasama sa bahay. May lungkot din siyang nararamdaman siyempre dahil nami-miss din niya ang kanyang pinsan, lalo na ngayong mag-isa na lang siyang nagsu-zumba sa salas pagkauwi niya galing trabaho. But she was enjoying her solitude. Pinalakasan niya ang volume ng speakers ng kanyang smart TV dahil wala na siyang kalapit na kapitbahay na maiistorbo. Ang inuupahan niyang unit ay nasa pinakadulo at ang nasa kabila naman ay bakante na kahapon. Mas lalo siya tuloy ginanahang umindak.

Naisipan din niyang bumili ng gym shorts at tank top next time para gamitin habang nagsu-zumba. Usually ay leggings at may manggas na shirts ang suot niya kahit palagi siyang kinakantiyawan ni Pax na wala raw siyang dapat itago rito dahil pinsan niya ito at higit sa lahat ay isa itong bading. It's just that, she was not that comfortable exposing a lot of her skin to other people. Noong sinubukan niyang magsuot ng mini-skirt ay pinagalitan siya ng kanyang boyfriend noon. Mukha daw siyang pokpok at bastusin kahit hindi naman super ikli ang denim skirt na iyon. Nagbanta pang mababasag nito ang mukha ang sinumang lalaking titingin sa legs niya. Nagpalit na lang siya ng damit bago sila lumabas para hindi sila nito mag-away. Nakatikim din siya ng sermon galing sa kanyang mga magulang dahil doon. Kesyo babae daw siya at dapat niyang igalang ang kanyang katawan, wala raw rerespeto sa kanya kung bulgar ang kanyang pananamit. Kesyo ang katawan daw niya ay dapat sa kanyang magiging asawa lamang ipapakita.

Just... wow. Daig pa niya ang pumaradang hubo't hubad nang mga sandaling iyon dahil sa mga panghuhusgang natanggap mula mismo sa mga taong malalapit sa kanya. And seriously, for her, clothes are clothes. She had always dressed modestly dahil sa impluwensiya ng kanyang pamilya at dahil na rin naging preference na rin niya ang ganoon. Pero minsan, may kagustuhan rin siyang magdamit ng mga hindi niya kadalasang isinusuot. She always thought she had this daring side of her that she wanted to unleash from time to time, she just never had given the chance.

Pinatay ni Astrid ang TV nang maulinigang tumutunog ang kanyang smartphone na nakapatong sa sofa, tumatawag si Pax.

"Pacho, ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na okay lang ako?" natatawa at naiirita niyang sabi rito nang kamustahin siya. "One week na ang lumipas, 'di ba? Buhay pa naman ako."

"Worried lang ako sa iyo, gaga! You've never been alone, ano?"
"Yup. And, I am enjoying it right now, believe me."

Tumawa si Pax. "Grabe, kundi ko lang alam na time pala ng zumba natin ngayon ay iisipin kong nasa gitna ka ng pakikipag-sex kaya hindi mo nasagot agad ang tawag ko at hihingal-hingal ka ngayon."

"Bastos ka talagang bakla ka!" Ibinagsak niya ang pang-upo sa sofa at nagpunas ng pawis gamit ang maliit na tuwalya.

Lumakas ang tawa ng pinsan. "Just saying."

"Sino naman kaya ang puwede kong ka-sex? Wala namang nagkakagusto sa akin," nakangusong nasabi niya. "Saka..." Nagpasya siyang maging honest dito sa mga sandaling iyon at sinabi ang matagal nang balak sabihin. "Ikaw na nagpu-push lagi sa akin na makipag-date ay sobrang protective naman. Ni ayaw mo akong pumunta sa mga club na hindi ka kasama."

"Ay, kaloka!" tili ni Pax. "Umayaw ba ako? Umayaw ako doon sa nagyaya sa iyo. Sorry, sa wala akong tiwala kay Shara, ano? Baka ibugaw ka lang niya, eh."

"Dalawang beses pa lang akong nakapasok sa club at ikaw palagi ang kasama ko." Humagikgik si Astrid. "Paano naman kasi ako lalapitan ng guys, e ang macho mo kaya. Akala nila ka-date kita."

"Gagaaa! Hindi ka nilapitan kasi mukha kang magsisimba sa outfit mo!" kantiyaw naman ng pinsan. "Mukhang kagagaling mong mag-anak ng binyag tas naligaw ka papuntang prayer vigil."

Tumawa siya. "At naalala mo 'yung taga-accounting na nag-ask ng number ko last week? Sinungitan mo kaya!"

"Loka, e babaero nga iyong Lambert na 'yun, sabi ko na sa iyo. Kalahati yata ng girls sa ATI ay nai-date na niya."

GET DIRTY (Hubaderos Book 2: Clay) PREVIEW ONLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon