Chapter 30

2.6K 57 0
                                    

Vote and Give me your Feesbacks, Suggestion, Dedication and Opinions.

Clara's POV

PAGKAPASOK ko sa aking opisina agad akong sumalampak sa aking swivel chair. Napatingin nalang ako sa patong-patong na papeles na pipirmahan ko mabuti nalang magaling at matalino ang secretary ko. May maliit na note ang nakadikit sa mga papeles yun nalang ang mga ire-review sa papers bago pirmahan.

Nag simula na akong magbasa at pumirma habang nakabukas ang aking laptop nag aantay ng mga e-mails ng mga investors ng company.

Napatigil ako ng may kumatok sa aking pinto. "Pasok" sabi ko habang nakatingin pa rin sa aking binabasa.

"Ma'am may meeting na po kayo"

Tumango ako at binitbit ang aking laptop saka sumunod sa aking secretary. Pag kapasok namin sa conference room ako nalang pala ang hinihintay.

"Good Morning" bati ko lumapit ako kay Mommy at Daddy humalik ako sa pisnge nila saka tumabi kay allisson na nakangitiang naman sakin.

Bumati din naman si Mommy, Daddy at mga department heads sakin. "Let's Start the meeting" may authority na sabi ni Daddy.

Nag simula na ang meeting. Monthly Board Meeting ang nagaganap na meeting ngayon kung saan nag rereport ang mga departments heads. Pati ang sales sa company napag uusapan din. Ang napansin ko lang naman SCL pa din ang nangungunang Clothing Line sa bansa lalo pa at na i-merged ito sa shoe company nila Arman.

Nang matapos ang meeting nakipag kamay ang mga heads sa akin, kila mommy ay kay allisson saka nauna na silang lumabas.

"That's cost a celebration" sigaw ni allisson at tumalon sa tabi nila mommy at daddy na nakatayo na.

"I'm sorry sweetie may date kami ng Mommy nyu kaya next time nalang" tangi ni daddy.

Sumimangot naman si allisson at humaba ang nguso. "Ang daya ako lang mag isa kakain"

"Nandyan naman ang ate mo alisson" si Mommy

"Ayy! Tama ka mommy" biglang kumapit sa braso ko si allisson. "Sasamahan mo ako Sis diba?"

"Sige basta libre mo" Natawa sila Mommy at Daddy sa sinabi ko.

"Oo na Sis. Mas mayaman ka sakin pero nag papalibre ka" nakangusong sabi nya.

Ngumiti lang ako. "Mauuna kami sa inyong dalawa" lumapit si daddy kay allisson. "Umuwi ka ng maaga" sabay halik sa noo nito. Lumapit naman si daddy sakin. "Bigyan muna ako ng apo ha?" humalik din sa noo ko.

"Daddy kay allisson umuwi lang ng maaga sa akin APO agad?" nanlalaki ang mata na tanong ko.

Tawan naman ng tawa si allisson. "Nakakatawa ang itsura mo Sis bakit hindi ba kayo gumagawa ni kuya"

Pinandilatan ko sya pati sila Mommy nakikitawa na rin. "Ohh mauna na kami ng daddy nyu" si mommy yumakap at humalik sa amin ni allisson bago sila umalis.

Maglalakad na sana ako ng makaramdam ako ng hilo. "Ayy Sis okey ka lang ba?" tanong ni allisson at inalalayan ako.

"Okey lang naman" nag lakad na kami.

"Kumain kaba ng breakfast?"

"Sandwich lang late na kasi kami nagising ni Arman eeh"

Nakita ko naman na tumingin si allisson sa relo nya. "Mag lunch na tayo"

"Kukunin ko lang ang bag ko allisson" tumango tango lang sya.


Arranged,Love,Hate and Love (CharDawn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon