Chapter 37

2.3K 37 0
                                    


Arman's POV

"ARGHH" napaupo ako sa subrang sakit nang ulo ko. Nagtaka ako na nasa ibang kwarto ako nang pag dilat ko. "Shit!!" agad akong napatayo nang makita kung ibang babae ang katabi ko walang iba kundi si Betina. Dali-dali akong nagbihis at umalis agad sa condo unit niya.

Pagdating ko sa bahay tulog pa ang mga tao, agad akong umakyat sa kwarto namin nang asawa ko pero wala siya doon. Nakahinga ako nang maluwag nang makita ko silang natutulog sa silid ni Amara. Naligo muna ako bago ako bumalik sa kwarto nang anak ko.

Hinalikan ko sa pisnge ang anak kung mahimbing na natutulog habang hinalikan ko naman si Clara sa noo.

"Arman?"

"Sorry kung nagising kita" umupo ako sa gilid nang kama na katabi lang niya.

"Mag usap tayo" tumayo siya at sinundan ko naman siya sa aming kwarto. Nakaupo siya sa gilid nang kama. Lumapit ako at naupo sa harap niya. "Alam kung hindi ka umuwi kagabi" malamig niyang sabi.

"I'm sorry Love nasubrahan ako sa kalasingan" sabay yakap ko sa kanya.

Naramdaman kung yumakap rin siya sa akin. "Sigurado kaba Arman? Hindi ka nag sisinungaling?" may pag hihinala pa niyang tanong.

"Hindi Love, I'm sorry sa pag sigaw ko sayo kagabi" lalo kung hinigpitan ang yakap sa kanya.

"Siguraduhin mo lang Arman dahil kapag nag sinungaling ka mawawala kami ng anak mo sa iyo"

Napa-angat ang ulo ko sa narinig ko. "Love ayokong mawala kayo sa hindi ko kakayanin."

"Wag na wag mong sisirain ang pag titiwala ko sayo Arman."

Hinalikan ko siya sa labi na agad niya naman tinugunan. "I love you" bulong ko nang mag hiwalay ang labi namin.

Ngumiti na siya. "I Love you too" napangiti ako at hinalikan ko siya sa noo. "Mag luluto muna ako nang breakfast natin Love" biglang sabi niya.

"Tulungan na kita" bumangon ako sa kinauupuan ko.

"Hindi na alam kung masakit ang ulo mo" pigil niya sa akin.

"Naman eh" nagmamaktol na sabi ko.

"Wag na gisingin muna lang ang anak natin at paliguan mo"

"Oh sige na nga"

-----

Clara's POV

"Ay hotdog na malaki" hiyaw ko nang bigla nalang yumakap si Arman sa akin. Tatawa-tawa naman silang mag-ama. Lumingon ako nang makita kung nakaupo ang anak ko sa counter. "Arman baka malaglag ang anak.natin" mabilis naman siyang humiwalay sa akin. Hinango ko na ang niluluto ko at saka nag hain.

"Mommy i want milk" agad naman akong gumawa nang milk para sa anak ko.

"Love kain na" pinaglagyan ako ng asawa ko nang pagkain naupo naman ako sa tabi niya.

Natapos na kami sa pagkain. Tumabi naman ang anak ko sa akin dito sa sofa.

"Daddy!" napatingin ako kay Arman na naupo sa tabi ko. Mabilis namang kumandong ang anak namin sa kanya. "Daddy papasok kapa po sa work?"

"Anu ba ang gusto nang baby ko?" nakangiting tanong ni Arman.

"Wag kana po pumasok sa work mag masyal nalang tayo" malambing na sabi nang anak ko sa daddy niya.

"Oh sige, saan gusto pumunta nang baby ko?" sumandal sa balikat ko si Arman.

"Uhm, gusto ko po mag punta sa mall daddy at gusto ko din po makita ang sunset"

Arranged,Love,Hate and Love (CharDawn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon