Chapter 36

2.1K 42 0
                                    


Clara's POV

"SHIT" mura ko nang hindi ko na makontak ang Cellphone ni Arman. Inis na binato ko ang Cellphone ko sa subrang inis.

"HIJA anung oras na nag punta pa kayo dito sa bahay nang anak mo" si Mommy.

Kakarating lang namin dito ni Amara sa mansyon. Buhat-buhat ko ang anak ko na tulog na tulog. "Mommy, Daddy naman wag niyo na akong sermunan inaantok na ako eh"

"Oh sige umakyat kana sa kwarto kawawa naman ang apo ko gabi na dinala mo pa dito" sabay halik sa noo ni Daddy kay Amara.

Umakyat na kami ni Amara sa dati kung kwarto. Inihiga ko ang anak ko sa kama at nahiga na rin ako.

"DADDY!!!" narinig kung sigaw nang anak ko sa sala.

Nandito kasi ako sa garden tumitingin ng mga bagong bulaklak ni Mommy iniwan ko si Amara kila Mommy at Daddy.

Narinig kung tuwang-tuwa ang anak ko habang nakikipag laro sa daddy niya.

"Love?" nagulat ako nang may yumakap sa akin galing sa likuran. Mabilis naman akong umalis sa pag kakayakap niya pero hindi niya ako binitiwan. "Love wag kana magalit mag papaliwanag ako" nag mamaka-awang sabi niya.

"Anu ang ipapaliwanag mo? Hindu kita makontak pagkatapos nang marinig ko yun" galit na sabi ko sa kanya.

"Love nalasing si Betina nagkamali siya nang pasok nang cottage, kaya kinailangan ko pa siyang ihatid sa cottage niya. Pag balik ko marami kang missed calls tinawagan kita pero out of coverage na ang cellphone mo" paliwanag niya.

Napatigil naman ako sa pag piglas at humarap sa kanya. "Totoo ba iyang sinasabi mo? Walang nang yari sa inyo?" nang hihinalang sabi ko.

"Clara naman hinding hindi ko magagawa sayo yan. Alam mong ikaw ang mahal ko at wala nang iba"

"Sorry, nag selos ako. Mahal na mahal kita Arman" sabay yakap ko sa asawa ko.

Niyakap niya rin ako. "Mahal na mahal din kita Clara hinding-hindi ko magagawa yun"

Humarap ako sa kanya. Nagulat nalang ako nang bigla niya akong binuhat. "Arman saan mo ako dadalhin?"

"Mama, Papa kayo na po muna bahala kay Amara may pupuntahan lang po kami ni Clara" paalam ni Arman saka ako dinala sa kotse at pinasok agad sa sasakyan.

"Love mag de-date tayo" nakangiti niyang sabi saka sumakay sa sasakyan. "Umidlip ka muna malayo pa ang biyahe" sabay halik sa noo ko.



NAPADILAT ako nang maramdaman kung umangat ako sa kinauupuan ko. Nakita kung buhat-buhat ako nang asawa ko.



Napatingin ako sa paligid nang ibinaba niya ako sa nakalatag na blanket sa damuhan. "Gising kana pala Love maupo ka muna may kukunin ako sa kotse" dali-dali naman siyang umalis.



Tumingin ako sa paligid. Napansin ko na nasa garden ako naliliman nang puno ang kinauupuan ko kaya hindi mainit. May mga bulaklak na nagkalat sa paligid. Napaka bango din sa paligid dahil sa mga bulaklak.



"Love" naupo sa tabi ko si Arman at binuksan niya ang cake inabutan niya rin naman ako nang plastic fork. "Siguro naman kakain ka ng cake sa kahon Love"



Tumango ako. Naunan ko si Arman sa pagkuha ng chocolate sa ibabaw ng cake. "Ang daya Love naunahan mo ako" naka ngusong sabi ni Arman.



Mabilis kung sinubo ang chocolate. Sinubuan ko naman siya ng cake kaya napangiti na siya. "Love masarap ba?"



Ako naman ang sinubuan niya. "Masarap diba?" balik tanong niya sa akin.



Arranged,Love,Hate and Love (CharDawn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon