Chapter 42

2.1K 38 1
                                    

Clara's POV

AGAD-AGAD kaming napatingin sa hagdan. Halos mahimatay ako nang makita ko ang anak ko na nakahiga sa paahan ng hagdan ng may dugo sa ulo.



"Oh God Love yung anak natin dalhin natin sa ospital" natatarantang sabi ko.



Mabilis naman siyang nabuhat ni Arman nang makabawi ito sa pag kagulat. Pagkasay sa sasakyan mabilis na pinaharurot ni Arman ang sasakyan sa pinakamalapit na ospital.



"Love calmdown magiging okay din ang anak natin" nayakap na sabi ni Arman sa akin habang nag aantay kami sa labas ng emergency room.



"A-arman anu ba kasi ang nangyari bakit nalaglag ang anak natin" umiiyak na sabi ko.



Niyakap naman ako ni Arman. "Hindi ko din alam Love natutulog na siya nang bumaba tayo" nagugulahan din'g sabi ni Arman.



Napatayo kami nang may lumabas na Doctor sa emergency room. "Kayo po ba ang parents?"



"Kami nga ako ang Daddy niya" sabi ni Arman.



"Safe na ang anak niyo tinahi lang namin ang sugat niya sa noo at may ilang sugat at galos din siya"



Nakahinga naman ako ng maluwag nang marinig ko yung sinabi tungkol sa anak ko. "Salamat Doc"



"I-ta-transfer na namin siya sa private room" tumango kami at nag pasalamat ulit saka siya umalis.



PAG-KAUWI namin sa aming village merun pa rin'g benda sa ulo ang anak namin.



"Sweety masakit ba ang ulo mo?" tanong ni Mommy sa apo niya.



Umiling naman si Amara. "Hindi naman po masakit Momzy eh"



Natatawa nalang kami ni Arman nang nilagyan ng dedication nila Allisson at Jennice ang benda ni Amara. "Loko talaga kayong dalawa" sabi ko at tumabi sa anak ko na kain na kain ng bigay ng kanyang mga bisita.



"Anh ba ang nangyari bakit nalaglag sa hagdan ang apo namin?" tanong ni papa.



"Kasi Daddy hindi naman alam na bumangon si Amara at a-antok-antok pa nang bumaba sa hagdan nadulas kaya ayun dire-diretso siya sa pag laglag" paliwanag ni Arman



"Mabuti naman at hindi masyadong nasaktan ang apo namin" si Mama



"Hindi naman po, ayan nga po matakaw pa rin at sige pa rin sa pag se-selfie kahit na may benda pa sa ulo" sabay turo ko sa anak ko na nakikipag laro na sa mga pinsan.



"Mabuti nga gising kayo nang nangyari iyon eh" si Daddy na alalang-alala pa rin.



"Mabuti nga po, halos mahimatay na ako sa takot eh" kwento ko.



Pagkatapos naming mag dinner at kunting chika-han sa aming bisita ay nag si-uwian na sila dahil gabi na.




----

Arman's POV

DAHIL sa aksidente na nang yari kay Amara hindi ko na natuloy ang confession ko sa asawa ko. Ayoko nang patagalin ang ginagawa naming kasalanan ni Betina. Mahal ko ang asawa ko at ang anak ko. Lalong ayokong mawala sila sa akin.




Ngayon hindi ko alam kung kailan ulit ako ti-tiyempo. Masyado akong busy sa trabaho at laging nag o-overtime sa bahay ni Betina. Sa umaga at tanghali nalang kami nag kakausap nang asawa ko. Pag uwi ko natutulog na ang asawa ko.




Arranged,Love,Hate and Love (CharDawn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon