Chapter 53

2.2K 50 0
                                    

Read The CEO's Slave(CharDawn) fanfiction.

---

Arman's POV

NAPAPITLAG ako nang marinig ko ang cellphone ko na nag ring. Kanina pa ako hindi mapakali habang nandito sa opisna.

*MommyLove calling*

Mabilis kung dinampot ang aking cellphone at sinagot. "Hello Love" malambing kung pag kakasabi.

"L—love yung mga bata" nang hihinang sabi ni Clara at busy tone na ang narinig ko.

Bigla akong napatayo. Saka wala sa sariling nag madaling lumabas nang opisina at tumakbo nalang ako sa hagdan pababa sa basement hindi alintana na nasa topfloor ako.

Kahit halos hinahabol ko na ang hiningan ko nang makasakay ako sa sasakyan. Mabilis kung na-track kung nasan ang sasakyan nila Clara.

Wala masyadong dumadaan dun dahil papunta na yun sa village namin kung saan puro taga sa amin nalang ang dumadaan.

Muntik na akong matumba nang makalabas ako sa sasakyan ko nang makita ko ang security nila na nakahandusay sa kalsada at patay na pati na rin ang driver namin nakabukas ang lahat ng pinto nang sasakyan.

Mabilis akong lumapit at nakita ko si Clara na may dugo sa tagiliran at nawalan na nang malay. Mabilis ko siyang binuhat at isinakay sa sarili kung sasakyan.

Pagdating namin sa ospital mabilis siyang pinasok sa operating room. Napaupo ako sa sahig at sinapo nang mga palad ko ang mukha ko at napaiyak nalang.

Nawawala ang mga anak ko at nasa operating room pa ang asawa ko. Sana makaligtas ang asawa ko at sana ligtas ang mga anak ko.

   Napataas ako nang ulo nang may tumapik sa balikat ko. "Daddy!" Parang batang sabi ko habang umiiyak.

"Kamusta na si Clara anak?" Tanong ni Daddy sa akin.

Napatingin naman ako sa mga magulang ni Clara na halatang nag aalala sa anak at sa mga apo ganun din ang lahat nang kasama ko dito.

"Dad ilang oras na akong nag aantay pero wala pa rin ni isang lumalabas na doctor sa punyetang OR na ito" galit na sabi ko.

"Calm down iho" sabi ni Mommy.

"Mommy yung mga anak ko, si Clara na asawa ko hindi ko alam, naguguluhan ako. Gulong-gulo ako Mommy"

"Ako na ang bahala sa mga bata Arman na-track na kung nasaan sila at papunta na ang mga pulis dun susunod nalang kami" sabi ni Papa.

Tumayo ako agad kahit na nanlalata ako sa halo-halong emosyon ko ngayon. "Sasama ako Papa"

"Hindi na Arman" Si Daddy

"Wag ka mag alala Arman hindi masasaktan ang mga anak ko. Sinisiguro ko" sabi ni Papa at nag paalam kasama si Brian, Ramon, Daddy at Dale saka umalis.

"Mister Antonio"

Napatingin ako agad sa Doctor. "Bakit po? Maayos na po ba ang asawa ko?" Nag mamadaling tanong ko.

"Nasa kritikal na kondisyon pa rin siya Mr.Antonio kailangan namin nang dugo dahil maraming dugo ang nawala sa kanya"

"Ako na ang mag do-donate" singit agad ni Allisson.

Kaya mabilis na umalis si Allisson kasama si Mama at ang doctor.

Napaupo na naman ako sa sahig habang nakasubsub ang mukha ko sa palad ko.

"Anak?" Narinig kung sabi ni Mommy.

Napa-angat ulit ako nang tingin sa kanya. "Bakit?"

"Ligtas na ang mga bata"

Nagliwanag ang mukha ko at nabuhayan ako sa nalaman ko. "Nasan po ang mga anak ko?"

"Nasa mansyon na namin siya inaasikaso ng Papa mo pauwi na rin ako balitaan niyo nalang kami kapag maayos na si Clara" malungkot na sabi ni Mama nang mabangit ang pangalan ni Clara.

Tumango ako. "Mabuti pa nga po mauna na kayo ako nalang po ang bahala kay Clara yung mga anak nalang po namin ang asikasuhin niyo"

"Hindi maiiwan ako dito kasama mo anak" -Mommy

  "Hindi rin ako aalis dito lang ako, Mommy paki sabi kay Dave na siya na muna ang bahala sa mga anak namin" -Allisson.

"Ako rin iintayin ko si Twinnie" -Viceral

Napatango ako. "Sige Mama mauna na po kayo"

Tumango rin siya sa akin saka nag paalam na umalis.

Napatayo ako nang may lumabas na doctor. "Kamusta na po ang asawa ko?"

----

EPILOGUE is the next chapter...

Thanks for reading...

VOTE..

Arranged,Love,Hate and Love (CharDawn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon