4

24 2 0
                                    

Alas-sais na at nandito ako ngayon sa rooftop ng ospital. Ilang oras pa naman bago matapos ang duty ko kung kaya't napagpasyahan kong tumambay muna rito para magpalipas oras.

Ayoko namang tumambay sa silid ni Hiro dahil makukulangan ang oras ng pahinga ng batang iyon kung tatambay ako sa silid niya.

Madaldal pa naman 'yon! Parang hindi nauubusan ng ikukwento.

At wala din naman akong ibang pupuntahan dahil tapos na ang pagbisita ko sa mga pasyente ko. Kung hindi nga lang binago ang schedule ay malamang na nasa condo na ako ngayon at natutulog.






"Doc Ybarra, right?", napabalikwas ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang isang baritonong boses na biglang sumulpot sa gilid ko.

"Ay mama mo right!", sigaw ko at napahawak pa sa noo dahil sa pagkakagulat.

Bigla namang natawa ng bahagya ang nagsalita kanina kaya nabaling ang tingin ko rito. At pagkalingon ko rito ay nakita ko ang lalaking nakasalubong ko kanina.

"Ginulat niyo ho ako Sir! Akala ko kung ano na! May kailangan ho ba kayo?", tanong ko rito pagkatapos kong makabawi sa pagkagulat.

"Pasensya ka na", sabi nito at bahagyang hinimas pa ang batok. "And please drop the honorifics. Bata pa ako para i-po o i-ho", dagdag pa nito habang nakangiti.

Tumango-tango naman ako sa sinabi nito.

"Sorry nga pala kung ganun ang reaksyon ko pagkakita ko sayo kaninang hapon. Hindi ko kasi inaakalang ang Doc Ybarra na laging ikinukwento ng kapatid ko ay.....", huminto ito sa sinasabi at lumingon sa direksyon ko.












"Ay babae pala", pagpatuloy nito sa sinabi at umiwas ng tingin.

Ngumiti ako rito at tumango, "Ayos lang. Hindi ko kasi ginagamit ang pangalan ko. Tanging apelyido ko lang."

"Do you mind if I ask why?"

Umiling ako rito at nagkibit-balikat, "Para cool."



Pero ang totoo, gusto kong apelyido lang dahil parang siya na rin ang tinatawag kung apelyido lang ang itatawag sa akin. Gusto ko maranasan niya pa ring matawag na "Doc Ybarra", kahit sa pamamagitan ko lang. Kahit ako naman talaga ang nandito, at hindi siya.


Napatingin ito sa akin at nangunot ang noo, ".... Seryoso ka ba?"

Tumango-tango ako rito at ngumiti nang bahagya. Tumango rin ito at hindi na muling nagsalita pa.


Hindi, pero hindi naman kailangan malaman nang kahit sino ang rason.



Akala ko ay hindi na muling magsasalita ang katabi ko ngunit pagkatapos ng ilang minuto ay ito na mismo ang bumasag sa katahimikan.

"Doctora", tawag nito sa akin.

"Hmm?", sagot ko ng hindi tinitignan ito.

"Anong buong pangalan mo?"

"Alraya Ybarra"

"How old are you? Bakit parang lahat ginagalang mo? Ikaw ba ang pinakabata rito?", dire-diretsong tanong nito sa akin.

Siguro host 'to sa tv show, daming tanong eh.

"I'm 26. At sa tingin ko ay ako nga ang pinakabata dito", sagot ko at binalingan ito ng tingin. "You? How old are you, Mister?", balik ko namang tanong dito.

"28", simpleng sagot nito at nginitian ako.

Tumango naman ako sa isinagot nito. Ka-edad niya lang pala si Kuya Dos, ang pangalawa sa aming magkakapatid.

"Why did you enter medical field, Doctora?", tanong nito na sandaling nakapagpatigil sa akin.



To fulfill our dreams. His dreams.




"To save life", huminto ako sa pagsasalita at huminga ng malalim.
















"And to save them", pagpapatuloy ko at tumingala sa langit.

"To save them? Save who?", tanong nito at mababakas ang pagtataka sa boses nito.

















"To save the soul that is losing its grip", sagot ko habang ang aking paningin ay nasa kalangitan pa din.





"That's what you are always telling my brother, right? To save his soul and then save others after?", sambit nito na naging dahilan ng pagbaling ng tingin ko sa kanya.

"How did you know?", tanong ko na puno ng pagtataka.

"Hiro...... He always tell me things about you. Lagi siyang nagkukwento sa akin. At lagi rin niyang nababanggit ang katagang iyon na ikaw daw ang nagturo", sagot niya ng hindi tumitingin sa akin.

"Napakadaldal talaga ni Akihiro!", sambit ko habang magkasalubong ang mga kilay kaya naman bahagya siyang natawa.

"Thanks for saving my brother's soul, Doctora. Dahil sayo unti-unting nakikilala ng kapatid ko ang tunay na tagapagligtas niya. At mas lalo rin niyang tinatatagan ang sarili niya", sagot niya habang nakangiti ngunit hindi pa rin siya tumitingin sa akin.

Ngumiti lamang ako at hindi na nagkomento pa.

Moment niya 'yon eh.




Pagkatapos no'n ay hindi na nasundan pa ang usapan namin dahil natahimik na kaming pareho.





Nang may maalala ako ay bigla kong naibaling ang tingin ko sa lalaking katabi ko na ngayon ay nakatingin sa langit at nakangiti.

Nangunot ang noo ko, may saltik ata ito eh.

Napangiwi ako sa sariling naisip.

Oh baka bading?

Bahagya akong napangiti ngunit agad kong ipinilig ang ulo ko ng maalala ang dahilan kung bakit binalingan ko ito ng tingin.

Magsasalita na sana ako kaso naunahan na ako nito.

"Mauuna na ako sayo, Doctora. Mag-iingat ka", ngumiti ito sa akin at tumalikod na para makaalis.

Bago pa man ito makalayo ay tinawag ko na ito.

"Uy, Sir! Teka lang! Excited ka naman masyado oh! Ano munang name mo?!", pahabol na sigaw ko rito.


Hindi ko siya crush ah!



Agad naman itong napahinto dahil sa sigaw ko. Humarap ito sa akin. Seryoso ang mukha nito. Ngunit di kalauna'y ngumiti din ito sa akin at nagawa pang sumaludo ng loko sa akin.


























"Captain Gavin Montefiro from Task Force: Saving Soul! Ready for mission, Ma'am!", at pagkatapos niyang sabihin iyon ay kumaripas na siya ng takbo paalis. At iniwan niya akong nakatulala sa kawalan dahil sa sinabi niya.


Ano raw?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 12, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Task Force: Saving SoulWhere stories live. Discover now