2

15 2 0
                                    

Kasalukuyan akong naglalakad ngayon sa hallway ng ospital na pinagta-trabahuhan ko. Hapon na ngayon at nag-iikot ako upang kumustahin ang mga pasyente ko.

Kanina ko pa natapos ang mga papel na dapat kong basahin at pirmahan. At nagpapasalamat ako dahil natapos ko ang mga iyon bago sumapit ang tanghalian.



Pagkaliko ko sa hallway ay nakasalubong ko ang isa sa mga doktor na napalapit na sa akin sa ospital na ito sa pananatili ko rito sa loob ng dalawang taon.

"Oh, Ybarra. Nagsisipag ka na naman. Balita ko ay hindi pa nga natatapos ang lunch break mo ay kaagad kang naglibot. Ikaw talaga. Pinapagod mo ang sarili mo masyado! Mag-out ka na ng maaga, aba!", mahabang litanya nito sa akin habang nakakunot pa ang noo.

Bahagya akong natawa sa sinabi ng doktor na kaharap ko, "Kayo naman ho, doktora. Hindi naman ho sa pinapagod ko ang sarili ko. Hindi ko lang po gustong magsayang ng oras."

Magsasalita na sana ang doktor nang may biglang umakbay sa akin.

"Hindi ka na nasanay sa isang 'to, Doctora Esmeralda. Hindi naman ito nakikinig sa atin! Baka nga mag-over time na naman ito ngayon", sambit ng doktor na umakbay sa akin at ginulo ang buhok ko.

Kumunot lalo ang noo ng doktor na kaharap namin kaya hindi ko napigilang matawa.

Ngunit napa-daing ako sa sakit ng maramdaman kong may kumurot sa tagiliran ko.

"Kebata-bata mo pa, Ybarra! Pero ang hilig mo ng pagudin ang sarili mo. Makinig ka sa aming mga senior mo, ikaw na bata ka! Kaunti na lang talaga ay papapalitan ko na ang schedule mo", pagsesermon sa akin ni Doctora Aguirre na siyang kumurot sa tagiliran ko.

Mukhang nakarating na sa kanya ang balitang madalas akong mag-over time. Patay. Pero, hindi naman na kasi ako bata.


At isa pa, gusto ko 'to. Gusto ko ang ginagawa ko. Gusto ko yung propesiyon na pinili ko.


"Senior wag naman ho! Iiwasan ko na ho ang madalas na pag-oover time ko!", pagmamakaawa ko sa kanya at hinawakan ko pa ang kamay niya.

"Siguraduhin mo, Ybarra! Makakatikim ka na talaga sa akin!", ani nito at kinurot na naman ako.

"Nagkakalinawan naman pala tayo. Lorenzo, samahan mo ang batang iyan. Nang masiguro nating mag-aunder time na siya", singit ng kaharap naming doktora na si Doctora Esmeralda.

Sumaludo naman sa kanya ang kaninang umakbay sa akin na doktor na si Doctor Lorenzo. Bata pa rin naman si Doc Lorenzo dahil hindi naman nalalayo ang edad namin sa isa't isa. Mas matanda lamang siya ng limang taon sa akin.

"Halika na, Ybarra, nang makapag-under time ka na", sambit ni Doc Lorenzo at tumalikod na kami mula sa mga senior namin na parang magulang ko na.



Nagsimula na kaming maglakad papunta sa aming pupuntahin ngunit wala ni isang nagsasalita sa amin. Nauuna si Doc at nasa likod naman niya ako at nakasunod sa kanya.




Huminto ang doktor ng ilang dipa na lamang ang layo namin sa silid kung saan ako magpapaalam. Huminto din ako ngunit hindi ito humarap sa akin.

"Ybarra", banggit nito sa apelyido ko kaya naman nabaling sa kanya ang buong atensyon ko.

"Makinig ka na sana sa amin. Huwag kang magpakapagod. Marami namang doktor dito. Huwag mong kawawain ang sarili mo. Matalino ka. Alam kong alam mo ang nais kong iparating sayo. Doktor tayo pero dapat unahin pa rin natin ang kalusugan natin. Hindi mo matutulungan ang pasyente mo kung mismong sarili mo ay hindi mo matulungan. Oo nga't inaalagaan ka namin, pero dapat mo pa ring alagaan ang sarili mo. Isa pa, alam naman namin. Alam namin kaya hindi mo kailangan itago", mahabang sabi nito na siyang nakapagpatigil sa akin.

Bumuntong hininga ito, "Tara na. At nang makapagpahinga ka ng mas maaga."

Pagkatapos nun ay nauna na itong pumasok sa loob.

Napatitig ako sa pinto ng silid na pinasukan nito. Bumuntong hininga ako at tinagilid ng bahagya ang ulo.

Tama siya. Kinakawawa ko masyado ang sarili ko.


Pero kasi...




Gustong-gusto ko 'to.


Umiling-iling ako ng ilang beses para matauhan ang sarili.

Muli akong bumuntong hininga bago tinahak ang silid para sundan ang doktor at para na rin makapagpaalam.







Pagkatapos kong magpaalam ay agad akong umuwi sa condong tinitirahan ko. Pagkapasok ko sa loob ay agad akong sumalampak sa aking kama. Pagod na pagod ang utak at katawan ko. Dahil na rin sa sobrang pagod ko ay mabilis akong nakatulog.

Task Force: Saving SoulWhere stories live. Discover now