1

24 3 2
                                    

"What do you want in the future, Ez?"

"I want to be successful, Kel. How about you?"

He look up to the sky and said, "I want to save them."

My forehead creased in confusion. "Save who?"

He smiled while his eyes are still focused on the sky.
























"I want to save the soul that is losing its grip."




Napabalikwas ako sa kinauupuan ko nang marinig ko ang pagbukas ng pinto ng silid na kinaroroonan ko.

Tinignan ko ang mga papel na nasa ibabaw ng aking lamesa at napa-buntong hininga.

Nakatulog na naman ako. Tsk. At napanaginipan ko na naman siya.

Naihilamos ko na lamang ang mga palad ko sa mukha ko nang maalalang wala pa ako sa kalahati sa mga papel na kailangan kong basahin at pirmahan.

"Oh! Nandito po pala kayo, Doc. Magandang umaga po!", dinig kong bati sa akin ng nurse na sa tingin kong siyang pumasok sa silid na para sa mga katulad kong doktor.

Nag-angat ako ng tingin dito at nakitang naglalapag ito ng mga papel sa isang lamesa na malapit lang rin sa akin.

Ngumiti ako rito at tumango, "Magandang umaga rin ho."

Pagkakita nito sa mukha ko ay kumunot ang noo nito at pinakatitigan nang mabuti ang mukha ko.

Bakit niya ako tinititigan?! May muta ba ko?! Hala, baka may laway pala ako sa gilid ng labi?!

"Doc? Ayos lang po ba kayo?", ani nito pagkatapos titigan ang mukha ko.

"Oo naman", sagot ko at tumawa pa ng bahagya.

"Sigurado po kayo, Doc? Namumutla po kasi ang mukha ninyo", may bahid ng pag-aalala sa boses nito ng sabihin niya iyon sa akin.

Kumunot naman ang noo ko at agad na inabot ang maliit na salamin sa ibabaw ng aking lamesa upang makita ko ang mukha ko.

Pagkakita ko sa mukha ko ay awtomatikong napahawak ang kanang kamay ko sa kanang pisngi ko.

Wala namang lamay. Pero... namumutla nga ako.

Binalingan kong muli ng tingin ang nurse at ngumiti ako ng bahagya rito, "Nainitan lang ho siguro ako kaya ganito."

Agad namang kumunot ang noo nito at mababakas ang pag-aalinlangan sa mukha nito ng marinig ang sinabi ko.

"Pero Doc, nakabukas naman po ang aircon. At hindi na po masyadong mainit ang panahon ngayon."

Ngumiti ako dito at tumango, "Ayos lang naman ho ako."

"Wag ho ninyo akong alalahanin", dagdag ko pa at bahagyang kinaway ang isang kamay, senyales na hindi niya kailangang mag-alala.

Nag-aalangan pa ito kung maniniwala sa sinabi ko ngunit di kalauna'y tumango din naman ito at lumabas na ng silid.

Nang tuluyan na ngang makalabas ang nurse ay napabuga ako ng hangin at napailing.

Buti na lang at pamumutla lamang ng mukha ko ang nakita niya.

Muli akong napailing at binalingan ng tingin ang mga papel sa ibabaw ng aking lamesa.

Ang dami pa.

Tumingala ako at muling napabuga ng hangin.

Pang-ilan na ba 'yon.

Inabot ko ang bote ng mineral water na hindi ko pa nagagalaw at uminom mula rito nang sa gayon ay mabawasan ng kaunti ang pamumutla ng aking mukha.

Tumitig ako sa kawalan at muling napailing nang maalala ko ang eksena kanina.

Muntik na iyon.

Mabuti na lamang at hindi na nagtanong pa ang nurse kanina.

Nag-inat ako ng braso at tinignan kong muli ang sandamakmak na mga papel. Kinuha ko ang aking ballpen at sinimulang basahin at pirmahan ang mga ito.

Hindi na dapat maulit ang nangyari kanina.

Task Force: Saving SoulWhere stories live. Discover now