ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ ᴏɴᴇ ° ᴍᴇᴇᴛ ᴛʜᴇ ɢɪʀʟs

91.7K 1.4K 64
                                    

KRISTY.

Nagising ako sa ingay ng alarm ko. Nakakaimbyerna lang dahil nahulog pa ako sa kama nang dahil sa gulat. Paano ba naman kasi, sa tenga ko itinapat 'yung alarm clock. Ganun na ba talaga ako ka-tulog mantika?

Matutulog na sana ako ulit nang naalala ko ang sinabi ni Drake, nakababata kong kapatid, kagabi.

"Matulog ka na raw sabi ni Mama, Ate. First day of school pa naman natin bukas."

Agad akong bumangon nung naalala ko iyon. Shet. First day of school nga pala namin ngayon!

Pumunta ako sa CR at naligo. Pagkatapos ay nagbihis agad. Kailangan maaga kaming makaalis sa bahay ngayon. Ang layo pa naman ng school dito!

Pagkatapos kong tingnan ang sarili kong repleksyon sa salamin, lumabas na ako sa kwarto ko at dumiretso sa hapagkainan para kumain. Dali-dali akong pumwesto sa lamesa nung nakita kong noodles ang pagkain na inihanda ni Mama ngayon. My favorite.

"Good morning Princess!" bati sa akin ni Mama habang hinahanda ang mga pagkain sa lamesa. Tinulungan ko siya.

"Good morning, Ma," I told her as I kissed her cheeks at binati rin ang nakababata kong kapatid na si Drake na kumakain na naman ng tsokolate habang nakaupo sa upuan niya. "Good morning, Drakey."

"Magandang morning rin, Ate," bati niya pabalik.

Aba. Aga-aga pa kumakain na agad ng tsokolate. Sabagay, di naman na 'yan bago.

"Ma, where's Kuya Kent?" tanong ko kay Mama kahit parang obvious na ang sagot. Sigurado akong nasa kama pa 'yon at naghihilik pa.

Kung ako tulog mantika, mas malala si Kuya. Di 'yun madaling gisingin, e. There was that one time na binuhusan ko pa siya ng malamig na tubig para lang magising. Galit na galit siya 'nun e nakakatawang isipin. Ah, good times.

"I'm pretty sure he's awake by now. I'll check." Naglakad si Mama papunta sa kwarto ni Kuya. Nang bubuksan na sana ni Mama ang pintuan, bigla itong bumukas at iniluwa ang Kuya kong panget.

"Good morning, Ma." Kuya kissed Mama's cheeks. "Hi, sis. Hi baby bro."

Nagpaalam si Mama na pupunta muna siya sa CR kaya naiwan kaming magkakapatid dito sa hapagkainan.

"Himala, nagising ka ng maaga. May sakit ka Kuya? Magpapa-party na ba ako?" pang-aasar ko sa kanya habang ninanamnam ang sarap ng special noodles ni Mama.

"E kung ikaw kaya tadtarin ni Trixie ng calls? Nakatapat pa sa tenga ko 'yung phone. Pasalamat kayo love kayo 'nun e ginising pa ako."

"S'yempre gigising ka ng maaga Kuya ilang buwan mo kami 'di makikita e. Love mo talaga kami yiee," pang-aasar ni Drake sa kanya.

"'Di no. Sawa na ako sa pagmumukha ninyo."

"Pero kay Ate Trixie hindi? Grabe," pagmamaktol ko. "'Di mo lang talaga kami love. Ganyan naman kasi ang mga lalaki, e. May makita lang na iba magsasawa na."

"Drama mo. Ew." Pinitik niya 'yung noo ko. Aba! "Syempre mamimiss ko kayo, 'no. Ako kaya maghahatid sa inyo 'dun. Kaya nga nagpagising ako ng maaga e. Group hug nga."

Niyakap namin si Kuya. Mamimiss ko talaga ng sobra. Hays.

Nung handa na ang lahat ay nagpaalam na kami kay Mama at Papa tapos sumakay na sa kotse ni Kuya Kent. Sa back seat kami umupo ni Drake. Pinagbawalan kasi kami ni Kuya Kent na umupo sa passenger's seat dahil para lang daw 'yun sa girlfriend niya, si Ate Trixie.

Our Highschool Life: The Love SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon