Chapter Thirty One

553K 11.7K 1.5K
                                    

 IGINALA ni Gel ang tingin sa suite na pinagdalhan sa kanya ni Kaleb. Kasalukuyan siyang nagpapatuyo ng buhok. Nanginginig pa siya dahil sa kalandian niya.

 Sa lahat pa ba naman na magyayakapan sila sa ilalim pa ng ulan. Kahit lumalakas na ang buhos ng ulan, hindi pa talaga siya nahimasmasan. Nagpatukso pa siya. Nakipaghalikan sa gitna ng ulan.

Parang isang eksena sa pelikula. She missed him the feeling of his strong arms around her that she almost forgot everything. Nagpadala siya sa agos ng emosyon. That's why she lrt him kissed her. She also let herself enjoyed his lips..

Para nga lang isang eksena sa cliche na romance film ang halik na namagitan sa kanila. 'Yun nga lang. Hindi dapat kasali doon na may guard na sisita sa kanila.

Tumayo si Gel at tiningan niya ang sarili sa salamin. Namumula ang mukha niya. Kani-kanina lang ay ang dilim ng mukha niya. Parang ilang araw siyang walang tulog. Bigla bigla ay naging buhay ang kutis niya.

Iyon siguro ang advantage ng inlove. Inaamin na niya. Mahal niya si Kaleb. Hindi naman na niya itinatangi sa sarili iyon.

Lolokohin lang niya ang sarili kung papaniwalain pa niyang simpleng atraksyon lang ang nararamdaman niya.

Bumukas ang pinto. Iniluwa niyon ang matikas na pangangatawan ni Kaleb. Nakapagpalit na ito. Ang bilis.

"Nagpatawag na ako ng staff para magdala sa 'yo ng pampalit."

"S-Salamat. Pero hindi naman na kailangan. Pinapatuyo ko na sa bathroom ang mga damit ko." sabi niya. Pagkatapos ay napatitig ito sa kanya. Noon niya naalala na nakasuot siya ng roba. Tanging iyon lang dahil pati ang mga underwear niya ay pinapatuyo niya.

"Okay. Ipapadala ko pa rin 'yon dito. Kakailanganin mo bukas."

Umangat ang kilay niya. "Bukas? A-Anong meron? Aalis na rin ako mayamaya."

"Malakas ang ulan sa labas. Maiipit ka lang pati sa traffic kaya ipagpabukas mo na."

"I need to finished my report."

"You can do that tomorrow. For now, I want you to stay with me." Humakbang palapit sa kanya si Kaleb. She could see the longing in his eyes, the need to touch her. Ipinaalala ng mga titig nito ang maiinit na pagtatalik na namagitan sa kanila.

Ang paraan kung paano siya nito halikan, kung paano nito ikulong sa palad ang malulusog na dibdib niya at panggigilang haplusin. She also remembered how he took her with so much need. Sex was hot with him. Because he knows exactly how to please her.

Tumaas ang dibdib niya sa namumuong tensyon sa pagitan nila. Sinalubong niya ang nag-aapoy na mga titig ni Kaleb. Iisa lang ang tumatakbo sa isip nilang dalawa. Pero nanatili lang itong nakatitig sa kanya at walang ginagawang hakbang. Bahagya siyang nainis. "So?? Tititigan mo lang ba ako?"

Swabeng umarko ang kilay nito. At ang gwapo pa nito kapag ginagawa nito 'yon.

"Ano?"

"What? Do you want me to do something for you?" he asked, like he doesn't have any idea what to do with her.

Namula ang mukha niya. "Fuck you," mura niya dito. "You know what to do."

"I don't what you're talking about, Gel. Why not tell me?"

Binasa niya ang mukha nito. Ang tanging nakita niya ay panghahamon. Sinusubukan nito ang pasensya niya! Akala ba nito ay kakagatin niya 'yon?

Well, fuck.

"Kiss me." demanding na sabi niya.

"Ginawa na natin 'yon kanina. And I think I've had enough."

Namaang siya dito. Iniinsulto ba siya nito?

TEMPTATION ISLAND: Hot EncounterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon