Chapter Eight

873K 15.3K 3.7K
                                    


"GOD, it's still raining," pabulong na sabi niya nang magising na malakas pa rin ang ulan sa labas. Nakakatakot ang paghampas ng hangin. Signal number 3 daw, sabi kanina sa TV. Hindi niya alam kung two or three ba. Basta sigurado siyang naka-four sila ni Kaleb kanina.

"Four four ka pang nalalaman, fokfok ka na day."

Ilang beses siyang inangkin ni Kaleb. Sa bawat pag-angkin nito, sa bawat mga haplos nila sa isa't isa, parang mas lalong sumisidhi 'yong pangangailangan. Mas tumataas 'yong init, sa halip na mabawasan.

"Sinong kinakausap mo?" Muntikan na siya mapalundag sa pagsingit ng boses ni Kal sa isip niya.

Hindi niya namalayan na nakalabas na ito sa banyo. Nanuot sa pang-amoy niya ang gamit nitong body wash. Parang unti-unti na siyang nasasanay sa amoy nito. She swallowed hard at the thought.

"I'm just talking to myself.. A-Ang bilis mo maligo."

"Are you serious? Almost thirty minutes na akong nasa banyo."

"Bakit parang matagal pa sa 'yo ang thirty minutes? Mabilis ka maligo no?" Nang-aakusa siyang tumingin dito.

"Give me fifteen minutes. Tapos na ako."

"How dugyot."

Napakamot ito sa batok, pagkatapos ay nanlaki ang mata sa kanya. "Grabe naman 'yon! Dugyot agad. Mabilis pa ba 'yon?"

"For me, yes. Kung ikukumpara mo sa tagal mong labasan, sa minuto lang ng paliligo mo, mabilis talaga.."

"Teka naman, awat sa pinagkumparahan." Nakita niya ang pamumula ng mukha nito. How cute! "At iba talaga yong haba ng paliligo niyo sa aming mga lalaki. I'm not dugyot."

"Dugyot. Dugyot."

"Isa pang dugyot, may maiiyot."

Parang nalaglag ang panga niya sa sinabi ni Kaleb. Pilyong ngumisi ito.

"Ano, isa pa?"

"How bastos!" Pinalo niya ito sa braso. Namumula ang mukha niya sa pagkabigla. Iyon ang huling salitang maririnig niya sa lalaki! At juskolord, parang humiwalay ang kalandian niya sa katawan.

He let out a delicious chuckle. Hinapit siya nito at ikinulong sa yakap nito. "Joke lang. I know you're still sore and---"

"And you still want to fuck me."

"I'm not denying that." Kinurot niya ito sa tagiliran. "Aw, that hurts!"

Itinulak ni Gel ang lalaki. "Lumayo ka nga. Hindi pa ako naliligo." Binitawan na siya nito. Humakbang agad siya palayo kay Kal. Nakakapanghina ng tuhod ang init nito. At nakakatakot din ang mga haplos nito. Hindi na siya magdedeny. Nakakapag-init ang bawat haplos ng makalyong palad nito. Nagdadala ng libo-libong masasarap na sensasyon at umaalipin sa kanya.

"Maligo ka na. You have fifteen minutes."

"Ano ka! That's not enough for me. Give me one hour."

"Mahal ang bayad sa tubig." pahabol nito.

"Wala sa mukha mo ang naghahapit, wag ako." Inirapan niya ito bago siya pumasok sa banyo.

HE was really something. Mabilis niya ito makagaanan ng loob. Komportable siya kasama ito. Komportable kausap. And she feels like she could really trust him with her life.

Hindi naman siya obvious masyado ano? Ilang beses na nga sila nag-sex sa maikling panahon na magkakilala sila. Three days pa lang siyang naroon. Dahil sa hagupit ng bagyo, hindi siya makaalis. Maganda na naman ang panahon ngayon. Ngunit wala sa isip niya ang umalis muna. She wanted to stay.

TEMPTATION ISLAND: Hot EncounterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon