Chapter Thirteen

870K 16.2K 2.9K
                                    


"HEY, are you okay?"

Bigla niyang naipikit ang mata nang pumasok sa kwarto si Kaleb ng walang pakundangan. Nagpanggap siyang tulog. She still doesn't to talk to him.

"C'mon, alam ko gising ka."

"No, I'm sleeping. Respect the sleeping beauty, get out."

"How mature." Narinig niya ang mahinang tawa nito at pinisil ang pisngi niya. "Sorry na. Sorry na, okay?"

Napamulat siya. Nakita niya itong nakayuko sa kanya. Malamlam ang mga mata habang nakatitig sa kanya.

Napakunot-noo siya. "Bakit ka nagso-sorry? Wala ka naman ginawang masama sa akin, at lalong hindi mo kasalanan ang ginawa nila sa akin."

"Dahil ako ang nagtanong sa 'yo, ako ang dahilan kung bakit naungkat ulit. Kung hindi ako nag-usisa---"

"Stop."

Napatigil si Kaleb at napaatras. "O-Okay."

Nakaramdam naman agad siya ng guilt. "It's not your fault, Kal. Really. Kahit naman hindi mo itanong sa akin, sigurado ako alam mo na rin 'yon.. Alam mo na rin ang tungkol sa akin."

Napalunok si Kaleb, nakita niya ang bahagyang panlalaki ng mata nito. "What do you mean?"

Bumangon siya at ngumiti dito. "Malalaman mo rin dahil masasabi ko rin sa 'yo sa susunod na araw.. Dahil natutunan ko na rin na pagkatiwalaan ka at napapalapit na ako sa 'yo. Because you're a nice guy. And I'm grateful I found a companion in you, Kal."

Banayad na hinaplos niya ang mukha nito. Namumutla ang lalaki at di niya napigilan matawa. "Bakit ganyan itsura mo? Para kang nahuli sa akto na gumagawa ng krimen. I'm not mad at you, lilinawin ko lang."

"If you're not really mad, then why are you suddenly giving me silent treatment? It's like you're pushing me away.."

"Hindi naman. I'm just upset.. Hindi sa 'yo, hindi rin sa ibang tao kundi sa sarili ko. Dahil kahit anong pilit ko sabihin sa sarili ko na okay lang 'yon, tama na.. I can't help myself but be sad with the life I'm dealing with. Sometimes I just wish hindi na lang ako ipinanganak. Ipinalaglag na lang sana ako ni Mama."

"Hey, that's not right." pigil sa kanya ni Kaleb.

"Pero iyon ang gustong desisyon nya noon.. Ang ipalaglag ako." Napasinghap ang lalaki. Mapait naman siyang napangiti. "Pero utang na loob ko pa rin sa kanya kasi sa huli, ginawa niya 'yong tama. Pinili niya na buhayin ako."

"How about your dad? Tinatrato ka ba niya ng tama?"

"Tinutustusan naman niya ako kahit lumaki ako kay Mama. Kinilala pa rin niya akong anak, and I should be thankful kahit most of the time, parang isa lang 'yong anak niya. And that's Terry. The favorite." She couldn't help the bitterness in her tone. "Siya ang favorite ng lahat kahit mas marami siyang nagagawang mali. Pag siya nagkamali, ijinujustify ng lahat. Pag ako.. Bawal magkamali. Kailangan ko maging perfect all the time. I need to be the good girl para may karapatan naman ako sa sustento ni Dad, para hindi magsisi si Mama sa pagpapalaki niya sa akin. I need to study hard, work hard for them. I need to be that someone na maipagmamalaki kahit hindi ipinagmamalaki kahit kailan..

"Kailangan ko imaintain ang good girl image ko para maging deserving sa pagkilala nila.. And that's so fucked up. Bakit ako 'yong mag-adjust para sa kanila? Bakit kailangan ko pa maging ganoon para lang mahalin? Ano, dahil may sari-sarili silang pamilya, parang outsider lang talaga ako?"

Hindi na niya napigilan ang bugso ng damdamin. Tuluyan siyang nawalan ng kontrol. Natagpuan niya ang sariling umiiyak habang nakayakap kay Kaleb.

Matagal niyang tiniis ang mga paghihirap niya. Noon sa sitwasyon niya sa mga magulang. Pagkatapos sa trabaho. Ginawa niya ang lahat ng best niya para makuha ang tiwala ng kanyang ama. Noong maging CEO siya ng kumpanya nito, akala niya tuluyan na niyang nakuha ang tiwala nito at pagkilala. But then, sinira ulit iyon ni Terry. Hindi niya alam kung bakit ginagawa nito ang lahat para lang masira siya.

TEMPTATION ISLAND: Hot EncounterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon